Chapter 1: The Broken

733 18 10
                                    

Chapter 1: The Broken

"Ano ba talaga ang gusto mong gawin ha? Tatlong beses na tayo nag break! Tatlong beses na rin tayong nagbalikan! Pang apat beses mo na akong niloloko ngayon? Hindi ka na ba nagsasawa ha, Seth?" Tuloy tuloy na tanong ko kay Seth. Nag-aaway na naman kasi kami ngayon sa isang coffee shop, may nilalandi na naman kasi siya kanina sa labas. Kung makahawak sa suso nung babaeng kausap niya ay akala niya wala ang syota niya.

"Babe, It's not what you think. Hindi ko naman talagang sinasadyang mahawakan yung dibdib nung babae kanina. Nahulog lang yung calling card na binigay ko sa kanya." Akala siguro niya ay maloloko pa niya ako ngayon. Kaya wala siyang paki kung saktan niya ako dahil lagi ko siyang binibigyan ng second chance. Second chance pa ba ang tawag sa tatlong beses na pinatawad?

"Pwede ba? Itigil na natin itong katarantaduhan na 'to! Sawang sawa na ako." babagsak na ang luha ko pero pinipigilan ko lang. Paulit-ulit nalang itong nangyayari sa amin. Hindi pa counted ang maliliit na kaso ng pambabae niya. Ilang beses ko na siyang pinalipas pero patuloy pa rin niyang ginagawa sa akin ito.

"Babe, hindi ko na uulitin. Promise! Mamatay man, Peksman." Pilit niyang hinawakan yung kamay ko na nasa table pero nilayo ko ito at nilagay sa lap ko.

"May request sana ako, yang linya mong Promise! Mamatay man, Peksman, kung hindi mo kayang tuparin yung Promise, kahit yung mamatay nalang." Nanggigigil ako sa galit. Gusto kong itapon sa kanya ang kape na hindi ko maubos dahil sa galit.

"Babe, Let's fix this, okay? Please, Yrene?" Ayan na naman ang ginagawa niya. Kinukuha niya ako sa pag-papacute niya pero hindi na ako magpapa-apekto ngayon. Hindi na niya ako maloloko ng ganoon ganoon nalang gaya ng dati niyang ginagawa.

"I'm sorry. Hindi na kita mapapatawad pa. Noong una, sa text ka pa nakikipag-landian. Tapos no'ng pangalawa, nakita kitang may kasama. Nung huli naman ay nakipaghalikan ka tapos ngayon? Hawak dibdib na? Ang laki ng improvement ah! Pagpatuloy mo yan." I said in a sarcatic tone.

"Yrene Bautista, Please? Give me a chance to prove na hindi ko na uulitin." 'Yan nalang ang lagi niyang linya kapag mahuhuli ko siya. Parang mas napoprove pa niyang uulit-ulitin niya.

"Sorry! I guess it doesn't fit to my finger na." Sabay tapon ko sa mukha niya ng promise ring namin. Kahit na nag-break kami, hindi ko pa rin tinatanggal itong promise ring na ito. Ngayon ko lang 'to nagawa.

"Yren-" Hindi na natapos ang pagsabi niya sa pangalan ko ng bigla kong tinapon sa harap niya ang mainit na kape.

"What have you done?" Naiinis itong tumayo. Nakasimangot ang mukha niya dahil sa init ng kape na sinaboy ko sa kanya. Tinawanan ko lang siya.

"Pati ba naman yan ay hindi mo alam? Sabagay, wala ka naman talagang alam kundi ang lokohin ako di ba? Yan gago ka! Pakyu, Magsama kayo ng mga nilalandi mo!" hinamapas ko sa kanya yung handbag ko. Lumabas ako sa coffee shop.

Hindi ko na alam kung saang lumapalop pa ako ipupunta ng paa ako. Ilang minuto na rin akong tumatumbling sa sa daan. Naisipan kong aliwin nalang ang sarili ko, sakto dahil ngayon ang showing ng bagong hollywood comedy movie.

