Chapter 22

1.2K 49 11
                                    


This is unedited. 

Kiss


I was dumbfounded when Jose is beside me. Ni hindi ko alam kung ano ang dapat isipin o mas lalong sisigaw ba ako o magiging casual sa kanya. Si Jose ito. Isang Gemma. Gemmanloloko at Gemmakuntento. Huminga ako ng malalim. Hindi ako mapakali. Hindi dahil malapit si Jose sa akin (which is malapit naman talaga) at may nararamdaman akong kakaiba kundi nanginginig ako sa irita ko sa kanya at gusto ko siyang bigyan ng mag-asawang sampal. Hayop  siya! Ang kapal ng mukha niya, ha? Ang kapal-kapal niyang ngumiti pagkatapos ng lahat. Bwisit! Kalma, Jace. Kalma ka muna. Kailangan mong isipin na hindi ka mababaw... katulad ng hayop na walang hiyang gagong nasa tabi mo. Huminga ulit ako ng malalim at tinahak ko na ang papunta sa kay ninong. Ramdam ko naman ang pagsunod niya sa akin.

"Jace, wala man lang thank you?" Wika niya at ramdam kong malapit na niya akong makasabay. Inunahan ko na siya dahil nga nakakairita siya! Hindi ko siya nilingon pero inis na inis ako sa ginagawa niyang pakikipag-usap sa akin na dinaananclose kaming dalawa. Hindi, no! At never na?!

"Ang thank you ko ay hindi nababagay sa isang ahas na katulad mo!" Galit kong utas at lumiko pakaliwa. Maiingay na nang mas malakas ang kabuuan ng palengke dahil sikat na ang araw. I need to be back at the house. Hindi ko kayang makisalamuha sa katulad niya.

"I'm sorry. Sa nakita mo noon. Pero mali ang iniisip mo!" Sagot niya at mas lumapit pa sa akin. I just want him gone. As in di ko na nakikita ang pagmumukha niya. Not in the way na facing death. Gusto ko pa siyang mahirapan sa ginawa niya. Hayop talaga!

"Whatever. Bahala ka na riyan at wala akong pakealam kung anuman ang gawin niyo. You can fuc--"

Natigil ako sa pagsasalita nang marahas niya akong hinila pabalik sa kanya. Napaharap ako sa kanya at nanlalaki ang mga mata ko nang tumama ang noo ko sa labi niya. Napadaing kami ng sabay sa kapalpakan niya. Ang tanga talaga! Bwisit siya! Bwisit!

"Ano ba?! Bitawan mo nga ako. Wag mo akong sundan!" Sigaw ko na sa pagkakairita sa kanya. Kitang-kita ko ang pag-igting naman ng kanyang panga at tinitigan ako ng galit. Nagpupuyos akong umatras at tatalikuran sana ulit siya kaso hinawakan na naman niya kamay ko. Tiningnan ko siya ng masama.

"Huwag mo ako sabing--"

"Mabubunggo mo yung kargador! Hinila kita kase mabubunggo mo iyon. Masasaktan ka," dinilaan niya ang labi niya pagkatapos isigaw iyon. Shit! Pumikit ako ng mariin sa sigaw niya. Kargador? Nakarinig ako ng yapak sa likuran ko at mga sigawan bigla. Sobrang lapit na ang ingay na iyon. At tama nga siya.

"Tabi! Mabigat ito. Pasensiya na pero kailangang magmadali," sabi ng hubad-barong lalaki na dinaanan kami at may bitbit na dalawang saki ng bigas. Namamawis iyon at medyo sunog sa araw ang balat niya. Kitang-kita ko ang kanyang mga masels na na nasa tamang anggulo. Hindi ko napansin ang mukha dahil mayroong mga sumunod na rin. Kinagat ko ang labi ko at itinulak palayo ang katawan ko mula kay Jace. Mabibigat na titig ang kanyang iginawad sa akin.

"Okay lang ang masaktan ulit basta huwag na sa mga katulad mong ulo sa baba lang ang pinapairal!" Nabasag ang boses ko. Bakit? Bakit kahit sa hawak lang niya ay naiiyak na naman ako? Siguro dahil narealize ko na hindi lang kase basta-bastang tao si Jose. Alam ko iyon. Ang pagkakakilala ng lahat sa kanya ay straight na lalaki. Iyomg hinangaan. Maangas na may ipinagyayabang. Dapat babae lang sa kanya. At ang mga katulad ko ay hanggang hawak lang. Wala na. Naiisip ko na baka laro lahat ng sa kanya. At ang sakit na baka totoong ganon ang tingin niya. Napasinghot ako at umiling. Aalis na ako.

Caught in the ActWhere stories live. Discover now