Chapter 21

5.8K 152 5
                                    

Chapter 21

Maldives

Halos magkapareho lang ang oras ng flight namin sa flight namin noon kaya panigurado. Madaling araw kami makakarating. Maldives time. 

Nagpalit kami ng damit syempre. Naka simple purple dress lang ako. Nang makarating kami sa Male Airport kagaya nung dati nag check in muna kami sa isang hotel para makapagpahinga. 

Umagang pagkagising ay pupunta na ulit kami sa Kanuhura. Masaya naman ako dahil hindi ko inaasahan na ganto kabilis ang balik namin doon. Habang nakasakay kami sa Sea plane halata naman ang pagka excite ko. Natawa naman si Aiden na nasa tabi ko. 

"It's not obvious that you are excited." Pang-aasar naman niya. Umirap nalang ako sakanya. "Oh my wife know how to roll her eyes huh?" Dagdag pa niya. 

Bigla naman niya akong inakbayan at nilapit sakanya. Nakabaon tuloy ang mukha ko sa dibdib niya. Pagdating namin sa Kanuhura kagaya nung una naming dating sinalubong naman kami ng mga staff na may hawak ng "Welcome to Kanuhura." 

Pinalagay naman ni Aiden ang mga gamit namin sa magiging Villa namin. Pumunta naman kami sa isang restaurant para kumain ng almusal. Habang kumakain kami nililibot ko naman ang mata ko sa paligid. 

"It looks like this is your first time." Umiiling at nakangising sabi ni Aiden. 

"Eh hindi ko naman masyadong na appreciate noon no. Malay mo eto na pala ang huling punta ko dito." I said. Kumunot naman ang noo niya sa sinabi ko. 

"Kung gusto mong dito na tayo tumira we will live here." Wika niya. Umiling naman kaagad ako. "Don't you dare to tell that word again. If you want we will go every summer." Dagdag naman niya. Ngumiti naman ako. 

"Bakit? Takot kabang mawala ako?" I ask. Uminom naman siya ng juice. 

"That word can't describe what I am feeling, if ever." He said. Ngumisi naman ako. 

"You really fell huh?" Pang-aasar ko naman sakanya. 

"Hmm. I want to travel next the Philippines." I said. Tumingin naman siya sakin. 

"Hmm. Where do you want?" He ask. Nag-isip naman ako ng magandang puntahan. 

"Coron, Palawan?" I ask him. Nginuya naman niya ang pagkain niya tiyaka tumango. 

"Okay we will go there." He said. Napangiti naman ako. 

Pagkatapos naman naming kumain ay pumunta na kami sa Villa namin. Nagpahinga naman ako sa mahabang biyahe namin. Tumabi naman siya sakin kaso nasa lap niya ang laptop niya. Siguro ay may aasikasuhi. 

"Are you not tired?" I ask. Nakahiga na ako pero nakaupo lang siya at nakasandal sa headboard. 

"Ise-send ko lang kay Kenneth 'tong file." Wika naman niya. Tumango na ako. 

Siguro dahil sa sobrang pagod ko kay nakatulog na ako. Nagising naman ako bandang hapon. Hinanap ko naman si Aiden pero wala siya sa tabi ko. Napatingin naman ako sa kakabukas na pintuan sa banyo at niluwa naman nito si Aiden. Habang nagpupunas ng basa niyang buhok. 

"Nag swimming kasi ako sa dagat." He said. Tumango naman ako. "Hindi na kita ginising ang himbing ng tulog mo." Wika naman niya. 

"Kahit na hindi mahimbing ang tulog ko hindi naman kita masasamahan dahil hindi ako marunong lumangoy." I pouted. He chuckle. 

"Akala ko ba fast learner ka?" Pang-aasar naman niya. "Tiyaka hindi naman kita pababayaan." He said. Umupo naman siya sa kama at hinalikan ang noo ko. 

"Gusto na daw nilang magka-apo." Naka pout na wika nito. Namula naman ako sa sinabi niya. 

"Ai-Aiden!" Pagbawal ko naman sakanya. Natawa naman siya. 

The Bride [Suarez Series #1]Where stories live. Discover now