Chapter 14

5.7K 151 13
                                    

Chapter 14

Date

Nang matahan na ako ay humiwalay na sa yakap si Auntie Tess. Tumayo naman siya. 

"Lalabas muna ako bibili ako ng grocery." She said. Pinunasan ko naman ang mga luha ko tiyaka ngumiti at tumango. 

Umalis naman siya. Pumunta naman ako sa kusina para uminom. Bigla naman may nag doorbell kaya pumunta na ako sa pintuan. Pagkabukas ko ng pintuan, sumalubong sakin si Kenneth at niyakap niya ako ng mahigpit. 

Natawa naman ako sa ginawa niya. Hinawakan naman niya ang magkabilang balikat ko at hinarap sakanya. 

"Are you okay?" Naga-alalang tanong niya. Ngumiti naman ako, this time hindi na peke pero hindi naman ganon kalawak. 

"Gago talaga ang Suarez na iyon!" Wika niya. Natawa naman ako sa sinabi niya. 

"Kung makapagsalita ito akala mo hindi Suarez." Biro ko naman sakanya. In-snob naman niya ako. 

"Nasaan siya ng makadapo ulit ang kamao ko sakanya?" He ask. Napangiwi naman ako. I shrug my shoulder. "Magbihis ka, aalis tayo?" Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. 

Bago pa ako maka angal pinaikot niya ako para matalikod sakanya. Pagkatapos ay unti-unti niya akong tinulak papunta sa kwarto namin habang tumatawa siya. Nang makarating na kami sa tapat ng pintuan. 

"Magbihis kana." Wika naman niya.

Pumasok nalang ako sa kwarto namin. Naligo muna ako tiyaka ako nagbihis ng ripped jeans na tinernuhan ko naman ng t-shirt na kulay violet may design ito na lady girl naka ponytail at naka peace sign. 

Lumabas na ako, pagkalabas ko naman sa kwarto kaagad na pinatay ni Kenneth ang T.V tiyaka na tumayo. Humarap naman siya sakin ng nakangiti. Ngumiti naman ako sakanya. 

"Let's go?" He ask. Tumango naman ako. 

Sabay na kaming bumaba. Katulad ng ginagawa ni Aiden, pinagbuksan niya ako ng pintuan sa sasakyan niya tiyaka na siya umikot para makasok. Nang makapasok na siya sasakyan ay in-start na niya ito. 

Hindi kagaya ni Aiden, Madaldal siya habang nagmamaneho. Madami siyang kinukwento at masaya siyang kasama. 

"Anong tawag sa unan na maliit?" Kumunot naman ang noo ko sa tanong niya. Mukhang seryoso kasi siya. 

"Small pillow?" Hindi ko siguradong sagot. Umiling naman siya. 

"Edi Unano!" Tiyaka siya natawa. Pinagdiinan niya pa talaga ang word 'unan'. Natawa nalang ako sa tawa niya hindi dahil sa joke niya. 

"Knock Knock." Masiglang wika niya. Napangiti nalang ako at umiling.

"Who's there?" Sinakyan ko nalang ang baliw. 

"Calamba." Tumango pa siya, ang yabang. 

"Calamba who?" I ask. 

"Mangangarap Calamba o maging katotohanan pa?" Kanta naman niya. Napailing nalang ako. 

"Alam mo ba bat Angel Lae ang pangalan mo?" Hindi talaga nagsasawa ang lalaking ito. 

"Hindi, bakit?" Sinasakyan ko nalang siya.

"Kasi ikaw ang angelaew ko." Lalo naman kumunot ang noo ko. 

"Angelaew?" I ask. Natawa naman siya. 

"Slow mo naman. Angelaew, ang giliw." Napailing nalang ako sa banat niya. 

Kung sa ibang kapangalan ko niya sasabihin iyan, panigurado kikilig ang babae pero corny para sakin. 

The Bride [Suarez Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon