Chapter 16: Cotton Candies

72 2 0
                                    

Chapter 16: Cotton Candies

Cotton candies, ice creams at mga balloons ang sumalubong sa amin pagkatapos ng misa. Namiss ko to, ang tagal na pala rin nu'ng huling beses akong nag simba kaya nu'ng niyaya ako ni Felix mag simba hindi na ako nag dalawang isip pa. He even suggested that from now on we'll go to church every sunday and that's new to my routine. Besides, Wala akong matandaan na sabay kaming nag simba ni Seth sa loob ng ilang taon naming magkasama.

Ang saya lang makita ng mga taong nakangiti na kasabay naming lumabas ng simbahan.

"Wait, hintayin mo ko dito." Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Felix. Umalis na siya agad kahit hindi pa ako sumasagot. Pumunta siya sa may gilid ng simbahan at ako nandito sa kung saan niya iniwan, tinitignan lang siya.

Agad nagkumpol ang mga bata sa kaniya. Ang ilan pa'y isinisigaw ang pangalan niya habang niyayakap siya. Teka, poon ba 'to?

Napangiti ako sa nakita ko. Umupo siya para mas makita pa niya ang mga bata.

"Kuya Felix akala po namin hindi na po kayo babalik!" Sabi ng batang may hawak ng sampaguita, malamang isa siyang sampaguita vendor. Hindi naman siya masiyado malayo sa puwesto ko kaya naririnig ko sila.

"Oo nga po, ang tagal po naming hindi kayo nakita. Saan po ba kayo galing?" Inilipat niya ang tingin niya sa isa pang batang nag salita.

"Pwede ba namang hindi ko kayo balikan? Namiss ko kayo." Niyakap ni Felix ang mga bata. Teka, ano bang mayroon sa kaniya?

"Ano dating gawi?" Mas lumapad ang mga ngiti ng mga bata sa sinabi niya, "Pero bago 'yon, may ipapakilala muna ako sa inyo." Tumingin ito sa akin at sinenyasan ako na lumapit sa kanila.

Agad akong ipinakilala nito sa mga bata paglapit ko. Kinawayan ko naman sila.

"Hello, kumusta kayo?" I said in my sweetest voice.

"Ate Yrene ikaw po ba ang asawa ni Kuya Felix?" Tanong ng isang bata, masiyadong showbiz 'tong batang 'to ha.

"Siya nga ang asawa ko, ang ganda 'di ba?" Napatingin ako kay Felix sa sinabi niya pero ngumiti lang siya. Ano pa nga bang magagawa ko? Hindi na ako nasanay.

"Oh tara na, pumili na kayo ng mga gusto niyo." Biglang nag si-takbuhan ang mga bata sa mga stall. Kaniya kaniya silang pili ng ice cream, cotton candies at iba pa.

Felix remained standing at my side, watching all the kids running away.

"Sino sila?" I asked in confusion. Malay ko ba kung anak niyang lahat 'yan at iniwan niya pero baka judgemental lang talaga ako.

"Mga batang kalye. Noong una isa lang nililibre ko diyan hanggang sa dumami na sila. Kaya ayun, sa tuwing mag sisimba ako, hindi puwedeng hindi ko sila ilibre. Ano ba naman 'yung konting gastos para sa kasiyahan nila 'di ba?" Tumingin siya sa akin. Ngumiti lang ako at umalis na siya, isa isa niyang binayaran lahat ng binilhan ng mga bata.

I am starting to wonder why on earth did Frances ditched this guy? Napaka suwerte na niya, bihira nalang 'yung ganito.

After a few minutes, bumalik siya sa gawi ko. Nakangiti ito habang hawak hawak ang cotton candy na hugis bulaklak.

"Siyempre, mayroon din para sa asawa ko." Binigay niya sa akin ang cotton candy. Nagpasalamat ako at ngumiti.

***

"Matagal mo nang ginagawa yon?" Tanong ko nang makasakay ako sa sasakyan. Pinaandar muna niya ang makina bago siya sumagot.

