Chapter 17: Tension

67 3 0
                                    

Chapter 17: Tension

"Which one?" Felix lifted two black coats. I actually can't tell the difference because it's almost the same so I chose the one on the left. Pretended that it's better than the other one.

Susukatin sana niya pero pinigilan siya nung saleslady.

"Sorry, Sir pero bawal po dito mag sukat. Doon nalang po kayo sa fitting room." Tinuro ng saleslady yung dulong bahagi nitong department store.

Tinignan ako ni Felix na parang sinasabi niyang samahan ko siya kaya tumango nalang ako at nagtungo kami doon.

Pagkatapos niyang isukat ay ipinakita niya sa akin, medyo natawa ako kasi mukha siyang suman dahil sa suot niya. Masikip kasi.

"Baka naman job interview palang palpak na ko pag ganito suot ko." Napakamot pa siya sa ulo. Nagpasama kasi siya sakin para bumili ng corporate attire para sa a-apply-an niyang trabaho.

"Alam mo kahit mag suot ka ng basahan, for sure matatanggap ka. Pogi mo kaya. Uy! Kinilig, ngayon lang yan basta ilibre mo ko sa unang sweldo mo ah?" Hindi niya napigilan 'yung ngiti niya.

"First impression lasts kasi kaya saka na ako magsusuot ng basahan kapag natanggap na ako. Saka pag sumweldo na ako, kahit saang resto mo gustong kumain kakainan natin pero hintayin mo nalang muna ako dito, hahanap lang ako ng size ko." Hindi na niya ako hinintay pang sumagot at umalis na siya.

Maglilibot nalang sana ako pero nasa men's section nga pala kami. Kinuha ko nalang ang cellphone ko sa bag para libangin ang sarili. Wala rin pala akong load kaya binalik ko nalang ulit yung cellphone ko at umupo sa may gilid.  Ganito pala nafifeel ng mga lalaki kapag sinasama sila ng mga babae sa shopping.

Inikot ko ang paningin ko sa loob ng department store. Only one got my attention, Seth. He's also here. Siya lang at hindi kasama 'yung bruha niyang fiancé.

Kumaway ako nang magawi ang tingin niya sa akin. Ngumiti siya at lumapit sa akin. Tumayo naman ako.

"Hi, kumusta?" Bati nito.

"I'm good, ikaw? Kumusta ka na? Ikaw lang?"

"Ayos lang din naman. Nope, actually kasama ko si Francess pero nag cr lang saglit. Window shopping. Ikaw? What are you up to?" Akala ko pa naman wala siyang kasama.

"Nagpasama kasi sakin si Felix para bumili ng corporate attire niya. Namili lang ng size niya kaya naiwan muna ako rito."

"Ah yeah, Felix your husband." Napatango nalang ako sa sinabi niya. I looked at him. May ibang kaba pa rin sa dibdib dito ko kapag nakikita ko siya. Maybe I still have feelings for him. Akala ko naka moved on na ako kasi hindi ko na siya naiisip lately pero heto, nakausap ko lang nang saglit bumigay na ulit ako.

Ginayuma ba ako ng hinayupak na 'to? Bakit hanggang ngayon ang lakas ng tama ko dito, feeling alak?

He really seemed fine and happy. 'Yung tingin niya sa akin parang natural nalang hindi tulad nang dati. Nakikita rin kaya niya sa mata ko na may nararamdaman pa rin ako sa kaniya? Malamang wala na talaga siyang pakialam sa akin ngayon, ilang taon na ang lumipas sa kaniya samantalang months palang ang lumipas from my perspective.

"Ahm, I have to go. Nice meeting you again. See you when I see you." And then what he did after shocked me. He hugged me tight. Hindi man parehas 'yung tingin niya sa akin ngayon pero itong yakap niya parehas pa rin nang dati. I can feel his breathe and his heartbeat.

"Ano 'to?!" Napabitaw sa pag yakap si Seth. Sabay kaming napatingin sa gilid namin. Si Francess, nakasalubong ang kilay. Kung gaano kabilis ang tibok ng puso ko ngayon, malamang ganon rin sa kaniya dahil sa galit.

"Look babe, we're doing nothing." Paliwanag ni Seth.

"Doing nothing? Eh ano 'yung nakita kong magkayakapan kayo? Guni guni ko lang ba yon o may shooting ba dito?!" Tumataas na ang boses niya kaya nag simula nang tumingin ang mga tao sa amin. Sinusubukan siyang pakalmahin ni Seth.

"Una na ko." Hindi natuloy ang pag alis ko dahil sa sigaw ni Francess, "Hindi pa ko tapos sa 'yo bruha ka bumalik ka dito." Huminga ako ng malalim at bumalik.

"Nothing is going on between us. Grow your mind." I said.

"Well, talagang wala na. Ikaw ang mag grow ng mind. May asawa ka na pero habol ka pa rin ng habol sa ex mo na fiancé ko. Hindi ka ba nahihiya?" She said as she emphasized the word 'fiancé'. Sinusubukan pa rin siyang pigilan ni Seth.

"Excuse me then, habol ng habol? Bakit kayo lang ba ang puwedeng pumunta sa mall na 'to? Alam mo hindi mo kasi alam kung anong nararamdaman ko ngayon eh, kapag naayos ang lahat, humanda ka." Kumunot ang noo niya, malamang hindi niya naintindihan kung ano ang ibig kong sabihin.

"Wait, what? Alam mo wala akong pakialam sa nararamdaman mo saka anong sinasabi mong humanda ako pag naayos ang lahat? Baliw ka ba? Puwede ba tigilan mo na kami? Kung hindi ka masaya sa buhay mo 'wag kang mandamay!" Mas tumaas na ang tensyon sa amin. Tumingin ako sa paligid, ang tatalim ng tingin sa akin ng mga tao na parang sobrang sama ko. May ilang kumukuha pa ng video at picture. Mga walang kwentang tao.

"Wala akong balak mang gulo." Iyan nalang ang nasabi ko. Kung sasabihin ko dito ang totoo tungkol sa shooting star baka mas paghinalaan lang akong baliw at biglang kuyugin ng mga tao. Siyempre sa tingin nila si Francess ang bida rito.

"What is happening here?" Agad akong niyakap ni Felix. I felt a bit of relief.

"Bakit hindi mo tanungin diyan sa makati mong asawa? Bilhan mo naman yan ng pang kamot para hindi kumukuha ng kakayod sa kaniya." Gusto kong sumabog dahil sa narinig ko. Gusto kong ilampaso 'yung mukha niya sa sahig. Hinigpitan ni Felix ang kapit niya sa akin dahil alam niyang susugurin ko na 'to.

"Tara na." Hinatak ako ni Felix pero nag salita pa ulit si Francess.

"Ganyan dapat kahigpit 'yung hawak mo diyan sa asawa mo para hindi makawala. Iniwan mo lang saglit, gusto ka na atang iwan ng matagal."

~ To Be Continued ~

Written by Eggboy 16

No To Plagiarism

Everything About Stars And You #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon