Chapter 19

5.9K 137 1
                                    

Chapter 19

Preparation

Nandito kami ngayon sa isang sikat na restaurant. Family dinner. Wala nga lang si Ate Macy dahil sa business trip pero kasama namin si Auntie Tess.

"So kailan ang kasal?" Tanong ni daddy. Tumikhim naman si Aiden.

"Next month din po sana." He said, nabigla naman ako sa sinabi niya pero pabor din naman sakin iyon.

"Hmm. Weekend naman bukas and day off niyo. Magplano na kayo para sa kasal." Tito said, tumango naman ako.

"Anong gusto niyong wedding. Pareho ba sa nauna?" Tanong ni tita. Tumingin naman sakin si Aiden.

"What do you want baby?" Uminit naman ang pisngi ko sa endearment na tawag niya sakin. Hinawakan niya pa ang kamay ko na nasa lamesa.

"Ch-church wedding po sana." I said. Tumango naman si Aiden.

"Church wedding then." He said with final.

"Honeymoon?" Nabigla naman ako sa tanong ni Autie Tess. "That's my gift. Saan niyo gusto?" She ask.

"Maldives padin po sana." Sagot ko ulit. Tumango naman si Aiden.

Madami pa kaming napag-usapan tungkol sa kasal namin ni Aiden, tomorrow will be our photo shoot para sa invitation and other stuff katulad ng mga giveaway or for designs on the reception.

Naging masaya naman ang pagkain namin. Nang matapos ay napagpasyahan nanaming umuwi para makapagpahinga na. Lalo na may lalakarin pa kami bukas. Sumabay din samin si Auntie Tess pero siya ang nasa likuran.

Nang nasa kotse kami. Hindi ko maiwasan pero nagtanong ako kay Auntie Tess.

"Auntie? Bakit hindi po kayo nag-asawa?" Tumingin naman siya sakin. Isang Suarez na tingin. Masungit at Malamig.

"Iniwan eh." Tiyaka ito ngumiti ng mapait.

Tiningnan ko naman si Auntie Tess sa rear mirror. Maganda si Auntie Tess. forty-seven years old na siya. Pero kahit na ganon ang edad niya, halata padin ang pagiging mayaman sa kutis niya at sa gandang taglay niya.

Kung sa kabataan niya pa panigurado madami siyang manliligaw. Marunong naman akong um-appreciate ng ganda at na-appreciate ko ang ganda ni Auntie Tess. Maganda din ang kalooban niya maldita nga lang.

"Bakit po kayo pumayag na iwanan ka niya?" I ask.

She shrug her shoulder at isinandal ang ulo niya sa upuan tiyaka na ito pumikit. Ramdam ko, hanggang ngayon hindi padin siya makausad sa nakaraan niya kaya hindi pa siya nakakahanap ng papalit sa puso niya. Because until now, kung sino man ang lalaking iyon, siya padin ang nasa puso ni Auntie.

I thought noon, mas masakit ang mang-iwan lalo na kapag mahal mo pa ang iiwanan mo. Ngayon ko lang napagtanto na mas masakit pala ang iniwan, dahil ang nang-iwan maari pa siyang makahanap ng iba pero ang naiwan patuloy lang siyang mabubuhay sa nakaraan.

Nakarating naman kami sa penthouse pero tahimik padin si Auntie Tess na pumasok sa kwarto niya. Maybe I cross the line. Bukas na ako magpapasorry, mukhang ayaw niya pa ng makakausap ngayon.

"I cross the line, right?" I ask Aiden habang nakahiga ako sa braso niya. Hinalikan naman niya ang noo ko.

"That's okay. I know, Auntie will understand you." Pangungumbinsi naman niya sakin.

"Kilala mo ba ang lalaking nang-iwan kay Auntie?" I ask. Umiling naman siya.

"Even my dad don't know about her love life hindi pala kwento si Auntie Tess. Mas gusto niya ang sinasarili niya ang problema niya." Pagpapaliwanag naman sakin ni Aiden. Tumango naman ako.

The Bride [Suarez Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon