Chapter 34

9.5K 434 92
                                    

It's been months bago ako nakauwi sa Pilipinas. Zandro doesn't want to go back unless sumama ako. Kinailangan kong ibenta ang bahay at kotse ko sa Seatle. Pina-shipped out ko ang mga gamit ko para mailagay ko sa sarili kong bahay. Hindi naman madami ang gamit ko. But it's still mine to keep.

Niyakap ako ni Jake ng makita niya ako sa office nila much to Zandro's annoyance.

"It's about damn time na magpakita ka. Kamusta ka na?" Tanong ni Jake sa akin.
"I'm good. Hindi ko akalain na makakabalik ako sa Pinas. I'm stying at my condo sa tapat ng UST. At ang ingay doon." I told him.
"Told you, you can stay with me." Zandro stated. Tinanggal nito ang kamay ni Jake na nakaakbay sa akin.
"Seloso ang gago." Jake commented.

Medyo possessive si Zandro, siguro dahil sa mga nangyari sa amin. At gusto ko naman yun. I will not complain about it.

"Kamusta ka na? May girlfriend ka daw."
Tumawa si Jake. "Break na kami." Sagot nito. "Are you staying here for good?"
Tumango ako. "Hindi ko nga lang alam kung ano gagawin ko dito."
"You can work or you can stop working at all. It doesn't matter Caroline." Zandro answered.
Napa-OH si Jake sa kanya. Tumingin si Jake kay Zandro.
"Teka...bakit bigla kang in-charge ha?" Tanong ni Jake sa kanya. Ngumiti si Zandro.
"Because we are getting married." Simpleng sagot nito.
"No shit..." Jake exclaimed. "For real?"
Tumango ako ng tumingin sa akin si Jake. Tinaas ko ang kamay ko na may singsing.
"Oh, congratulations." Niyakap na naman ako ni Jake.
"Jake, pwede bumalik ka na sa opisina mo at magtrabaho ka." Sabi ni Zandro. "At tigilan mo ang kakayakap sa girlfriend ko."
"Seloso talaga nito." Jake replied. "Kung hindi dahil sa akin, hindi kayo magkakakilala ni Carol."
Jake winked at me bago lumabas ng office ni Zandro.

"So ikaw pala ang boss dito." I teased him. Umupo ako sa upuan sa tapat ng table niya.
"In the making... meron pang 2 years si daddy bago daw siya magresign."

Napatingin ako sa wall sa likuran ni Zandro. There is a sketch that was framed... It was me, at National Library. Embracing his book in the middle of the aisles. Lights are coming from the window at my back. My hair was blowing to my shoulder. It was the time when I saw him standing in the Library.

"Who did that?" Tinuro ko ang drawing sa likuran niya.
"I did." He smiled. "I draw that after kong madischarged sa hospital. Habang nagpapagaling ako sa bahay. Lagi ko kasing napapanaginap yang babae na yan." He smiled at me.
"She's always in my dreams." He added.
"It looks real. Parang photograph."
"Because my dream was clear to me. It's like an Ultra HD movie." Tumingin siya sa drawing.
"I remember you clearly in my dreams."

Surreal.

Nagpaalam ako kay Zandro na pupuntahan ko si Ms. Rose. I want to surprise her, but he asked me to wait for him. So I told him to look for me at Jake's office after his meeting.

Galing ako sa comfort room, pabalik na sana ako sa office ni Jake nang makasalubong ko si Rio. Nagulat din siya ng makita niya ako.

"Buhay ka pa pala." Sabi nito sa akin.
"Nagtatrabaho ka dito?" Tanong ko sa kanya.
Tumaas ang kilay nito. "Obviously."
Tumango-tango ako.
"Hindi ka na natatandaan ni Zandro. Umaano ka pa dito Carol? Pagpipilitan mo ang sarili mo? Mahiya ka naman." Mayabang ang pananalita ni Rio. Ano kaya ang nagawa ko sa kanya para magalit siya ng ganito.
"At hindi ka dapat nagsasalita ng ganyan sa girlfriend ko." I heard Zandro's voice from my back.
Nanlaki ang mata ni Rio.
"Ano pangalan mo?" Tanong ni Zandro ng makalapit siya sa akin.
"Rio, sir."
"Kilala mo siya?" Tanong ni Zandro sa akin.
"Classmate ko sa DLSU dati." I replied.
"Ikaw yung nang-utog kay Caroline dati!" Tanong ni Zandro. Napangiwi ako. Pati iyon natatandaan niya.
Hindi nakakibo si Rio.
"You're fired. Last day mo ngayon." Nabigla din ako sa sinabi ni Zandro. Pati ang mga nakakarinig sa amin. Kinatok ni Zandro ang cubicle na malapit sa amin.
"Call HR and tell the manager that it's her last day. Sabihin mo galing sa akin ang decision." Tinuro ni Zandro si rio na nakamaang sa amin. Sumunod naman ang nasa cubicle at tumawag sa HR.
Hinila ako ni Zandro papuntang elevator, pababa sa parking area, hanggang sa makasakay ako sa kotse niya.

Niyakap ako ni Ms. Rose ng makita niya ako sa office niya. Umiiyak siyang nagpapasalamat sa akin.

"Ms. Rose, kumalma ka. Okay na lahat."
Nagpupunas ng luha si Ms. Rose habang nakangiti sa amin.
"Masaya ako na magkasama na kayo." She said.
"Ikakasal na kami." Zandro told her.
"That's wonderful. You deserve it. Both of you deserve it."
Kinuha ko ang Libro ng Ada na ibinigay niya kay Zandro.
"Ibabalik ko lang po Ms. Rose." I told her.
"You can keep it."
Umilingako.
"Gusto ko pong itago ninyo. Para meron kayong patunay na merong nabuhay sa mga naisulat. Gusto kong mabasa ng iba ang buhay ni Zandro. At gusto kong mamulat sila, sila na makakabasa nito, na tayo ang gumagawa ng kapalaran natin."
Kinuhani Ms. Rose ang libro sa akin.
"Ms. Rose, yung lola nyo po?" I asked her. Umilingsi Ms. Rose.
"Hindi ko alam kung nasaan siya. Bogla siyang nawala. Si Mel na ang nakatao sa history section. Matutuwa yun na makita kayong dalawa."
Nagkakwentuhan pa kami tungkol sa asawa at anak niya bago namin pinuntahan si Ma'am Mel sa history section.

Gaya ni Ms. Rose, naluha si Ma'am Mel ng makita kami ni Zandro.
"Masaya akong magkasama na kayo. At ikakasal na." Nakangiting bati nito sa amin.

Kinasal kami ni Zandro sa isang simple ceremony sa simbahan. Pinili namin maghoney-moon sa isang isla sa may bandang Visayas.

Papalubog na ang araw at naglalakad kami papunta sa villa namin ng may makasalubong kaming magkasintahan na magkahawak ang kamay. Nakaputi silang dalawa. Ang babae ay may mahabang buhok at napakaamong mukha. Ang lalaki naman ay may kataasan at kalakihan ang katawan.
Ngumiti ako sa kanila. Huminto silang dalawa kaya napahinto din kami ni Zandro sa tapat nila.

"Isang maligayang pagbati sa inyong dalawa." Wika ng babae.
Nagkatinginan kami ni Zandro.
"Huwag kayong susuko sa ano mang hamon ng buhay. Maligaya kami at natagpuan na ninyo ang isa't-isa." Dagdag ng babae.
"Salamat. Ano nga pala ang pangalan ninyo?" Tanong ko. Naka-akbay si Zandro sa akin.
"Ako si Malaya...at ito ang aking kasintahan, si Alon." Sagot niya.
"Isang karangalan ang makilala kayo." Sagot ni Alon.

Ngumiti ang dalawa at nagpatuloy sa paglalakad. Sinundan namin ni Zandro ng tingin ang dalawa hanggang sa hindi na namin sila matanaw.
Nagkatinginan kami ni Zandro.

"Masaya na sila." I whispered to Zandro.
"Nagkita din sila sa wakas." He replied.

THE END.

———————
A/N

Book 2 is out. 

Look for THE BOOK MAKER

The story didn't end there. 


The Book Keeper (Completed)Where stories live. Discover now