"Yup, mahigit isang taon din simula nung ikinasal silang dalawa. Ngayon lang sila magkakaanak." sabi ko at nahiga na din.

"Nandyan naman kasi si Aiden kaya hindi muna siguro naisipan magkaanak ulit." sabi nya.

"Sabagay." nag-scroll na lang ulit ako.

Naisipan kong tignan ang profile ni Japan. Busy naman din sya sa cellphone nya kaya hindi nya makikitang iniistalk ko sya. Alam ko naman yung iba nyang napost last year kaya hinanap ko yung pinakadulong mga pictures nya.

At hindi ako nabigong makita ang hinahanap kong pictures nya. Ang mahaba pa nyang buhok. Grabe sabi na eh! ang ganda nya kapag mahaba ang buhok nya! ang cool nya pa din pero chicks na chicks! ohmygod ang hot ng Japan ko!

"Hoy!" sigaw ng katabi ko at kinuha ang cellphone ko.

"Ang hot mo noon, Japan. Chicks na chicks." sabi ko sa kanya na nakangisi. Sinamaan nya ako ng tingin at inexit ang app. Natawa ako.

Niyakap ko sya na hindi naman ikaangal nya. Hawak nya pa rin ang cellphone ko pero hindi nya ginagamit, siguro akala nya titignan ko ulit yung pictures nya. Sa susunod ko na lang ulit titignan yung hindi nya makikita.

"Pumunta daw tayo ngayon sa gym." biglang salita nya sa mahabang katahimik. Tumingin ako sa kanya tapos sa cellphone nya na pinakita ang message sa group chat namin.

"Ano naman kaya ang iaannounce nila." sabi ko pero tumayo pa din kami.

Tumungo kami sa gym. Kasabayan namin sila Steph. Inirapan nya nga ako pagpakita sakin. Ayan na naman sya.

Ayoko na nga pansinin ang mga katarayan nya sakin pero sya talaga 'tong nagpapansin sakin para lang bwisitin ako. Minsan sa laro, may pasimpleng siko sya sa tagiliran ko na hindi naman nakikita ng iba kaya minsan nakakainit ng ulo at napapatulan ko sya kaya ang nangyayari, ako ang lumalabas ng masama. Kabadtrip eh.

Buti na lang si Japan, sakin naniniwala dahil nakikita nya daw na inaasar ako ni Steph. Ang pinagtataka nya daw bakit ganon si Steph sakin na pati ako hindi ko alam. Kung dahil kay Alexa 'yon, baliw ba sya? may girlfriend na ako! hays nakakastress talaga ang Steph na 'yon.

Naghihintay lang kami na dumating ang mga seniors, yung iba samin naglalaro pero hindi basketball, kung ano-ano lang na paglibangan habang wala pa ang mga seniors. Kami naman ni Louise nag-uusap habang kausap naman ni Japan si Torey at Jayden.

Dumating ang mga seniors at pansin ko na may kasama silang iba.

"Sorry sa paghihintay. Gusto ko nga pala ipakilala sa inyo ang mga captain sa Empire Team." sabi ni Ate Ella. Nagtaas ako ng kamay bago nya ipakilala ang mga captain daw. "Yes Zoe?" napatingin sakin ang lahat, medyo nahiya ako pero nagtanong pa din ako.

"Ano po ang Empire Team?" ngayon ko lang kasi nalaman 'yon.

"Oo nga naman Ella. Hindi pa nila alam ang Empire Team." sabi ni Ate Juls.

"Seryoso? hindi nila alam?" sabi ng isang babae na may peklat sa kaliwang eye brow. Hindi naman ganon kalaki 'yon pero mapapansin pa din. Maganda sila, lahat naman sila.

"Busy eh nakalimutan sabihin." sabi ni Ate Ali. "Anyway, ang Empire Team ay binubuo ng limang team. Ang Dragon Empire, Bisilisk Empire na nasa North, Qilin Empire na nasa South, Wyvern Empire nasa West at Mušḫuššu Empire na nasa East. Si Tito Kean at ang mga bestfriend nya ang bumuo ng Empire Team. Every last five months ng training sa mga rookies ginaganap ang paglalaban ng Empire Team sa Empire Island na pagmamaari ng Empire Founder."

"Ten times nya sinabi ang salitang Empire." bulong sakin ni Louise sakin kaya napatawa ako ng mahina. Loko-loko.

"Si Camille ang captain ng Basilisk Empire." pakilala ni Ate Juls sa babaeng nagsalita kanina na may peklat sa left eye brow. "Si Valen naman ang captain sa Qilin Empire." turo nya sa babaeng mukhang masayahin dahil nakangiti sya samin at kumaway pa. Ang bata nya pang tignan, parang kasing edad lang namin sya tapos captain sya ng Qilin Empire. "By the way, matanda na 'to ah? 25 years old na 'to, baby face lang kaya parang bata." dagdag ni Ate Juls na ikagulat namin.

Melting Ice Princess 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon