Chapter 13: Red Thorns

72 2 1
                                    

Chapter 13: Red Thorns

Felix's POV

Nagising ako sa halos makabasag basong sigaw ni Yrene. Dali dali akong lumabas ng kuwarto para tignan kung ano ang nangyari. Muntik pa akong madulas sa nakakalat nakumot sa lapag.

"Anong nangyari?" Sambit ko nang makalabas ako nangpintuan. Nakita ko siyang hawak hawak ang cellphone niya at nagtatatalon. It took her seconds to realize that all of her family members are now staring at her, wait- family member ba ako?

"Anak? Anong mayroon at grabe ka sumigaw diyan?" Tanong ng kaniyang Nanay.

"Ay wala lang po, magcoconcert po kasi dito 'yung Red Thorns. Iyong favorite band ko ho." Iniharap pa nito ang cellphone niya at pinakita ang poster ng Red Thorns. Lahat kami ay bumagsak ang balikat sa sinabi niya. Akala konaman ay napano na siya.

"Ikaw gaga ka, akala namin nasusunog na 'tong bahay. Kabaliwan mo na naman diyan sa Red Thorns." Binatukan ito ng Ate niyang si Mandy at siya naman ay napasimangot.

"Eh kasi naman ngayon lang magcoconcert 'yung Red Thorns dito sa Pilipinas." Katwiran pa niya.

"Ano? Second time nang magcoconcert dito ang Red Thorns? Hindi mo na ba naalala? After niyo manuod ngconcert niyan saka nag propose sa 'yo si Felix? Hindi mo na naaalala two years ago?" Nagkatinginan kami ni Yrene sa sinabi ng Ate niya.

"Ah eh, ang ibig kong sabihin 'yung first time concert namin ito ni Felix na mag asawa." Pinipigilan kong ngumiti sa sinabi niya.

"Oo nga, puwede pa naman 'yang pahabol sa first year anniversary natin 'di ba?" Lumapit ako sa kaniya at inakbayan siya. Kitang kita sa mukha niya ang pagka asar kahit na nakangiti siya.

"Ay oo kaya 'di ba ibibili mo ako ng ticket nito?" Muli niyang inangat ang cellphone niya at pinakita sakin ang poster.

"Oo naman misis ko." Nag nose to nose pa kami. Hindi ito nakapalag kaya tawang tawa na ako sa loob ko. Humiyaw naman sila sa amin.

"Lagot ka sa akin mamaya." Bulong nito.

"Oh siya sige, basta sa sunod 'wag ka na sumigaw ha? Pinag-alala mo kami ng mama mo." Sabi ng tatay niya.

"Sige po, sorry po hindi ko lang po kasi mapigilan 'yung excitement ko eh. Hindi na po mauulit."

"Hoy may kuwarto naman kayo, doon niyo gawin 'yan. Nang-iinggit pa kayo eh." Sabi naman ng ate niya at nag pout pa.

"Sira ka talaga ate Mandy, sabi ko naman kasi sayo pakasalan mo na si Edgar para naman happy na."

"Siya nga pala, sana sa pag uwi niyo ulit galing sa concert na 'yan may big announcement ulit kayo tulad dati." Napakunot ang noo namin sa sinabi ng papa niya.

"Ano pong big announcement ulit?"

"Magka anak kayo." Then her jaw dropped.

***

"Hoy ikaw akala mo hindi ko napapansin kanina sobra ka makatiyansing ha!" Sinapak niya ang balikat ko nangmakapasok kami sa kuwarto.

"Ano namang masama doon? Mag asawa naman tayo 'di ba? Saka nag eexpect na 'yung parents mo na magka anaktayo." Muli niya ang sinapak.

"Alam mo ikaw manyak ka rin."

"Ang judgemental mo naman, inulit ko lang naman 'yungsinabi ng tatay mo ah? Saka ano naman ngang masamadoon eh mag asawa naman tayo 'di ba?" Tinuro ko 'yung mga nag lalakihang portraits ng mga kasal namin sa loob ng kuwarto.

Hindi na maipinta 'yung mukha niya sa sobrang inis. Hindi ko alam pero natutuwa ako kapag naiinis siya. Ang cute niya kasing tignan. Lalo 'yung itsura niya ngayon, 'yung halos uusok na 'yung ilong at tainga niya sa inis.

"Ganito nalang para makabawi ka sa pang mamanyak naginawa mo sa akin kanina at ikaw na rin nagsabi na pang habol ito sa anniversary natin, ibili mo ako ng ticket." Ngumiti pa ito at nag puppy eyes pa.

"Eh 'di ba nga sabi ng ate mo nakapunta ka na sa concert nila two years ago?"

"Eh, ibang timelime naman 'yun. Saka 'di ba nga sabi mokagabi, lahat ineexperience habang kaya pang iexperience." Hindi na ako nakasalita pa at dumiretso na ito ng banyo.

"'Wag ka mag alala, pinapatawad na kita. Mag ayos na rin ha? Bibili mo na ako ng ticket." Sabi niya bago pa siya tuluyang dumiretso sa banyo.

Napaupo nalang ako sa kama at pinagmasdan ang mga wedding pictures namin. Ang saya saya namin dito. You can see from the pictures that we share genuine love. In love na in love kami sa isa't isa dito.

Ibang iba si Yrene sa ex kong si Grace. Sobrang dami nilang pinag kaiba pero parang mas nagugustuhan ko pa si Yrene. Iniisip ko tuloy, paano kung mas nakilala ko pa si Yrene nang mas maaga?

Hindi ako magdadalawang isip na ligawan siya. Siguro nga kung nangyari 'yon baka nandito na talaga kami sa stage na 'to pero baka wala 'yung sakit na nararamdaman namin. Siguro mas masaya kami.

Pero mukhang huli na ang lahat, sa lakas ba naman ng tama nito kay Seth, Malamang, wala kong pag asa dito.

Sinampal sampal ko ang pisngi ko, ano ba 'tong pinagsasabi ko? Wala 'to nadadala lang ako.

Tatayo na sana ako pero natigil ako nang biglang lumabas sa banyo si Yrene. Nakabihis na ito agad, nakasuot siya ng pulang dress. Parang nag slow mo ang paligid habang pinupunasan niya ng tuwalya ang basa niyang buhok.

Kakasabi lang wala lang 'to eh.

"Hoy ano na? Felix? Magbihis ka na. Baka maubusan tayo ng ticket nako ikaw talaga uubusin ko." Kahit kailan talaga ang wild nitong si Yrene.

***

Habang bumabiyahe kami, tili nang tili sa loob nang sasakyan habang nakatapat pa rin sa cellphone niya.

"Super fan ka pala niyang Red Thorns?"

"Super! Since then fan ako nito. Naeexcite lang talaga ako kasi makikita ko na sila in-person. Makikita ko na si Joshua! 'Yung poging gitarista nila." Kilig na kilig niyang sabi.

"Buksan mo 'yung compartment."

And as I expected, sumigaw na naman siya nang makita ang album ng Red Thorns.

"Omg, fan ka rin ba ng Red Thorns?" Nakita kong binuksan niya ito at pinalsak ang cd at saka pinatugtog.

"Hindi naman pero kasi talagang tagos 'yung mga tugtugan nila. 'Yung tipong kahit rock 'yung kanta nila maiiyak ka talaga."

"That's why they have the biggest fandom in the world kaya bilisan mo na at baka maubos pa ang ticket."

Matapos ang ilang minuto, narating na rin namin ang bilihan ng ticket. Pinababa ko na siya agad para makapila na siya habang naghahanap ako ng parking lot.

Matapos kong makapag park, nakita ko siyang nakaupo sa may gilid, nakasimangot.

~ To Be Continued ~

Written by Eggboy16

No To Plagiarism

Everything About Stars And You #Wattys2017Where stories live. Discover now