Chapter 11

6.4K 182 13
                                    

Chapter 11

Possessive

Nagising naman ako sa masarap na amoy na nalanghap ng aking ilong. Unti-unti ko ng minulat ang aking mga mata. Nakita ko naman si Aiden na inihahanda ang pagkain.

Bumangon naman ako. Tiningnan ko kung anong oras na sa Maldives. It's already 12:00 in the afternoon.

"Good afternoon." Bati sakin ni Aiden.

Ngayon naman ako tinablan ng hiya. Hindi ba dapat ang wife ang gumagawa niyan? Tinulungan ko naman siya sa pag-aayos.

"Pinadeliver ko nalang dito yung pagkain natin." He said. Tumango naman ako.

After namin naayos ang mesa ay umupo na kami.

"How's your sleep?" Tanong niya.

"Ikaw ang dapat tanungin ko, how's your sleep?" Mukhang hindi siya natutulog eh. Pagkagising ko nalang lang may ginagawa siya. He chuckle.

"Ayos lang naman." He said.

"Ayos? Nakakatulog kapa ba?" I ask. Muli ay tumawa naman siya.

"Oo naman. By the way, nabalita ko na kina mom and tita na we are already here." Tumango naman ako.

"Oh? Bat hindi mo yata pinapansin ang Korean Chicken?" Pinasadya ko pa naman iyan sayo." Nagulat naman ako sa sinabi niya.

Tiyaka ko naman na realise na meron nga palang Korean Chicken. Kumuha naman ako at ngumiti nalang. Even though this is not my favorite food.

"Masarap ba?" Dagdag na tanong niya. Ngumiti naman ako at nag thumbs up habang nginunguya ito.

"What do you want to do?" He ask. Nag-isip naman ako.

"Hmmm? Maybe maligo lang tayo saglit sa dagat? Diyan lang sa baba ng ating Villa." I said. Iyon ang plano ko ngayon. This is our first day.

"Hmm. Okay, if that what you want." He said.

Pagkatapos naman namin kumain ay nanood kami ng hindi katagalan movie tiyaka namin napagdesisyunan na makaligo muna sa dagat.

Nagpalit naman ako. Isang sando at maliit na short lang muna ang sinuot ko. Siya naman ay naka topless. Hindi na ako ganon humanga sa katawan niya dahil isang buwan ko na din nakikita ito. Siguro nung first time ko itong nakita.

Sa veranda naman ako pumunta at bumaba na gamit ang hagdan. Hanggang sa dibdib ko lang naman ang tubig. Sunod na bumaba si Aiden.

"Do you know how to swim?" He ask. Bahagya naman akong umiling.

Nang makailing ako ay bigla niyang hinatak ang beywang ko dahilan para madikit ako sakanya.

"Seriously? Huwag kang pumunta sa bandang ilalim." He said. Natawa naman ako.

"Hanggang didib ko ang tubig kaya ko pa naman." I said. Umiling naman siya.

"No. Ang dagat ay parang tao, mapanlinlang. Hindi mo nalang alam na tinatangay ka na pala sa agos papunta sa malalim para ikaw ay malunod. Parang tao, hindi mo alam na niloloko ka na pala." He seriously said. Natahimik naman ako sa sinabi niya.

Natahimik dahil natamaan. That was the exact sentence na magandang pangdescribe sa katahimikan ko.

"Should I teach you how to swim?" Tanong niya. Bahagya naman akong umiling.

Nawalan na ako sa mood. Hinawakan naman niya ang baba ko para mahuli ang tingin ko.

"Why?" He ask habang nakatingin ng deretso sa mga mata ko.

The Bride [Suarez Series #1]Where stories live. Discover now