✔️ Caught 9 ✔️

1.9K 77 14
                                    


Hot


Madilim na madilim na ang langit ngunit ang ilaw na mula sa kidlat ay nagliliwanag habang akbay-akbay ako ni nerd habang naglalakad. Yakap-yakap ko si nerd bilang tulong sa kanya dahil sabi niya'y masakit ang paa niya dahil naapakan daw. Okay, hindi lang ito tulong sa kanya. Hindi sa nantsatsansing ako, ah, pero sobrang takot lang ako kase sa kidlat at kulog. Shit, natatakot talaga ako sa mga iyan. Pinapaalala kase nito ang nangyari noong bata pa lang ako. Sobrang dikit lang ako kay nerd at sa katawan niya dahil sa takot na matamaan ng kidlat. Nanginginig ang tuhod ko habang naglalakad. Malakas ang hangin sa mga oras na ito na nagpapalipad sa mga dahong tuyo at maging ang mga puno at halaman ay gumagalaw. Ang bawat bahay na nadadaanan namin ay maliliit at gawa sa kahoy at nipa. Yung iba ay may arte ng parang mula pa sa panahon ng Espanyol ang itsura. May mga halaman sa frontyard ang bawat bahay at tanging mga pader na bloke and naghihiwalay sa mga ito. Habang papalapit kami ng papalapit sa daanang sinasabi ni nerd papunta sa bahay-kubo nila ay nagiging iba ang anyo ng ibang bahay. Nagiging makaluma ito na parang sa bahay ng bukid. May mga blokeng bahay akong nakikita. Yung iba ay mga gawa sa yero hanggang sa unti-unti ay kahoy at dahon na lang ng niyog ang nakikita ko. Parang cottage lang pero mas malawak at may espasyo. Ang pader sa mga ito ay mga kahoy na. Yung iba nga'y mga halaman na lang ang natatanging pader. Maging ang gate ay kahoy na. Pero meron pa rin namang mga gate na gawa sa metal. May iba't ibang vibes akong nararamdaman sa bawat nadadaanan naming bahay. May ilang maliwanag at mukhang peaceful pero mostly ay parang sa horror talaga. Mga haunted house sa sobrang dilim.

Naramdaman ko ang pagpisil ni nerd sa braso ko. Natatakot man ay tumingala ako at tiningnan ang mukha niya. Napalunok ako nang makita ko ang isang malaking puno ng mangga sa likod ng ulo niya. Pumikit ako ng mariin kase baka makakita ako ng mga kapre o ano pang elemento. Lumunok ako nang biglang kumulog.

"Okay ka lang ba?" Tanong ni nerd. Hetong isang ito. Masyado na ngang obvious tatanungin pa. Loko ito, ah!

Magsasalita sana ako pero biglang kumidlat. Napamura ako dahil sa gulat at napayakap ng mahigpit kay nerd. "Jusko, tama na! Ayaw ko pang mamatay. Masyado pang maaga!"

Jose laughed at my reaction. Napamulat ako at tiningnan siya ng masama kahit ramdam ko pa rin ang  nginig ng katawan ko. "Huwag mo akong pagtawanan! Natatakot na nga ako, eh! Bakit pa kase ako sumama sayo? Kaya ko naman tiisin ang galit ni Mama..." bulong ko sa huling linya.

Kumurap-kurap si nerd habang nakatingin sa akin. Na-stuck ako sa kinatatayuan ko nang bigla siyang tumigil sa paglalakad. Umatake ang kaba sa puso ko dahil sa ginawa niya. "Nerd, anong ginagawa mo? Tayo na, please!" Nauutal kong wika at sinubukan siyang hilahin.

"Ayaw mo ba akong makasama, Jace?" Tanong niya na hindi ko pinansin. Hinila-hila ko siya para makaalis na kami kase sobrang dilim ng kinalalagyan namin at malayo pa ang poste ng ilaw. Napalunok ako nang hinila ako ni nerd at napasubsob ang katawan ko sa katawan niya. Nagtama ang mga mata namin at sobrang seryoso ang dalawang maiitim niyang mga mata. Napaawang ang bibig ko at biglang natulala na parang nahigop ang kaluluwa ko sa mga iyon.

"Nagsisisi ka bang sumama sakin?" He asked. Makikita roon ang lungkot ngunit natatakpan ng kaseryosohan. Nahahalina ako sa baritono niyang boses na nagsasabing hindi ako dapat magsinungaling.

Umiling ako sa tanong niya. "Hindi ako nagsisi. Sorry na! Natatakot lang talaga ako sa lugar na ito. Nakakainis! Sobrang dilim kase. Saan na ba ang bahay niyo at nang makarating na tayo?"

Tiningnan niya lang ako na parang nananantiya. Maya-maya pa'y bumuntong-hininga at hinila ako para ipagpatuloy ang paglalakad.

"Grade 10 ka na't lahat, takot ka pa rin sa kulog at kidlat," nang-aasar niyang sabi. Ayan na! Nagsisimula na ang gegue.

Caught in the ActWhere stories live. Discover now