Si Adrian naman ay ina-adjust kanyang gray na maskara habang prenteng nangangalap ng mga ebidensya. Sa totoo lang ay ideya niyang hulihin ang suspek habang nakikipagtalik dahil ayon sa impormasyon na kanyang nakalap ay hindi ito nagdadala ng PSG kapag nakikipagromansa. He raised his eyebrow nang may makita siyang microchip sa wallet nito. Files., sa isip niya.

Tumunog na naman ang earpiece nila at sabay sabay silang nagkatinginan. "Code Priestess on the line connecting to the following Codes: Charmer, Silent, White. Asking for the report."

"Mission accomplished, Code Priestess. Code Charmer reporting."

"Target's captured. Code White over."

"Evidence gathered. Code Silent."

"Okay. Good job. Now, Code Priestess on the line connecting to-"

"Whoah! Wait, Code Priestess!" amused na pagpipigil ni Martin sa kanilang pinuno. "Code Charmer speaking, just saying I love you. Over."

"C-code... tsk. Code Priestess on the line connecting to Code Charmer responding damn you. Over."

Napahalakhak naman ang tatlo dahil sa reaksyon ng kanilang Priestess Stone. Paniguradong kamatis na kamatis na ang mukha nito.

Samantala, sa isang abandonadong building naman ay tawa nang tawa si Edward, suot-suot ang kaniyang orange na maskara, sa itsura ng kaniyang nakasagupa. Paano bang hindi siya matatawa, e naging one seat apart ang mga ngipin nito matapos niyang suntukin. "'Di bale pare, ipapa-Belo na lang kita kapag nagkita tayong muli. Only Belo touches your teeth." Naramdaman niya namang may susugod mula sa kanyang likuran kaya agad siyang umilag at saktong lumanding ang atake sa mukha ng kaniyang kasagupa. At tuluyan na ngang nalagas ang mga ngipin nito. "Patay! Kay Calayan ka na lang pala pare! Imposibleng masalaba ka pa ni Belo. Tsk. Tsk."

Hindi naman maiwasang lingunin ni Nigel ang kabigang tawa nang tawa. Napailing siya sa ginagawa nito at napaisip, Bayolente, tsk tsk. Mabuti pa ako, say no to bruises! Nakasuot siya ng pink na maskara na may pangontra sa kanyang deadly weapon na pabango. Kanina ay nag-spray siya nito at ngayon nga lahat ng kalaban na lumalapit sa kanya ay nahihimatay bago pa man siya mahawakan. 7 hours na makakatulog ang lahat nang makakalanghap nito, silang tatlo lang ang nina Edward at Oasis ang hindi natatablan dahil nga may pangontra ang mga suot-suot nilang maskara. Kaya ang ginagawa lang niya ay maglakad nang maglakad at hinahayaang bumagsak ang mga kalabang nagtatangkang lumapit sa kaniya. "Come on guys, hindi ako nangangagat," pang-aasar niya sa mga kaaway.

Habang si Oasis naman na nakasuot ng silver niyang maskara ay kasalukuyang hinahanap ang lider ng kanilang kalaban.

Isang grupo ng mga gangster ang kanilang hinuhuli sa misyon na 'to. Mga gangster na marahas na pinapatay ang kanilang nakaka-gang war. Kung gaano karahas? Well, ginigiling lang naman nito ang mga nahuhuling buhay na kaaway. Mga gangster na psychotic.

There you are asshole., sa isip ni Oasis. Nakita niya ang isang lalaking may napakaraming piercing sa katawan na tumatakbo palabas. Nilabas niya ang dalang baril at pinunterya ang nagmamadaling lalaki. Sa isang iglap lang ay natumba ito at diretsong nakatulog. May nakabaon na karayom sa leeg nito dahilan nang pag-idlip nito. "Bulls eye."



***



"And our last stop is my master's bedroom," proud na saad ni Reymond sa dalaga habang bumubukas ang kanyang sensored automated sliding door.

Bumalandra kay Jennica ang isang brown-painted velvet room. It looks refreshing at hindi matatawaran ang interior design nito. "Wow," iyan lang ang nasabi niya.

The Philosopher Stones (Book 1)Where stories live. Discover now