Chapter 5: Meteor Shower

223 6 0
                                    

Chapter 5: Meteor Shower

Halos mamuti na ang mata ko sa kakahintay ng isang bulalakaw. Nakalaklak na rin ako ng sampung tasa ng kape para hindi maantok. Hanggang sa sumikat na ang araw at nakauwi na si Felix.

"Napuyat ka ata? Hinintay mo ako 'no? 'Wag ka na mag-alala, nandito na ako oh." Yayakapin pa niya sana ako ako pero bigla ko siyang siniko. Nakakahalata na talaga ako dito eh, nanananching na.

"Bulalakaw hinihintay ko. Dapat kasi hindi ka na umuwi. Maghintay ka ng shooting star diyan. Matutulog na ako." Kinamot ko ang ulo ko at humikab. Naantok na talaga ako.

"Good mornight my loves." My loves niya mukha niya.

Nagising ako na nasa gilid na siya ng higaan ko na may dalang tray ng pagkain. Mabuti pa itong hindi ko kakilala nagagawa sa akin ang mga bagay na ganito samantalang si Seth walang ibang ginawa kundi ang saktan ako.

"Good morning kumain ka na." ang hindi ko ma-gets kung bakit nakukuha pa niyang ngumiti sa ganitong sitwasiyon. Ako nga hindi na makapag-isip ng maayos dahil dito. Bakit pa kasi ako nag wish.

"Ayoko nga niyan. Mamaya nilalason mo na pala ako." Umirap pa ako sa kaniya.

"Grabe ka naman sa akin. Nami-miss ko lang talaga 'yung girlfriend ko. Lagi ko kasi sa kaniyang ginagawa 'to. Kaya sige na? Kain ka na. Pag bigyan mo na ako."

"Okay, okay. Sure ka walang lason 'yan a."

Mukha naman siyang seryoso sa girlfriend niya. Sa pagkaka-alam ko, ang sinabi niya girlfriend raw niya ang nakipaghiwalay sa kaniya. Bakit kasi ang mga taong seryoso ay napupunta sa mga manloloko at anng mga manloloko naman napupunta sa mga taong serysoso. Hindi nalang magsama ang mga manloloko at babaero para feel nila sa isa't isa ang pinag gagawa nila.

"Kuwento ka naman." Humigop ako ng kaunti sa kape, ang init naman kasi. Hindi ako sanay sa ganito. Isa pa, lagging Iced Coffee ang iniinom naming ni Seth kaya nakasanayan ko na rin.

"Tungkol saan? Gusto mo ba ng mga kuwentong bayan, alamat ganun?" Is he bobo or just pilyo?

"Sa buhay mo o kaya doon na lang sa girlfriend mo. Bilis, kuwento ka. Kung maiyak ako bibigay ko agad 'yan kay Ate Charo." Yumuko ito at tumingin ng malayo. Okay, mukhang madrama nga ito. Nacucurious lang ako kung bakit sila naghiwalay eh parang maayos naman ang naging takbo ng relasyon nila.

"Matagal na kaming magkasama ni Frances, 'yung girlfriend ko. High school pa lang ay kami na. Kaya nga kilalang kilala na ako ng magulang niya at may tiwala na rin sa akin ng anak niya. Kasama ko ba naman siya ng walong taon. Maayos naman kami hanggang sa nitong nakaraang buwan lang, napansin kong nagging cold siya sa akin hanggang sa ayun, hindi na pala niya ako mahal. Nag sawa na raw siya. Hindi ko alam kung talagang nagsawa na siya sa akin o may minahal lang talags siyang iba. Nung araw kasing nakipag break siya sa akin, nalaman ko rin na may manliligaw na pala siya. Natawa na nga lang din ako dahil baka after eigth years rin nila ng manliligaw niya ay iwan rin niya." Alam ko 'yung mga simpleng pagtawa tawa niya habang nagkukwento ay pilit lang. So he's still not okay all this time.

"Alam mo, hindi siya nagsawa sayo. Hindi ka na lang talaga niya mahal. Pero ano bang magagawa natin? Kapag hindi ka na mahal, hindi ka na mahal. Eh tropa pala tayo eh! Tapos ang itatawag sa atin, 'The Brokenhearts' corny 'di ba pero fit sa atin." Umasta pa akong kunyari lalaki. Nakakatuwang isipin na may mga lalaki pa rin palang umiiyak para sa babae.

"Baka magwork kung tayo?" nagtaas baba pa ang kilay nito. Tumingin ako sa kaniya. Siya na kaya? Kaso natatakot ako baka hindi naman ako ang para sa kaniya. Baka pinagtagpo lang kami ng mga wishes namin dahil baka matulungan namin ang isa't isa sa paghahanap ng the one namin. Baka saktan niya lang din ako.

"Kiss mo na lang ako." Umiling ako.

"Hug na lang." sinapawan ko ang mukha niya ng kamay ko.

"Tumahimik ka nga diyan, ang kailangan nating gawin ay maghintay ng shooting star at magwish ulit na makabalik na sa mundo natin." Bumangon na ako. Mahirap na, baka maging close pa kami at ma-fall lang ako at ang ending, masaktan ulit.

"Gusto mo pa bang bumalik sa mundo kung saan tayo sinaktan ng mga mahal natin?" napahinto ako sa pag-aayos ko ng buhok ko. Feeling ko may magnet na pumigil sa akin dahil sa sinabi niya.

"Basta, kung hindi man tayo maka-abot sa shooting star na 'yan, humanap ka ng gumagawa ng time machine o ng kahit ano pang machine na makakabalik tayo sa mundo natin."dahil sa sinabi niya, parang nalamatan ng kaunti ang kagustuhan kong bumalik.

Binuksan ko ang T.V. sa may sala. Naagaw ang atensiyon ko nang tungkol sa meteor shower ang tinatalakay dito. Ang sabi, magkakaroon raw ng meteor shower mamayang alas siyete ng gabi. Dali dali kong tinawag si Felix sa kuwarto at pinakita sa kaniya ang balita.

"Meteor shower? Ano naming pakialam ko diyan?" Kaya pala 'to naloloko kasi ang tanga tanga.

"Oo, ito na ang tiyansa nating makabalik sa totoong mundo natin. Ang dami kayang stars na 'yan o. Ang daming stars na puwedeng pag wish-an." Mukha na akong tangang na-eexcite dito pero wala pa rin siyang reaksiyon. So na-enjoy na talaga niya ang pag stay dito. Dahil ba libre foods sa aking shelter?

"Effective ba 'yan?" Aba magaling, ginawa ba namang sabon ang mga bituin. Kung hindi totoo ang mga wish na 'yan sa bituin bakit kami narito.

"Effective 'yan kung magkasama tayong magwi-wish."

"Okay, tawagin mo na lang ako kapag umuulan na ng mga stars. Nood na rin tayo ng The Fault In Our Stars para mas fit." Sabay pasok sa loob ng kuwarto ko. Nakakalimutan yata niyang nasa pamamahay ko siya.

"Yrene, bakit hindi ka pa nakabihis? Si Felix ba nakahanda na rin?" sabi niya habang nagsusuot ng relo. At saan naman magpaparty 'to na tirik na tirik ang araw.

"Ano? Bakit? Para saan?"

"'Wag mong sabihing nakalimutan mo na ang birthday ni Jasmin? Oh, bilisan niyo. Kakain tayo sa labas." Oh my gosh, oo nga pala. Ngayon ang birthday ni Jasmin. Bakit ba kasi itong birthday pa ni Jasmin ang nakalimutan ko hindi na lang 'yung pananakit sa akin ni Seth.

"Oh? Bakit ka pa nakatayo diyan? Huwag mong sabihing hindi ka sasama dahil aabangan mo 'yung meteor shower mamaya para mag-wish na sana makita mo na ang prince charming mo?" Oh. My. Gosh. As in gas na may gasgas. Kailangan naming maabutan ang meteor shower mamaya dahil matagal na naman bago magkaroon ulit ng meteor shower.

I'M SO DEAD. I'M SO DEAD.

Pumasok ako sa kuwarto para sabihin kay Felix na kailangan naming umalis. Sabi nito okay lang daw sa kaniya. Hindi talaga niya nage-gets ang mga ibig kong sabihin eh.

"Paano 'yung wish? Paano na tayo makakabalik?"

"Pagpapalit mo 'yung wish na 'yun para sa kapatid mo?" Naiinis na ako. Poposasan ko talaga ito mamaya at magdadala talaga ako mamaya ng baril kapag hindi siya nag wish.

"Hindi iyon basta wish lang."

"Don't worry. Maabutan din natin 'yan. Ako ang bahala."

~ To Be Continued ~

Written by Eggboy16

No To Plagiarism

Everything About Stars And You #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon