✔️ Caught 15 ✔️

1.3K 56 8
                                    


Couple




"Ano, wala pa ring text hanggang ngayon?" Tanong ni Amira habang naglalakad kami patungo sa kusina ng mansion.

Nagkibit-balikat ako at tiningnan ang cellphone kong halos ang sentbox ay mga bente na. Kaninang umaga pa ako nagtetext pero wala e. Iniisip ko nga na baka busy siya o kaya ay may sakit. Nag-aalala tuloy ako. Sinubukan kong tawagin siya kaninang hapon pero nag-eend-call. Nakakainis na talaga! Hindi ko alam kung bakit ba niya ako nire-reject. May nagawa ba ako? May mali ba? Nagpaalam naman ako, ha! Pero bakit ganun at wala pa rin?

Eksaktong ala-sais na nang hilahin ko ang upuan dito sa kusina. May nag-iingay sa tabi ko at alam ko na parating na yung iba pang kaklase ko. Nagmovie-showing kami kanina. Todo iyakan nga ang nangyari kase tungkol yun sa paghingi ng tawad ng anak sa mga magulang at ganun din ang mga magulang sa anak. Sobrang naiyak ako kase si Mama ang naiisip ko. Nag-aaway kami. Tapos nagkakasagutan minsan. Pero alam ko at ramdam ko na mahal niya ako at mahal ko rin siya. Di bale nang wala akong ama basta't may mama pa rin ako na nagmamahal sa akin tunay ay wala ng mas hihigit pang regalo para sa akin.

Speaking of, ti(n)ap ko yung message sa screen ng cellphone ko. Pinindot ko ang Send to tapos hinanap ko ang numero ni mama. Pagkatapos ay yung mahabang box naman ang pinindot ko. Nakagat ko ang labi ko habang nagtitipa. Alam kong mas maganda kung sa personal ko sasabihin. Pero nahihiya talaga ako e. Siguro magi-earn muna ako ng confidence tas sasabihin ko na sa kanya ng personal. Para sa kahit na ganung paraan ay malaman niyang mahal na mahal na mahal ko siya.

To Mama:

I love you, ma! :)

Bakit nga, ano? Bakit sa text pa talaga natin nasasabi iyong mahal natin ang mga magulang natin at hindi sa personal? Matagal na rin naman tayong kilala ng ating mga magulang. Pero bakit hindi natin kayang sabihin sa kanila na mahal natin sila sa personal na pamamaraan? Nahihiya siguro tayo. Lalo na at... marami rin tayong nagawa sa kanila na ikinakasakit ng damdamin nila. Kaya siguro hindi natin masabi sa kanila na sorry at i love you kase nga nahihiya talaga tayo. Huminga ako ng malalim.

Napabaling ako sa labasan ng kusina dahil maingay. Napansin ko ang mga grupo ng mga lalaki at babaeng kaklase ko. Walang instructor pa rito kaya malaya kaming gawin ang gusto naming gawin. Syempre naman, in all due respect, dapat may limitasyon pa rin.

Pero nalaglag ang panga ko nang makitang si Mac ay hawak sa bewang si Norway. Parang iginigiya niya ito. Ewan ko kung napansin iyon ng mga kaklase namin pero jusko, sobrang nakaka-amaze. Na kaya nilang gawin iyon dahil mahal nila ang isa't isa. Basta, sobrang gulo. Pero humahanga ako.

Akala ko lalaking-lalaki ang mga ito.

Tapos nag-gagandahang dilag din ang hanap.

Hindi pala.

Lalaki rin pala ang hanap.

At nahanap nilang dalawa ang isa't isa.

Isn't it amazing?

Pero... hindi pa rin naman talaga maiwasan na mangamba para sa kanila. Lalo na at mayroong standard pa ang mga tao tungkol sa ganyang relasyon. Napayuko ako at naisip iyon. Hindi ba at mahirap nga kapag mayroong ganun? Maraming sasawsaw. Maraming magagalit. Maraming...

Tanggap kaya sila?

O baka ang OA ko lang talaga mag-isip at friends lang silang dalawa? O kaya naman Bromance, ganun!

Caught in the ActWhere stories live. Discover now