"Medyo, naging malapit na rin kasi ako sa kanila eh. Namiss ko lang talaga sila. Okay ka lang ba kanina? Hindi ka naman ba nagalit or anything?" Nagulat ako sa tinanong niya. Bakit naman ako magagalit?

"Hindi naman, bakit?"

"Wala naman, ayaw lang kasi ni Francess na ginagawa ko 'yon. Baka raw kasi 'yung iba sindikato. Gusto ko lang naman makatulong kasi siyempre alam ko rin 'yung feeling na walang pamilya." Napatingin ako sa sinabi niya. Nawalan ako ng pakialam kay Francess nang sinabi niya 'yung tungkol sa pamilya.

"What do you mean by walang pamilya? If you won't mind lang naman..." I asked in a nicest way I can.

"Hindi, okay lang. 'Yung papa ko kasi, iniwan kami bata palang ako. Lagi saking sinasabi ni mama na babalik pa raw si papa hanggang sa hindi na rin nahintay ni mama. Nauna na si mama sa langit eh. Kaya at the age of 13 si Tito nalang 'yung naging pamilya ko." Tumingin ako sa kaniya, mukhang nalungkot siya bigla. Namiss siguro niya 'yung magulang niya.

Kaya pala ganoon nalang siya kalapit sa mga bata. Kahit na hindi ko naranasan, naiintindihan ko naman kung anong pinagdadaanan niya. Ito namang si Francess, harang sa gusto nito.

"Sorry..."

"No, it's okay."

"Pero ako 'di ba? Pamilya mo na ako. Kami sa bahay, pamilya mo na." Tumingin siya sakin at napangiti.

"Kaya thank you rin sa pag papatuloy sa 'kin sa bahay niyo. Kahit papaano nafeel ko ulit kung ano 'yung pakiramdam ng magka pamilya."

***

A week after, doon ulit kami nagsimba.

"Dito ka muna? Pupuntahan ko na 'yung mga bata." Sabi ni Felix pero pinigilan ko siya. Kumunot ang noo niya dahil sa ginawa ko.

"Wait lang!" Agad kong tinawagan si Aira kung nasaan na ba siya, nahirapan daw sila sa kakahanap, niligaw raw sila ng waze pero alam ko late lang talaga yon.

Ilang sandali pa ay dumating na si Aira. Nakasakay siya sa L-300. Tumingin sa akin si Felix at nagtataka pero di ko siya pinansin. Nilabas na ng mga kasama niya ang mga gamit sa likod. Dalawang malaking kaldero ang tumambad sa amin.

"Teka, anong meron?" Tanong ni Felix.

"Bakit? Ikaw lang ba puwedeng magpakain sa mga bata?" Kinindatan ko siya at pinuntahan na sila Aira. Tumulong na rin ako sa pag aayos ng lamesa at mga disposable bowls.

Tinawag ko na ang mga bata para mag simula na ang mini feeding program namin. Kitang kita sa mga bata ang excitement sa pag pila. Nag initiate si Felix na siya nalang ang mag sasandok ng lugaw para sa mga bata. Ako naman ang taga bigay ng kutsara at si Aira sa inumin. Ngayon mas na-gets ko na si Felix, ang saya ngang tumulong.

Natapos na naming bigyan lahat ng bata pero may natira pang lugaw kaya kami nalang ang kumain no'n.

"Salamat ah? Napasaya mo sobra 'yung mga bata." Sabi ni Felix pagkabigay niya ng lugaw sa akin. Tumabi siya sa akin. Nasa likuran kami ng kaninang sinakyan ni Aira.

"Wala 'yun. Ako rin naman sumaya sa ginawa natin."

"Ang landi ha!" Biglang entrada ni Aira.

~ To Be Continued ~

Written by Eggboy16

No To Plagiarism

Everything About Stars And You #Wattys2017Where stories live. Discover now