Chapter 22

5.8K 151 4
                                    

Chapter 22

Gift

Ikaapat na araw namin dito sa Maldives, meaning last day nanamin ngayon. Limang araw lang kasi kami dito.

Tanghali na at nagyaya naman ako na magswimming sa dagat. Pumayag naman si Aiden sa gusto ko.

"Punta na kasi tayo sa malalim." Kulit niya sakin.

"Hindi nga ako marunong lumangoy." I said.

"Noon ba pinabayaan kita? Hindi naman ah?" Nakataas na kilay na tanong niya.

"Ayaw ko lang kasing mahirapan ka. Pabigat ako. You can go there." I honestly said.

Nilapitan naman niya ako, he cupped with his both hands my cheeks.

"Don't think that way. Hindi ka magiging pabigat sakin. Ikaw ang nagpapagaan ng buhay ko." Namula naman ako sa sinabi niya. "My baby is blushing." Pang-aasar pa niya.

Hinampas ko naman siya sa braso. Kahit kailan talaga. Tumawa naman siya. Hinila niya ang beywang ko papalapit sakanya at pumunta kami sa malalim na part.

"Bakit gusto mo ba sa malalim?" I ask.

"Sisid tayo in three, two, one."

Nagulat naman ako sa sinabi niya pero nakasabay naman ako sa pagsisid niya. Nakangiti naman ako habang pinagmamasdan ang mga isda at iba pang yamang tubig na nakikita ko sa kailaliman ng tubig. Napakaganda.

Napatingin naman ako kay Aiden ganon din ang reaction niya. Nakikita ko sa mata niya ang pagkamangha sa nakikitang yamang tubig. Humarap naman siya sakin.

Sa pagharap niya sakin, unti-unti niya naman nilapit ang kanyang mukha at binigyan ako ng isang mainit na halik sa ilalim ng tubig. My lips curve a smile.

Nang maubos na ang hangin naming dalawa sa ilalim, unti-unti na kaming umahon. Pareho naman kaming humingal at naghahabol ng hininga. Inayos naman niya ang buhok ko. Napahawak ako sa magkabilang braso niya habang nakahawak siya sa beywang ko.

"I love you." May sinseridad sa boses niya.

"I love you too." I smiled. Pinagdikit naman niya ang noo naming dalawa.

"You're the most beautiful thing happen to me." Kumunot naman ang noo ko.

"Hindi ako bagay!" Giit ko sakanya. Natawa naman siya.

"Pero bagay tayo." Banat naman niya.

Napailing nalang ako sa banat niya. Mga Suarez, corny.

Pumunta nadin kami sa veranda ng aming Villa at umupo doon.

"Are you tired?" Umiling naman ako.

"Hmm. What's on your mind?" Natawa naman ako sa tanong niya.

"Facebook status?" Pang-aasar ko naman sakanya.

"Tell me. What's on your mind? Parang ang lalim ng iniisip mo." He said. Umiling naman kaagad ako.

"Wala naman." I said.

Pero ang nasa isip ko talaga ay kung magagawa ko ba siyang iwanan.

"Tell me." May awtoridad sa tono niya. Kaya naman sinagot ko nalang din siya.

"I'm asking myself if I can leave you." Kumunot naman ang noo niya sa sinabi ko.

"Why? May nagawa ba akong mali?" He ask with curiosity. Umiling naman ako. "Then why?"

"I'm just thinking what if itaboy mo ako, can I leave you?" I ask. Lalong kumunot ang noo niya.

"Don't think about that. I will never do that." Ngumiti naman ako sa sagot niya. Sana nga. Sana.

The Bride [Suarez Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon