Chapter 14

4.4K 232 6
                                    


Nagmamadali akong umuwi after ng last subject ko. So now, nakatayo ako sa labas ng condo building namin at hindi alam kung saan pupunta.

Feeling stalker na ang galawan ko. Mapapalo na ako ni lola kung buhay pa siya.

"Si Jake...Si Jake." Bulong ko sa sarili ko ng makita ko si Jake na pauwi gaing sa UST dala dala ang bag.
"Jake." Tawag ko dito sabay kaway. Natingin ang mga babaeng palabas ng building namin. Hindi ko na lang sila pinansin

"Parang tuwang tuwa kang makita mo ako." Biro ni Jake.
"Saan merong masarap na isaw?" tanong ko dito.
Nakunot ang noo nito. "Carol, sa tuwing makikita mo ako nagugutom ka."
Ngumiti ako ng kaunti para hindi halatang kinakabahan ako. Bakit kasi hindi sinabi ng libro kung ano ang mangyayari?
"Siguro para samahan mo ako. Hindi ko kasi kabisado ang lugar dito."
He rolled his eyes. "Magbibihis lang ako. Hintayin mo ako sasamahan kita."
"Wag ka ng magbihis. Tara na." Hinatak ko siya papuntang Espanya.
"Hindi diyan." Sita nito saka hinatak ako pakabila at papunta siguro sa isawan.

Hindi ko kayang mag-isa to. Paano ko gagawing iligtas si Zandro kung hindi ko alam kung nasaan siya.

"Oy, bakit ganyan tingin mo?" tanong ni Jake ng parang lumalayo sa akin.
"Anong tingin?" tanong ko sa kanya.
"Parang may balak kang gawin na hindi mo alam kung ano gagawin." Sagot nito. "If I am making any sense."
Kailangan ko muna sigurong itanong kay Ms. Rose kung pwede kong sabihin kay Jake ang lahat para matulungan nya ako.

"Nakalimutan kop ala ang wallet ko." I told him instead.
"Pambihira. Wala kang dalang pera?"
Umiling ako saka ngumiti. Nakalimutan kop ala ang pera ko kakamadali.
"Bayaran kita. Promise."
"Wag na. Ikaw naman nagbayad ng MsDo nung isang araw. Sagot ko na 'tong isaw na ito."

"Puta, bakit ba laging nakikita natin si Miguel?" Bulong ni Jake pero narinig ko.
Hinanap ko ng tingin si Miguel. Nakatambay ito sa isang bilyaran na dadaanan namin.
"Bakit lagi siyang nakajacket? Hindi ba siya naiinitan sa ginagawa niya?" I heard Jake chuckled pero pinigilan niya ng nasa tapat na kami ng bilyaran. Hinila nito ang braso ko ng huminto ako ng sipulan ako ng kabarkada ni Miguel.

"Iwasan mo sila kung pwede Carol." Bulong ni Jake sa akin ng makalagpas na kami. "They are bad news."
"Oo naman. Ayaw ko naman maging tropa ang mga nakajacket sa tag-araw." I joked.
Tawa ng tawa si Jake ng makarating kami sa isawan. Nakahinga ako ng maluwag ng makita namin si Zandro doon.

"Z... buti nandito ka may manlilibre sa amin ni Carol." Biro ni Jake.
Nakakunot na naman ang noo nito habang ngumunguya. "Bakit magkasama kayo?"
"Hinatak lang ako nito. Guto daw mag-isaw, wala namang pera." Sagot ni Jake.


Natingin ako sa isaw na sinasabi nila. Napalunok ako ng hindi oras. Kaya ko bang pangatawanan ang pagpapanggap ko? Hindi naman ako kumamain ng lamang loob eh. