✔️ Caught 5 ✔️

2.2K 81 5
                                    




Stupid


Thursday, Friday, Saturday. Thanks God, it's Saturday!

Maaga akong nagising sa araw na ito. 5AM and I'm alive and kicking. Oh~ Pero kingina! Puyat ako kahit nabigyan na ng pagkataon para makatulog. Bad trip! Bangungot na talaga yung nangyari sa akin. Yung nerd na yun. Siya na lang palagi laman ng isip ko. Hindi naman ako nag-memo-plus gold pero bakit naalala ko siya? Ilang beses ko na siyang iniisip. Sino ba siya? At ang oa mo naman self kapag bongga mong iniisip yung kabuuan niya. Pati iyong, kiss, huwaw! Jusko, iniwasan ko na nga't lahat. Pero... Ahhhhhhhhhhhh!

Kung anuman ang nangyari nung nakalipas na araw, hindi natuloy. Aba, I kicked his balls. Tapos tumakbo na ako at hindi na nagpakita sa kanya. Of course, pumapasok pa rin ako. Yun nga lang todo-iwas sa gago. Bad trip talaga! Naiimagine ko pa lang na hindi na virgin ang pagkatao ko, naninindig ang aking mga balahibo ko. How could he kiss me and that and that? Nakakainis talaga. Gusto ko na nga lang manapak. Huhuhu. Naiiyak ako ng balde-balde.

So, ngayong Sabadong ito. Sabadong makulimlim kagaya ng kili-kili ni Amira. Lol. Hindi naman maitim, aba, si Amira pa? Nag-Rexona si madam. Tamang advertisement lang. Charot! Nasa bahay nila ako. Party. Welcome Back party eh. Sabi niya, ang kanyang mga pinsan at Aunt niya mula sa Australia, bumalik ng Pilipinas. Dahil cute ako, ininvite niya ako. Aba, sasakalin ko siya kung hindi. Pinapakain ko siya sa amin kapag may party tapos hindi sa ngayon? Lol, joke. Nanunumbat, ano? Akala mo naman ako yung gumagastos. Sorry, Amira.

Nandito ako sa sala. Maingay at maraming mga tao sa bahay nila ngayon. Hindi naman sa nagmamayabang ang ate girl ninyo, ha. Pero kase mayaman sila. Mayaman na modern ang mansyon. Puti ang peborit na kulay ng mama niya. Paano ko nasasabi? Puti lahat eh. Syempre, may display, may ibang color. Pero mostly kase puti ang kulay ng bahay.

Pa-demure akong kumakain habang naghihintay kay Amira. Pumunta kase siya nang second floor nila kase may kukunin daw. May ipapakita raw siya. Ako lang mag-isa ngayon dito sa sofa kase naman, yung mga bisita nasa labas, sa may swimming pool. Nilinga ko ang buong dekorasyon ng bahay. Maganda talaga, nakaka-mesmerize sa ganda. Glass ang mesa sa harap ko kung nasaan ang nakapatong na juice, babasaging plato na may tira-tita, tapos isang platito na may chocolate cake. Sa ibaba nito ay mga updated na babasahin. Malawak ang bahay talaga, makakatakbo ka sa sobrang lawak. Maayos ang display ng mga bagay-bagay at malulula ka talaga. On-point pa ang pagkakadirect ng mga kwarto. Gaya ng sala, nasa ibaba ito. Kase, may hagdanan sa paligid-ligid na hangganan ng sala eh. Astig di ba? Malapit pa ito sa bintana.

Tumutugtog ang musika na umaalingawngaw sa paligid. Kumakain ako ng cake ngayon. May mga tao sa kusina na nakikita ko rito kaya ako pa-demure kumakain. Kapag aalis na riyan, para akong si Tarzan na nakakita ng pagkain kapag kakain. Jusko, humanda ka pagkain. Makikita mo.

Nang makaalis na nga ay sobrang taas ang gilid ng labi ko sa kakangisi. Mahigpit na paghawak sa tinidor na hawak ko at sa isang iglap ay busog na ako.

Ang sarap talaga! Jusko, patay-gutom talaga ako. Aba, pag free food lang, no. Syempre, my proper poise and graciousness naman ako. Naituro kaya ang good manners and right conducts noong elementary ako. Jusko, pati hygiene at iba pa, no. Ako lang talaga itong... I better not say. Lol

Nakita kong bumaba si Amira. Taranta at parang may hinahabol. Naka-suot siya ng short shorts (ano raw?). Tapos naka-spaghetti strap na pula. Bumaba siya ng hagdan at hagdan ulit. Nang makalapit sa akin ay magsasalita sana ako nang bigla niya akong higitin.

"Ayyyy! Bakit?"

"Dali na. May naghihintay sa akin sa malapit na tiangge."

"Oo na. Bitaw. Mahigpit kaya."

Caught in the ActWhere stories live. Discover now