Ending

1.8K 53 5
                                    


This is unedited.



Happiness




Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Hindi ako mapakali sa aking pagkakaupo kahit na may isang tao ang kumukuha ng video sa akin. Sobrang lakas talaga ng kabog nito to the point na sobra-sobra ang hingal ko sa araw na ito. Natutuwa ako sa mangyayari sa araw na ito pero sobrang nerbyos din dahil... Basta, hindi ko alam!

Huminga ako ng malalim para kumalma. Ngumiti ako sa camera na nakatutok sa akin at nag-thumb sa akin iyong nagbi-video. Kitang-kita ko ang ngiti nina mama, ate Niña, at maging ang aking best friend forevs na si Amira sa pagkukuha ng video sa akin. Sobrang ganda ng mga ayos nila. Si mama ay naka-bun ang buhok na parang sa isang prinsesa. May dalawang strands ng buhok ang nakatabing sa gilid ng mukha niya na nagpatingkad sa kulay niyang morena at maging ang kagandahan niya. Simpleng light-make up lang ang mayroon sa mukha niya at kitang-kita naman ang pagiging bata ni mama Maria. Si ate Niña, nagagalit kayo sa kanya, hindi na ako nagagalit sa kanya. Wala naman siyang ginawang masama. Katulad ko ay natatakot rin siya noon sa papa naming dalawa. Magmula noong bata ay nakita niya ang pagiging malupit sa akin ni papa pero hindi niya ako matulungan dahil napagbantaan na rin siya ni papa. Wala naman siyang bad blood sa amin ni mama. In fact, siya pa nga ang unang nakipag-ayos. Ang gusto lang talaga ni ate na maayos na ang pamilya namin. Todo sorry siya sa ginawa ni papa sa amin ni mama. Pero ang pinakamahalaga ay naging maayos nga naman ang hiling niya sa aming dalawa. Sa amin. Naging maayos ang pamilya namin at nagtulong-tulong kami para bumangon at maging maayos ang buhay namin. Ngumiti ako sa kanya nang kumindat siya sa akin. Mukhang hindi sakto ang salita maayos sa pagbabago sa buhay namin. Next time, ise-search ko kung anong nararapat. 

Pero nagniningning ang kagandahan ni ate. Maputi siya, namana niya sa mama niya pero ang pagiging maganda niya ay kay papa nanggaling. Hindi ko maipagkakaila na maganda naman siya talaga. Paano ba at ang kapatid niya dyosa rin? Ang totoo niyan, may pagkakahawig kami. Tila magkambal nga kami kapag naayusan lang kaming dalawa ng maayos. Kaso, ayaw naman naming magkaroon ng hidwaan ulit. Simpleng make-up lang din kay ate. Pero ang napansin ko talaga ay ang labi niyang maliit ngunit kapansin-pansin dahil sa pagpapatingkad ng pink lipstick. May kauting blush-on din siya. Sinampal ko kase. Charot! Syempre, parte ng make-up niya. Kulot na kulot ang bagsak niyang buhok. May pa-flower crown pa si ate mo. Ang ganda-ganda niya talaga.

And lastly, ang best friend ko... Wait, parang may kulang. Nasaan na ba iyon--

Bumukas ang pinto sa kwarto ko at pumasok ang hinihingal na si Nathalie. 

Napalingon-lingon siya sa amin. "Sorry, I'm late. Late na ba ako?"

Ngumiti ako at lumapit sa kanila. "You're just on time." 

Pero hindi na namin napigilan ang tili namin at tawa dahil... Ahhh! Kompleto ulit kaming magkakaibigan. Ang aaya sa pakiramdam na makasama ko sila. Pero ano ang mas isasaya pa kung nagsama-sama na ang mga mahahalagang tao sa buhay ko upang saksihan ang pag-iisang dibdib ko sa aking baby boy. Ihhh, kinikilig ako! Wait, mag-aayos pa pala ako.

Video, in 3, 2, 1, Action!

Tawanan kami sa nangyayari sa kwartong iyon. Sobrang saya sa loob ng puso ko dahil, naririto na kaming lahat. Ito ay pagpapalit ng masasamang alaala ng mga magaganda. Ang pagdiriwang na ito ay para sa pagbabagong buhay naming lahat pagkatapos ng sampung taong magmula noong nangyari ang bagay na iyon.

Caught in the ActWhere stories live. Discover now