Chapter 11: Perya

73 2 0
                                    

Chapter 11: Perya

"Hoy mangilabot ka nga sa sinasabi mo. Misis ka diyan. Kadiri!" Hinampas ko siya ng marahan, kung hindi lang 'to nagdadrive nabugbog ko na 'to.

"Ayaw mong tawagin kitang misis pero gamit mo apilyido ko." Tumingin ito sa akin at kumindat.

"Hoy, magmaneho ka diyan! Sa daan ka tumingin, mababangga tayo!" Sita ko sa kaniya.

"Ayaw mo lang tumingin ako sayo para 'di ko makitang kinikilig ka. Saka alam ko naman yung dinadaanan natin, sa daan lang naman papuntang puso mo ako nabangga eh." Umarte pa ito na kunwaring nasaktan ang puso, ang corny.

"Kung si Seth ang gumagawa niyan kikiligin ako." Nag make face ako at tumingin sa labas at nanlaki ang mata ko sa nakita ko. May perya.

I was amazed by what I gazed outside. It was filled with colorful lights. Feeling ko tuloy bata ulit ako.

"Felix! Ihinto mo 'yung kotse!" Nagulat ata ito sa pagsigaw ko kaya napabigat ang apak niya sa preno. Muntik pa akong dumausdos sa dashboard buti nalang at naka seat belt ako.

"What's wrong with you?! Anong nangyari?! Muntikan na tayong madisgrasya oh!" Galit nitong sabi.

"Sorry, may perya kasi." Sabay turo ko sa labas.

Huminga ito ng malalim bago nagsalita, "Nako naman Yrene, pwede mo namang sabihin ng malumanay. Parang bata ka naman eh, paano kung nauntog ka? Paano kung di ka naka seat belt?"

"Ay concerned sa akin, crush ako." Ngumiti pa ako nang nakakaloko at sinundot sundot ang tagiliran niya para kilitiin. It's payback time!

"Sino kaya 'yung kinikilig kanina?" Napansin kong hindi naman siya nakikiliti sa ginagawa ko kaya itinigil ko na. Okay, talo ako kung laro man to.

"Basta halika na, mag perya na tayo!" Hindi na ako naghintay pa ng isasagot niya at bumaba na ako.

Suki ako ng perya noong bata ako pero natigil noong naging kami ni Seth. 'Yun na 'yung huling beses kong nakapunta ng perya, paano ba naman kasi overprotective si Seth. Takot na takot sa mga rides, paano raw kapag biglang bumigay 'yung mga rides lalo na't kinakalawang na 'yung mga bakal.

Nagulat nalang ako nang kinalabit ako na ako ni Felix, "Manghang mangha ka naman, disneyland?"

"Sira ulo!"

Una kaming pumila sa ferris wheel, feeling ko bata ulit ako sa excitement na nararamdaman ko. Masayang masaya lang talaga ako kapag nandito.

Hanggang sa turn na naming umupo. Natawa ako nang magulat si Felix sa biglang pagliyad ng sinakyan namin matapos akong sumakay.

"Easy ka lang, this will be fun." I assured him.

Sabay kaming napakapit nang sinimulan nang paandarin ang ferris wheel hanggang sa bumilis na ito ng bumilis.

"Oh shit, shit!" Naririnig kong bulong ni Felix. Tinignan ko siya at natawa, "Natatakot ka ba?!" Tanong ko.

"May fear of heights ako! Saka bakit kasi sobrang bilis nito? Ferris wheels are supposed to be romantic diba? Bakit ito parang pang horror." Nakapikit na siya habang nagsasalita.

"May fear of heights ka pal-"

"Oo pero nahulog na ako sayo." Natigil ako sa sinabi niya. Ito na naman, Yrene wag ka mag pa apekto. Asar lang yan, di 'yan totoo.

"Natatakot ka na pero nakukuha mo na pa ring bumanat, ilaglag kaya kita?" Hindi na ito sumagot at mukhang na enjoy na rin niya ang ride.

Hindi ko napansing nakatingin lang pala ako sa kaniya hanggang sa matapos ang ikot. Hindi ko naman din sinamantala ang pag pikit niya, baka nasiyahan lang din ako na panuorin sa siya habang hinahampas ng hangin ang kaniyang mukha.

"Saan tayo sunod?" Tanong nito sa akin nang makababa kami. Akala mo kung sinong game na game, takot na takot naman kanina.

"Wow ang tapang! Ahmm, Let's see..." Nilibot ko ang paligid and saw viking. Tinuro ko iyon sa kaniya at nanlaki ang mata niya at ngumiti.

"O-okay! Game!"

Wala masiyadong pila dito kaya nakapasok agad kami pagkatapos naming bumili ng ticket. Hindi naman kalakihan ang viking na ito unlike sa mga nasa theme park talaga pero mukhang masaya dito.

Pinili ko yung seat na nasa gitna pero he insisted na sa may dulo raw kami umupo.

Hanggang sa nag simula na ulit umandar ang ride. Naramdaman kong kinabahan na ulit si Felix nang tumaas na ang hampas sa amin. Itinaas ko ang kamay ko sa ere para i-feel ang moment hanggang sa nagulat nalang ako sa ginawa niya, bigla niyang hinawakan ang kamay kong nakataas at bigla siyang sumigaw habang ako natahimik na naman.

Hindi, wala lang to.

"Ano isa pa?" Gusto ko pa sanang sumakay kaso halatang halata sa kaniyang hilong hilo na siya at medyo namumulta na rin ang labi niya.

"'Wag na, maglaro nalang tayo." Nagtungo kami sa booth kung saan kailangan maitama mong maitumba ang mga rubber ducks gamit ang pellet gun, we tried playing it and luckily, I won a stuffed toy. And then we tried everything we could and we had a blast. It was fun indeed.

Hindi na natanggal ang ngiti sa mga labi namin hanggang sa makasakay kami sa sasakyan.

"Salamat."

"Salamat."

Natawa kami dahil sabay pa kaming nagpasalamat sa isa't isa.

"Thank you, ngayon nalang kasi ako ulit nakapunta sa perya." Then I smiled, 'yung totoong smile. Yung ngiti kong may halong saya talaga.

"No, I should be the one to thank you. Salamat kasi ngayon nalang din ulit ako naging masaya." Ngumiti rin ito at ini-start ang sasakyan.

"Uwi na tayo?" Tumango nalang ako.

Hindi ko alam kung ano 'tong nararamdaman ko pero masaya ako ngayon. Hindi ko alam kung dahil ba sa perya o dahil kasama ko siya. 'Di ko maiwasang hindi maisip 'yung mukha niya kanina. I'm really glad na kahit alam kong ayaw at hindi niya kaya 'yung mga rides ay sinamahan pa rin niya ako. Unlike Seth, ang KJ sa mga ganyang trip ko.

~ To Be Continued ~

Written by Eggboy16

No To Plagiarism

Everything About Stars And You #Wattys2017Where stories live. Discover now