Chapter 8: Oplan Break Up

70 3 0
                                    

Chapter 8: Oplan Break Up

"Good morning!" as usual, mukha na naman niya ang nakita ko. Ang walang hiyang si Felix. Pagkatapos niya akong badtrip-in kahapon, who you siya sa akin ngayon. Nag-make face ako saka umiwas sa kaniya.

"Uy, ang sungit naman nito. Kausapin mo naman na ako oh." Hindi ko pa rin siya pinapansin. Manigas siya to death.

"Ayiee, LQ sila ate oh. Ang sweet." Nasa gilid ko pala si Jasmin.

"LQ ka diyan, Q lang. Di ko siya love." Napailing na lang at napatawa si Jasmin.

"Oh, bakit siya pinansin mo? Ako hindi?" Sinundan niya ako hanggang sa makarating sa kusina. Naghanda ako ng makakain ko. Buti sana kung ipinaghahanda rin niya ako dito ng makakain. Ayaw kasing pumayag, masiyadong papilit, masiyadong maarte, masiyadong mabait.

"Kausapin mo naman ko. Please? 'Wag ka na kasi magalit." Umupo ako sa harapan ko. Hindi masarap ang kumain kapag kaharap siya. Tumayo ako dala-dala ang kinakain ko, isa pang sunod niya gigripuhan ko na 'to.

"Oh sige na, payag na ako." Natigil ako sa narinig ko. Napangiti pa ako.

"Ano nga ulit 'yun?" kunyari ay hindi ko narinig.

"Payag na akong tulungan kang paghiwalayin sina  Seth at Frances nang sa gayon ay magkabalikan na kayo."

"Ano ba? 'Wag ka ngang maingay baka may makarinig sayo. Pero, ang mahalaga pumayag ka na. Padlock, kain susi covered with fats sa tiyan ko para hindi mabarena. Oh, tara na. Magbihis ka na."

"Saan tayo pupunta?" tanong nito.

"Tara na, I saw on their social media accounts na pupunta sila sa mall ngayon and siyempre mangugulo tayo." Kumindat pa ako bago tuluyang pumunta sa kubeta para maligo. Hindi na ako makapaghintay na makita kami muli ni Seth pero bago 'yan, simula muna sa umpisa. Alam ko namang hindi pa rin ako nakakalimutan ni Seth. 

Naunang matapos sa akin si Felix dahil malamang ginamit nito ang kabilang kubeta. Tinignan ko siya head to toe, maayos ang buhok nito at nakasuot ng black polo shirt paired with his black striped short. Nag pa-pogi pa talaga sa pagkikita nila ng ex niya. Well ako hindi ko naman na kailangan pang mag-effort. Maganda ako no matter what happen.

"May problema ba?" Nagtatakang tanong nito. Masiyado na yata akong nakatitig sa kaniya.

"Ahm nope, nagulat lang ako kasi nag mukha kang tao sa suot mo." Sumenyas na ako para lumabas at bumulong ito paglabas namin, "Sus, ang sabihin mo, napogian ka na naman sa akin."

"Mukha mo!"

"Pogi!" 

***

Tanghali na ng makarating kami sa mall kung saan naroon din si Seth. Nilanghap ko ng buong buo ang hangin pagkapasok na pagkapasok pa lang. Puwede na yata akong mamatay, iisa na lang kami ng hinihingang hangin ngayon ni Seth. Ang hangin galing sa aircon ng mall. Joke, hindi pa ako puwedeng mamatay, ikakasal pa ako kay Seth.

Nilibot namin ni Felix lahat ng restaurant sa mall at kung minamalas ka nga naman, nasa isang fastfood restaurant lang pala sila malapit sa entrance. Umikot-ikot pa kami.
Blessing in disguise na siguro ang magkaroon ng bakanteng upuan sa tabi nila. Doon ako umupo at pina-order ko muna si Felix. Umarte akong hindi sinasadya ang pagkikita namin, Destiny kunyari.

"Oh my gosh, Seth? Is that you?" Gulat na tumingin si Seth at ang bruha na Fiancé niya. Ngumiti siya ng mabilis at inalis na ang tingin sa akin.

"Uy Yre-" nagsalita agad si Frances kahit hindi pa tapos mag salita si Seth. Kontrabida ng taon.

"Babe 'di ba may bibilhin pa tayo para sa preparation ng wedding natin? Let's go na." Ang sakit sa tenga marinig yung boses nitong Frances na to. Parang iniipit na daga.

"Pero teka? Di pa tayo tapos kumain ah?" Sagot ni Seth, Go Seth! Alam kong gusto mo lang akong tignan, wag ka na sumama diyan.

"Oo nga pero diba busog ka naman na?" Kitang kita sa ngiti ni Frances na gusto na niyang buhatin palayo si Seth sa akin.

"Pero nakaka isang subo palang ako eh."

"Let's go na. May ipis yang food nakita ko kanina. Kapag di ka pa tumayo diyan ilalampaso kita pag uwi." Pilit na pilit yung ngiti ni Frances at nag wagi siya, tumawi na si Seth at sabay nilang nilisan itong fast food chain. Bwisit! Na-threatened lang yun dahil alam niyang mas maganda ako sa kaniya.

"Oh ito na, wala na daw thigh part eh kaya wings nalang daw." Nagulat ako nang biglang ilapag ni Felix 'yung pagkain, nandiyan na pala siya.

"Eh mas okay nga yon walang thigh, mas gusto ko yung wings. Thank you."

"Ay sorry, nasanay ako na laging thigh part yung pinapaorder ni Frances eh." Nag init na naman yung tenga ko nung marinig ko yung pangalan niyang babaeng 'yan.

"Nga pala kung okay lang, ilang taon nga pala kayo ni Frances?" Natigil siya sa pag bukas ng kanin niya at tumingin sakin tapos nag hand gesture ng "1" at "0".

"Oh my gosh malandi ka, since high school kayo?"

"Oo since second year high school pero kung kami pa rin hanggang ngayon sa oras natin, 13 years na kami." Hindi na ako masiyado nagulat sa ganiyan kahabang panahon na mag boyfriend at girlfriend pero ang kinagulat ko eh natiis niya ng mahabang panahon yung babae ng ganon.

"Buti natiis mo?" Hindi ko na napigilan bibig ko, my bad.

"Brat siya pero may puso rin naman yun." Sure ba siya sa sinasabi niya?

"Kumain ka muna, hindi mo pa nagagalaw pagkain mo oh." Sabay turo niya sa pagkaing nasa harapan ko. Nakalimutan ko tuloy.

"Pero oh 'diba sayang 'yung ten years! Hindi biro yun ha? Kaya nako kailangan talaga nating mabawi mga ex natin." Itinaas ko pa ang kutsara at tinidor. G na g ako.

"Oo nandoon 'yung sayang talaga yung ten years pero hindi ba't mas sayang yung buong buhay mo kapag sumama ka sa taong 'di na masaya sayo?" Okay, ako naman yung natigil sa pag bukas ng kanin ko.

"Para kang electrons, negative. Kaya nga gagawa tayo ng paraan para maging happy everybody ulit kaya go lang ng go. May gagawin pa tayo after nito kaya kumain ka ng madami at mag imbak ng energy!"

~ To Be Continued ~

Written by Eggboy16

No To Plagiarism

Everything About Stars And You #Wattys2017Where stories live. Discover now