Ang pangatlong nakalaban namin ang Basilisk. Magagaling din sila at nahihirapan din kaming maka-score sa kanila. Meron din sa kanilang mayayabang. Nainis nga si Jayden don eh hindi naman umabot sa awayan kaya kahit papaano ay okay naman ang naging laban. Panalo kami sa kanila pero isa lang ang lamang namin.

Huling nakalaban namin ang Mušḫuššu. Tama nga ang sinabi ni Ate Dawn nung nakaraan na hindi sila sumusuko at wala silang kapaguran. Plus pa na ang gaganda pa nila. Hindi pa nga sila natatalo sa lahat ng laban pati samin nanalo sila.

May four points na ang  Mušḫuššu habang two points naman kami at ang Basilisk, ang Qilin ay one point at zero point naman ang Wyvern na kahit saang laban hindi sila nagseryoso.

Hindi ko na lang pinansin pa kung bakit sila hindi nagse-seryoso. Napaparusahan naman sila.

"Turn na natin!" sigaw ni Ate Zeke pagkapasok nya sa kwarto. "Let's go!"

Dala ang pamalit namin tumungo kami papunta sa paliguan. Niligay namin sa locker ang gamit namin tsaka kami naghubad at pinatungan ng towel ang katawan tsaka kami pumasok sa loob. Namangha kami dahil parang Japan style ang paliguan. Open air pa at ang lawak.

Nagsisitakbuhan ang iba sa hot spring tapos nagrereklamo silang mainit. Kaya nga hot spring eh. Sarap lang nilang sapakin.

Dahan-dahan akong lumubog sa tubig. Ang sarap sa pakiramdam ang tubig na mainit pagkatapos ng nakakapagod na araw. Tumingin ako sa mga kasamahan kong na nag-eenjoy din sa mainit na tubig. Yung iba nga sa kanila nakapikit na at parang makakatulog na.

"May babae dito na nakatulog!" napatingin kami kay Ate Ali. Nasa bandang dulo na medyo tago dahil may malaking bato.

Lumapit naman ang ilan sa kanila.

"Taga Mušḫuššu sya." sabi nila.

"Miss, okay ka lang ba? napasarap tulog mo ah." sabi ni Ate Juls.

Nagkukumpulan sila don kaya hindi ko makita kung sino yung babaeng tinutukoy nila. Napatingin ako kay Japan na napasandal ang ulo sa balikat ko. Nakapikit sya. Pati sya makakatulog nito.

"Pasensya na talaga. Sige aalis ako." sabi ng hindi pamilyar na boses. 

Binigyan sya ng daan kaya nakita ko din sya. Hindi ko sya nakita kanina maglaro kaya hindi sya naging pamilyar sakin pero ang ganda nya at ang sexy nya kahit na natatakpan ng towel ang katawan nya pero nagsisilitawan naman ang makinis nyang balat. Napatingin din ako sa cleavage nya. Napalunok ako kaya iniwas ko ang tingin ko na sa mukha nya ako napatingin.

Shit. Napamura ako nung mahuli nya akong nakatingin sa kanya. Ang sungit ng tingin nya sakin. Patay.

Humakbang sya paitaas at sumalisi ang towel nya. Namula ako at napaiwas ng tingin. Sa pag-iwas ko naman nakita ako ni Alexa. Lalo tuloy akong namula dahil nahuli nya akong nakitingin sa mga legs nung babae.

Naglikot na lang ang mga mata ko para makaiwas sa tingin nya.

Pagkatapos ng oras namin, lahat kami nagbihis na. Nauna silang bumalik sa room habang ako nagpapalit pa ng damit dahil nahuli din akong tumayo para magbihis. Sarap kasi ng tubig eh.

Lumabas ako pagkatapos kong maligo. Dumaan muna ako sa isang vendor machine. Dala ko naman ang wallet ko kaya bumili ako ng isang malamig na softdrink.

Umupo ako sa tabi ng vendor machine na upuan. Doon ko ininom ang binili ko. Napatingin ako sa harap ng vendor machine nung may taong dumating.

Holy shit.

Sya yung kanina sa paliguan at nakasuot lang sya ng malaking tshirt na hanggang tuhod at nakatsinelas lang.

Melting Ice Princess 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon