Caught 19

1.2K 49 16
                                    


This is unedited.
Wasted

Jose Roberto Andres Santos'

"Jace, please..." Bulong kong tawag sa kanya kasabay ng pagpatak ng luha ko sa malakas na ulan sa gitna ng dilim. Tawag ko ang kanyang pangalan habang nakatayo at sinusubukan ulit na tingnan siya sa kanyang bintana pero sa isang iglap lang ay sumarado na iyon, tanda na nakapasok na siya sa kwarto niya. Inihilamos ko ang kamay ko sa mukha at marahas na itinaas ang basang-basa kong buhok. Ano bang nangyari? Tangina, di ko to inaasahan. Balak ko sana siyang sunduin sa araw na ito dahil alam kong pauwi na siya mula sa retreat nila pero fck! Anong nangyari? Pumikit ako ng mariin at nilapitan ang gate nila. Idinikit ko ang noo ko sa gate. Jace, sorry. Pero pakinggan mo ako at magpapaliwanag ako. Please! Hindi ganun iyon. It's not what you think. Pero yung mukha niya kanina habang nasa ibabaw ako ni Niña ay siyang nagpasabog ng galit sa loob ko. Mabilis akong lumayo at lumapit sa dingding malapit sa gate at sinuntok ko iyon! Isa, dalawa... Hanggang naramdaman ko ang sakit at napasigaw ako sa frustasyon at dahil dun. Umangat ang tingin ko sa bintana niya ng isang beses at nang makitang wala na talaga ay naisip ko na bukas. Bukas ako magpapaliwanag at papawiin ko muna ang init ng ulo niya. Jace... Jace, pansinin mo sana ako bukas. Magpapaliwanag ako. Sana pakinggan mo ako.

Umalis ako sa lugar na iyon at umuwi. Bumili ako ng tatlong bote ng red horse sa isang bukas na tindahan para maglasing. Alam ko na magagalit siya pero alam ko rin na kailangan ko ito. This is not my first time to drink but definitely my first time because of this kind of situation. And pain. Umupo ako sa upuan dito sa kusina namin at nilaklak ang bote. Nang ilapag ko ito sa mesa at lunukin iyon ay napaitan ako. Tagal ng panahon na pala nanf tumikim ako ng ganito. Napapikit ako ng mariin at bumuga ng hangin. Nagmulat ako ng mata at natulala sa ref namin. P-paanong nangyari ang lahat ng iyon? Tangina! Hindi ko inaasahan iyon.

Niña is my friend and my ex.

Noong nalaman kong nakipagbreak ang boyfriend niya sa mga panahong abala si Jace sa retreat ay kinuha ko iyong pagkakataon para alagaan siya. Bakit?

Dahil mahal ko siya.

Mahal ko pa rin si Niña kahit na siya ang nakipaghiwalay sa akin para sa lalaking matagal na niyang hinahangaan.

I know I'm an idiot and a jerk.

Pero mahal ko e. Mahal na mahal.

And I took that chance for her to fall in love with again.

I went all cold to Jace. Ni pagngiti ay nagawan ko ng peke dahil sa mga oras na inaalagaan ko si Niña ay sinasabi niya sa akin na mahal niya pa rin ang gunggong na iyon. Tangina, ang sakit! Ang sakit na marinig iyon mula sa babaeng minamahal ko. Siguro nga tanga ako kase mahal ko pa rin siya. Pero di ko naman matuturuan ang puso na magmahal. Rather than decline it or reject it, I went with the flow. Kase alam kong sa ikasisiya ko ang pagsunod sa puso ko.

Pero ano nga ba ang dahilan kung bakit nasabi ko at nakayanan kong gustuhin at ligawan ang isang Jace Ryan Daisy M. Lacosta?

Hindi ko alam.

Pero gusto ko siya. Gustong-gusto ko siya at di ako nandidiri na magmamahal ako ng isang lalaki, sa bakla. My heart goes crazy tuwing nakangiti siya, nagsisimangot, o ano pa mang ekspresyon ang ipakita niya. Kuryente ang dulot ng pagdampi ng kamay niya sa balat ko. If I always had the chance, I would look at his eyes then his lips. It was all refreshing. Ni hindi ko sinagap na mararamdaman ko ang ganun para kay Jace.

Pero kung ikakalkula ko lahat ng iyon...

Mas malakas ang mahal kaysa sa gusto.

Pero bakit natakot ako ng sobra-sobra nang makita niya ako na ganun ang postura?

Caught in the ActDove le storie prendono vita. Scoprilo ora