Pumara ako ng taxi papunta sa Trinoma. Lutang akong nakasakay sa taxi. Nang makarating pa nga kami doon ay wala akong ka-alam alam. Nasapak pa tuloy ako ng taxi driver. Dumiretso na agad ako sa huling palapag nitong gusali. Kamuntikan pa akong bumili ng dalawang ticket. Nasanay kasi akong laging kasama si Seth kapag manunuod ng sine.

Umiiyak akong nanunuod sa loob ng sinehan kahit na alam kong comedy iyon. Bukod sa hindi ko maintindihan ang pinag-sasabi nila on screen ay na-mimiss ko na si Seth pero hindi ako dapat mag-paapi sa damdamin ko. Kailangan ko na rin sigurong bitawan siya. Palagi nalang kaming nag-aaway, lagi nalang kasi niya akong sinasaktan.

Pa-Singhot singhot pa ako habang kumakain, kulang nalang ay matuluan ang popcorn na kinakain ko.

Kasabay kong umiyak ang mga taong tawang tawa sa paligid ko. Natapos nalang ang pelikula ay umiiyak pa rin ako. Iniisip siguro nila ay sobra akong naging affrected sa palabas kahit na hindi ko naman talaga naintindihan. Hanggang sa paglabas mg sinehan ay umiiyak ako. Bakit kasi nanuod pa ako ng sine? Eh ito ang lagi naming ginagawa ni Seth kapag nag-dedate kami.

Lumabas ako ng mall, gabi na pala. Tinignan ko ang cellphone ko at pinindot iyon para makita ko ang oras. Alas siyete na pala. Nasayang lang ang oras ko sa kakapanuod ng walang kwenta na palabas na iyon.

Umupo ako sa may labas ng mall. Nakatangin lang ako sa malayo at iniisip pa rin kung tama ba ang ginawa ko. Tama naman kasi di ba? Mahirap nang pagkatiwalaan pero mahal mo pa rin. Paano yun? Ang sakit sakit pa rin eh. Gusto kong pumunta sa mercury drugs store at itanong kung may gamot para sa sakit na nadarama ko ngayon. Kung mayroon lang sana. Baka bumili pa akong singkwentang karton.

Nalingat ako sa gilid ko at may nakita akong nag-uusap na mag-dyowa. Gusto ko silang lapitan at sabihin doon sa babae na lolokohin lang din siya ng boypren niya pero baka ipabarangay lang nila ako. Pareparehas lang silang lahat, mga manloloko. Tumingin rin ako sa kabilang banda ko, aba't may mas masahol pa sa ngayon. Dito pa talaga silang nag-yayakapan. 'Di na nahiya sa mga tao. Binalik ko ang tingin ko sa harap at may nakita ulit akong mag-dyowa pero mas grabe ang ginagawa nila. Nag-lalaplapan yung mag-dyowa sa harapan ko. Ano ba ang ginagawa sa akin? Pinapainggit ba nila ito sa akin? Gusto ko silang lapitan isa't-isa at sabihin na, "Pakyu, wala kayong mapapala riyan. Mag-aral muna kayo o mag-trabaho!"

Tumingin ako sa likod ko at nakita kong may maraming nagkukumpulan doon. May nag-popropose na lalaki sa babae. Hindi ko na kinaya pa ang mga sumunod na pangyayari kaya't naisipan kong tumuntong sa itaas ng inuupuan ko. Tumingin ako sa paligid at kaunti palang ang nakakapansin sa presensiya ko.

"Mga Inutil! Niloloko lang kayo niyang mga iyan!" Para sa kababaihan, itataas ko ang ating bandila. Biglang natigil ang lahat sa ginawa ko at lahat sila at tumingin sa akin ng may pagtataka. Hindi pa ba sila magpasalamat na binibigayan ko na sila ng warning? Totoo naman kasi eh.

Bumaba ako sa tinutuntungan ko at naglakad palayo sa lugar ng landian. Bitter na kung Bitter!

~ To Be Continued ~

Written by Eggboy16

No To Plagiarism

Everything About Stars And You #Wattys2017Where stories live. Discover now