Caught 17

1.3K 52 23
                                    



This is unedited.

😀😀

Red-handed.

Lumipas ang araw at maraming activites na nagpahubog sa akin at ng aking mga kaklase magmula sa kanilang pag-iisip hanggang sa kanilang personalidad. Mas lumawak ang aming kaisipan tungkol sa mga bagay-bagay na maaaring makapagdulot ng sakit. May mga remedyo pero kailangan ng oras. At ang pagtanggap at pagkilala sa mga nangyari sa buhay ay magandang paraan para maipagpatuloy ang buhay.

At sa huling oras namin dito sa mansion na ito, huling araw para makapagsaya. 3PM at pansariling kasiyahan na. May mga nagseselfie na dahil tapos na magempake. May nagkakantahan din tapos tipong pentatonix pa o yung sa pitch perfect. Kaamaze nga kase may talent pala mga kaklase ko sa ganung paraan ng pagimbento ng musika. Yung iba, nilubos na yung pagkain. Yung iba, ehem, sina Mac at Norway... Nag-iimpake pa raw silang dalawa. If I know, baka ibang bagay na ang pinapasok sa kuwebaestesa luggage. Grrr! Ewan ko ba dun.

Nakaupo ako rito sa bench sa harap ng mansion at hawak ang cellphone ko na binubuhay ko. Ilang minuto pa lang naman nang lumabas ako dala ang luggage ko. Umaasa ako na sana magtext si Jose para kamustahin man lang ako. Hanggang sa magload yung cp ko at ilang mensahe ang bumulaga, ang kasiyahan na nararamdaman ko ay nawala. Ngumuso ako habang pinipindot ang message icon tas tiningnan doon kung sino ang mga nagtext.

Mama, Tita Mel, Felicia (pinsan ko), Samuel Veneracion(kuya pinsan ko), tapos si Niña. Napatitig ako sa text ng pinsan kong si Niña. Ewan ko pero parang may nararamdaman akong kaiba. Ano kaya yon? Hmp, kung ano-ano na naman ang pumapasok sa isipan ko! Tapos, ahhh, bakit ba pinapaalala nun sakin yung araw na nakahawak si Niña sa braso ni Jose. Ugh, I have to stop thinking. Kaibigan lang naman.

Or so I thought...

Ewan, charot-charot lang siguro ito.

Pinindot ko yung mensahe ni mama. Ang sabi rito ay aalis daw siya ng mga ala-sais at baka nakaluto na raw siya. Alam niyang uuwi na kami ngayon kaya siguro naghanda si mama. Tapos kay Amira, aba! Malakas si mama sa kanya. To kaseng kaibigan ko, patay-gutom sa adobong pusit. Nakakaloka! Ayaw ko nga sa pusit. Hanggang calaramares lang ako.

Ay, ewan! Pusit din pala iyon.

Weird taste talaga.

Anyway, speaking of the feelong in Glee, pakanta-kantang lumapit sa akin si Amira habang dala-dala yung maleta.

"So I put my hands up, theyre playing my song~~"

Umirap ako kase ngiti-ngiti pa siya tapos kindat-kindat. Di niya alam may tsokolate sa gilid ng labi niya. Oh, pati pala ngipin meron din! Nakakaloka talaga tong kaibigan ko, oo!

"Hi bee! How's life in here?" Masayang sabi niya.

Aba, echoserang to! "Feeling galing out of the country, bee? Charotera ka!"

Umirap siya at itinabi yung maleta niya. Bumaling ako sa cellphone ko. Kasabay nun ay ang pag-upo ni ate girl.

"O, sino yan?"

Pinindot ko yung kay kuya Samuel after kay Felicia. Ang sabi rito, sa bahay muna siya samin after ng sembreak nila. With matching happy tas sad emojis. Hay naku! Kay mama, magaling din yan! Kapag nasa bahay si Kuya Sam, nakupo! Ignora ang beauty tas ala-Cinderella pa peg mo. Hays! Pero worth it naman kapag nandoon na si Kuya Sam. Nakakagala kami nang bonggang-bongga. Nagreply naman ako na okay lang sakin pero kay mama siya magsabi.

"Bee?"

Napakurap ako at tumingin kay Amira. Nakatingin siya sa akin at tinatanggal niya ang headset sa kaliwang tainga niya. Napaawang ang bibig ko. Bakit?

Caught in the ActWhere stories live. Discover now