Chapter 59: Strenght of will or Weakness?

Începe de la început
                                    

Athena's Pov

Nag teleport kami ni Ralph sa kaharian namin. Nakakapagtaka lang dahil walang mga kawal sa loob ng kaharian pero sa labas ay marami. Habang naglalakad papunta sa sikretong daan papunta sa underground cell dito, bigla akong namula ng maalala ko na magkahawak kami ng kamay ni Ralph. Parang biglang may nagkakaguluhan na bubuyog sa loob ng tiyan ko.

Bubuyog talaga Athena? Tsk utak ah?ayus-ayusin minsan.

Omyghod! Naalala ko eto yung ginagawa ng mga magsyota they called it 'Holding Hands While Walking?!!' >_<

Nakakahiya pasmado pa naman kamay ko tsaka 'di malambot. Aalisin ko na dapat yung kamay ng biglang hinigpitan ni Ralph yung pagkakahawak. Nakakainis naman 'tong si Ralph! Lagi nalang akong pinapakilig!

Hindi ba pwedeng ipagpabukas nalang 'tong kilig ko? Feeling ko kasi titili ako bigla dito sa sobrang kilig e!

Shhhhh! Athena be quiet!
Wala na'kong nagawa at hinaltak ko nalang si Ralph na umiikot ang mata.

Hindi pa ba siya nakakapunta dito? Siguro nga.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad at hindi ko na inintindi yung kamay naming magkahawak dahil ayokong mapahiya at baka tanungin niya 'ko na 'bakit? Kinikilig ka?'.

Di'ba? Kaya ayoko ng iopen ang topic tungkol sa kamay namin. Pshh!

Narating na namin ang pinakadulong bahagi dito sa kaharian namin. Yung pinakadulo kasi nito ay talagang puro kulay lilang dyamanteng pader at mapapaisip ka talagang parang wala ka ng malalabasan. Pero meron talaga, akala mo lang pader yon pero hindi.

There are many secret passage hidden here in Celestial Kingdom at pamilya lang ng Celestine ang nakakaalam kung nasaan ang mga 'yon. Pero siguro naman hindi pagsasabi ng katabi ko dito yung tungkol sa mga secret passage dito no? At 'di rin naman madaldal si Ralph para ipagsabi niya.

"Ralph? Wag mong pagsasabi ang tungkol sa makikita at maririnig mo ngayon. Dahil pinagkakatiwalaan kita." sinserong sabi ko at ngumiti sa kanya, pero laking gulat ako ng tunawa siya ng mahina. Wait--parang ano ahhh bakit parang ang sexy ng pagkatawa niya? Hay nako Athena kung ano ano naman ngayon ang naririnig mo.

"Kahit hindi mo sa'kin sabihin 'yan Athena. Alam ko ang mga limitasyon ng bibig ko at hindi naman ako madaldal tulad ng IBA d'yan" Teka nga, teka nga. Ako ba pinariringgan neto?? Paanong di ako mag aasume na ako ang pinaringgan niya e kung inemphasize niya yung IBA?

"Oy! For your information hindi ako madaldal no!" sabi ko sa kanya saka siya inirapan. Tinawanan nalang niya 'ko ulit. Nakakarami na siya ng ganyang tawa ah? Hindi naman ako clown para tawanan niya!

Hindi ko na siya pinansin muli at tinignan nalang ang pader. Oo nga pala ang bawat secret passage naman ay may secret code para makapasok ka dito, pero iisa lang ang code na'yon. At kayang makadetect ng dark magian ang passage dito. Pwedeng may lumabas na mga patalim papunta sa'yo. Kaya kung dark magian ka, wala ka pa sa underground cell patay kana. Pero isang daanan lang ng mga dark magian 'yon kaya pag may dumaan na pangalawa wala ng mga patalim na maglalabasan. Ewan ko ba ang galing nila Mommy at Daddy, hindi ko alam paano nila nagagawaang ganyang bagay-bagay. Biruin mo nakagawa sila ng gantong passage tapos nakakadetect ng dark magian tapos maglalabasan ang mga patalim pag nakadetect. They amazed me always.

Nang makarating na kami sa tapat ng pader ng kulay lilang dyamanteng 'yon kinapa ko muna ito bago sabihin ang katagang magpapabukas dito.

"apokálypse"

Pagkasabi ko ng katagang 'yon biglang nawala ang pader sa harap namin at ang sunod naming nakita ay mahabang daan. Hindi ko na pinagsalita si Ralph at hinalatak nalang siya papasok kasama sa pagpasok namin ang tatlong dark magian.

MAGIAN ACADEMY : The Legendary Princess (ON-HOLD)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum