Chapter 25

5.7K 137 14
                                    

Chapter 25

Past

Ilang linggo ang lumipas at ganon padin ang nangyayari samin ni Aiden. Minsan nalang nga kami nag-uusap kapag tinatanong ko siya kung anong pinagkaka-abalahan niya lagi niya nalang sinasabi na pagod siya kaya pinagbibigyan ko nalang din.

Ngayon, nandito ako sa kwarto namin at ka video call ko si Cathy, buti nalang free time niya ngayon.

"Hindi paba kayo nagkaka-ayos?" Tanong naman ni Cathy.

"Hindi naman kami nag-away." I said. Umiling naman si Cathy.

"Eh anong tawag diyan? Naglalaro kayo ng bahay-bahayan tapos kunwari nag-away kayo?"

"Hindi naman talaga kami nag-away. Para sakin, wala naman away na naganap." Pagpapaliwanag ko.

"So bigla nalang siyang naging cold ganon?" Tanong niya, tumango lang naman ako. "Tanungin mo na." Wika niya sakin. Ngumiti naman ako ng mapait at ngumiti.

"Tinanong ko na." I said.

"Oh anong palusot ang sinabi?"

"Pagod daw siya. Hanggang ganon lang lagi ang pag-uusap namin."

"WHAT?!" Napa-alis naman ako ng earphone sakanyang sigaw.

"Oo nga. Huwag mo ngang lakasan ang boses mo." Panenermon ko naman sakanya.

"Alam mo, ayaw ko 'tong suggestion ko pero tingin ko ito lang ang tanging paraan. Ayoko talaga ito eh." Umiiling na wika niya, napakunot naman ang noo ko sa ginagawa niya.

"Ano?" I ask. Pumikit naman siya ng mariin.

"Tanungin mo yung GG niyang pinsan. That's it!" Tiyaka ito dumilat pagkatapos sabihin iyon.

"Hindi ba akong nagmumukhang naghihinala sakanya non? Or mukhang possessive?"

"Ano kaba! May karapatan kang maghinala at maging possessive! Tandaan mo, A-sa-wa ka. Pi-na-nga-ku-an ka!" Pinagdidiinan niya talaga ang bawat salitan sakin.

"Hindi naman kaya masakal siya sa gagawin ko?"

"Kung diyan sa gagawin mo ay masakal siya e sana pinapaalam niya kung saan siya pumupunta diba? E hindi naman. Ikaw na nga ang nagsabi sakin na ayos lang sayo basta magtext man lang siya. Martyr nadin ang tawag diyan kung hindi mo lang alam." Tuloy-tuloy na wika niya.

"Hindi ko alam. Baka gusto niya ng space, kaya binibigyan ko nalang din."

"Sa pagkakaalam ko. Isa lang ang space dito sa universe. Magbibigay kapa ng isa? Hay. Martyr."

"Huwag ka ngang mamilosopo." Inis na wika ko sakanya. "Kung iyon ang gusto niya sabihin niya lang. Ayos lang din naman sakin, nang hindi ako naga-alala."

"Ang tanong ay kung wala siyang inuuwian na iba? Ikaw na ang nagsabi na hindi siya umuuwi diyan sa penthouse, natanong mo naba sa magulang niya kung dun sa mansyon nila siya umuuwi?" she ask.

"Sabi ni Auntie, wala naman daw nababanggit sina tita na ganon. Tiyaka kung dun siya magtatanong na sakin sina tita kung anong problema saming dalawa."

"Exactly! Anong problema sa inyong dalawa?" Ulit naman niya.

"Wala naman."

"Sayo wala. Pero sa asawa mo, meron." Diin niya pa. "Oh siya siya. Magpapaalam na ako, alam mo naman na bawal ang sobrang radiation sa mga buntis." Tumango naman ako.

"Isa lang ang choice mo sa GG pa." She said. "Sige. Paalam na muna ako, sana sa susunod na Video call natin hindi na ganyan ang itsura mo." Sermon niya. "Hindi nakaka healthy iyan sa baby!" Sermon niya. Tumango naman ako.

The Bride [Suarez Series #1]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz