✔️ Caught 11 ✔️

1.8K 79 18
                                    


Liit ko



Ilang beses akong nagpabalik-balik sa pagtulog. Ilang beses na pag-ikot sa kama para makahanap ng komportableng posisyon. Naka-libo na nga sa pagbibilang ng mga tupa sa isipan ko pero wala pa rin at di ako nadadalaw ng antok. Tumingin ako sa kisame ng aking kwarto. May pabalik-balik kase sa isipan ko kaya di ako makatulog. Ang hangin mula sa electric fan ko ay tanging ingay sa madilim na silid. Jusko, totoo bang nangyari iyon? O talagang nangyari iyon? Hindi ko alam kung ano na ang iisipin ko pero naloloka ako dahil pabalik-balik si nerd! Bakit ba ganito? Bakit ko ba hinayaan na mangyari iyon? Hindi ko kayang isipin na pinagbigyan ko ang kamay ni nerd sa katawan ko, sa labi ko, Jusko! Lalong-lalo na sa katawan ko. Gusto ko tuloy maglupasay.

Tatlong araw na akong di makatulog magmula nung umuwi ako sa bahay galing sa bahay nila. Naalala ko pa kung paano niya ako inalalayan o inalagaan na akala mo baby ako. NAKAKALOKA! PATI PA PAGLIGO KO KASA-KASAMA KO SIYA! Buti nga sa labas siya noon kundi, di ko na alam ang gagawin ko.

Ewan ko ba at di ko mahanap sa puso ko yung iritasyon o galit man lang para sa kanya. Alam niyo yung feeling na okay lang iyong ginawa niya kase gusto ko naman? I mean, parang wala lang. Yung normal lang. Parang walang nawala sa akin.

PERO SI VIGIE PINAG-UUSAPAN DITO!

Pero may nagbago talaga. Nararamdaman ko iyon.

I am thankful talaga na iniligtas niya ako noon. He saved from rape, from gangband. Pero, ohmyghad, I just can't stop thinking pa rin sa nangyari. My innocent body is now tainted.

Napapikit ako ng mariin at hinaplos ang mukha ko sa inis. Naiirita ako. Nabibwisit sa isang bagay na hindi ko alam kung paano maidederetso. Galit ako hindi sa kahit kanino kundi sa sarili ko. Ahhh! Nababaliw na ako sa mga kaguluhan sa utak ko. Bakit ko ba iyon hinayaan? Ano ang rason? Dahil sa lamig ng panahon? Dahil sa init na dahilan sa pinanood ko noon? O kaya'y dahil may isang bagay sa kalooban ko na parang napigtas na at gustong kumawala? Hindi ko alam! Napasabunot ako sa buhok ko. Ang sakit na ng ulo ko at ang mga mata sa dilim ng kwarto. Ano ang dahilan? Bakit nangyari iyon? Can someone tell me?

Napasinghap ako sa biglang lumagapak sa isip ko.

Trap ba yung nangyaring iyon?

Napadilat ako at bumuntong-hininga.

Hindi! Hindi naman ganun si nerd. 

Pero Bold star yata pangarap nun kaya nagpapraktis. Baka ako pinagpraktisan niya.

Jusko, ano ba itong iniisip ko?

Biglang umilaw yung cellphone ko sa maliit na mesa sa gilid ng kama ko. Napatingin ako roon at bumangon ng kaunti para kunin iyon. Pagflash ng screen ulit ay isang unknown number ang bumungad sa akin. Nagtext. Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa text notification. Tiningnan ko ito habang ngumunguso.

Sino naman magtetext sa akin ng ganitong oras? Alas-dose na ng gabi, ha.

Hmmm.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang mensahe.

Gising ka pa ba, liit??

Harujusko! Kilala ko kung sino ito! Si nerd! Siya lang naman ang-- Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko. Bakit ba iyon ang naisip ko? Kainis!

Nagtipa ako ng mensahe.

Ako:
Hindi.

Note the sarcasm in there.

Humiga ako sa head rest ng kama at naghintay sa reply niya. Hmm, di ba siya makatulog? Bakit? Anong-- naiisip niya rin ba yung-- uminit ang pisngi ko at kinagat ang labi ko. Ugh, kailan ko ba ito maiwawala sa aking isipan? Nakakahiya na, ha! Nahihiya na ako. 

Caught in the ActWhere stories live. Discover now