Chapter 13

5.8K 156 8
                                    

Chapter 13

Issue

Nang makarating na kami sa penthouse ay dere-deretso naman si Aiden sa isang banyo. Napailing nalang ako at dumeretso sa banyo sa kwarto. Naghilamos naman ako, nagbihis na ako ng panjama. Paglabas ko naman ng kwarto, nakita ko si Aiden na kakalabas lang sa walking closet naka faded jeans at plain black shirt. 

Kinuha niya ang susi sa bedside table. Napakunot naman ang noo ko. 

"Saan ka pupunta?" I ask. It's already a midnight. 

He just shrug his shoulder at lumabas na ng kwarto. Sinundan ko naman siya pero tuloy-tuloy lang siya na lumabas sa penthouse. I just let a heavy sigh. Naupo naman ako sa sofa sa sala. I will wait for him, I know may problema siya. 

Hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa sala. 

Pagmulat ko naman ng mata ko. Nasa kwarto na ako, kaagad naman dumapo ang mata ko sa sofa ng kwarto pero walang nakahiga. Weekdays, walang trabaho. Bumangon naman ako para maghilamos. Pagkatapos kong maghilamos ay pumunta na ako sa kusina para kumain. Nakahanda na ang pagkain at magsisimula palang naman kumain si Auntie. 

Inilibot ko naman ang mata ko sa buong penthouse pero wala akong nakitang masungit na lalake. Umupo naman ako sa tapat ni Auntie Tess, this pass few weeks hindi na siya ganon kasungit but she's still cold. 

"Good morning po." Bati ko naman. Tumango lang siya at pinagpatuloy ang pagkain niya. 

"Si Aiden po?" I ask. Now her eye eyed on me. 

"Bakit? Wala ba siya sa kwarto niyo?" She ask habang nakataas ang kilay. Umiling naman ako. 

"Kagabi po kasing umuwi kami, umalis din po siya. Hindi niya sinabi kung saan po siya pupunta at hinintay ko po siya sala. Doon na po ako nakatulog kaso pagkagising ko nasa kwarto na po ako. Hindi niyo po ba siya nakitang umuwi?" I ask. 

"Nagising ako kaninang alas kwatro para uminom ng tubig. I saw him, buhat buhat ka niya. I thought nasa kwarto niyo siya." Mapait naman akong ngumiti at umiling. 

"May problema ba kayo?" she ask. Umiling naman kaagad ako. 

"At tiyaka kung meron man po baka ako ang pinaalis niya dito." I joke. Umiling naman siya. 

"I know my nephew. Hindi ka niya papaalisin dito. He's gentleman." Pagtatanggol naman niya. 

Tumango nalang ako at pinagpatuloy ang pagkain. After ko naman kumain ay uminom na ako ng gamot. Sa sala naman ako habang nanonood ng T.V. Tiningnan ko naman ang cellphone ko kung may text siya kaso wala. 

Me: Aiden? Where are you? 

Ilang minuto ang lumipas ngunit wala akong nakuhang reply mula sakanya. I shrug my shoulder for that and let go a heavy sigh. 

Tumayo naman ako at lumapit sa bintana. Tanaw ko naman ang matataasang building. Hanggang sa mananghalian na ngunit wala padin reply si Aiden. Magkasabay ulit kaming kumain ni Auntie. Tahimik naman akong kumain hanggang sa naisipan kong magtanong

"Auntie, nagtext na po ba sainyo si Aiden?" I ask. I'm worried. Napakunot naman ang noo niya. 

"Hindi siya nagtext sayo?" She ask. 

"Hindi po eh. Hindi din nagreply." Hindi naman siya sumagot. "May alam po ba kayo na ibang mapupuntahan ni Aiden?" I ask. Umiling naman siya. 

I sigh. Kung may problema naman we can talk. Hindi iyong sinasarili niya lang. Nagtext naman ako kay Cathy para tanungin kung ayos lang ba siya pero hindi ako ulit nakatanggap ng reply. Yung sim ko ba ang may problema? 

The Bride [Suarez Series #1]Where stories live. Discover now