Chapter 7

6.7K 202 5
                                    

Chapter 7

Call

Lumipas ang mga araw at ganon lang ulit ang ginagawa ko sa trabaho. Kapag madamin o natatambakan si Cathy ay tinutulungan ko siya.

Kagaya ngayon ako na ang nagtype ng mga documents na kailangan niyang ipasa mamaya. May ginagawa nanaman kasi siyang business proposal.

Nang mag-lunch na ay tinigil na muna namin ang ginagawa para makakain din. Kinuha ko muna ang cellphone ko sa bag para makapag text kay Aiden.

Me: Punta lang kami sa canteen ni Cathy. We're going to eat lunch.

Hindi na ako naghintay ng reply niya at nilagay ko na ang cellphone ko sa bag ko. Kinuha ko naman iyon, sabay na kaming pumunta sa elevator ni Cathy.

"Hay. Ang hirap talagang pakisamahan ng Gg nating boss." Bahagya naman akong natawa sa sinabi ni Cathy.

Pagbaba naman namin ay kaagad na kaming um-order. Nakita ko naman na available ang chicken teriyaki sa canteen, favorite. Kaya naman iyon ang in-order ko.

Umupo kami ni Cathy sa usual spot namin kaso pang-apat na ang inuupuan namin. Nandito lang kami sa sulok malayo sa ibang mga empleyado, mas kumportable kami dito.

"Nako! Salamat talaga at dumating ka sa buhay ko!" Masayang wika ni Cathy habang kumakain.

"Ako din. Akala ko nga wala akong makakasundo dito." I said. Umiling naman siya.

"Imposibleng wala kang makakasundo dito." Wika naman ni Cathy. "Well depende nalang sa mga office girl na kala mo ang gaganda at ang yayaman." May kasama pang pag-irap nang sinabi niya iyon.

"Lalo na yung Ryza na secretary ni Sir.Matteo nako!" Gigil na sabi niya. "Akala mo naman sinong maganda! Feeling girlfriend pa!" Dagdag pa nito. Napailing nalang ako sa sinabi ni Cathy. "Hindi mo ba napapansin iyon? Inggit sa iyo iyon panigurado!" Umiling naman ako sa sinabi niya.

"Hindi no. Baka ganon lang talaga siya." Umiling naman si Cathy at may papikit-pikit pa.

"No. Sa tagal nanamin dito alam ko yung normal na tingin niya at yung inggit na tingin." Pagpapaliwanag nito. "Kung makatingin sayo kulang nalang sayo nalang dadapo ang mata niya eh. Taas baba kapa niyang titingnan. Sabagay, kutis pang mayaman ka at maganda." Bahagya naman akong nahiya sa papuri ni Cathy.

Madami ulit akong nalaman tungkol kay Cathy. Broken family sila pero sinusuntentuhan naman ng papa niya. Sila daw kasi yung pangalawang pamilya. Pangalawang panganay siya sa kanilang tatlong magkakapatid. Pero kahit broken family sila ay hindi naman siya nagrerebelde kagaya ng ibang mga kabataan.

Nang matapos na kaming kumain ay pupunta na kami sa cubicle namin. Tumunog ang elevator hudyat na bumukas na ito.

Tumigil naman sa pagsasalita ang dalawang tao na makakasakay namin sa elevator.

"Good afternoon, sir." Wika ni Cathy.

"Good a-afternoon sir." Yuko ko naman.

Hinila naman ako ni Cathy papasok. Sa salamin ng elevator nakita ko naman si Aiden na nakatingin sakin habang kausap ang magandang babae. Yumuko nalang ako.

Dahil sa iisang floor lang naman kami lalabas, sabay-sabay na kaming lumabas sa elevator. Nauna naman samin sina Aiden.

"Sa tingin mo business ba talaga ang pag-uusapan ng dalawang iyan?" Kumapit sa kamay ko si Cathy at binulong iyon.

"Ha?" Gulat na tanong ko naman.

"Hay. Oo nga pala, inosente ka. Sa ganyang pormahan ng babae hindi business ang pag-uusapan. Kung business kailangan formal hindi pang bar!" Bulong pa sakin ni Cathy.

The Bride [Suarez Series #1]Where stories live. Discover now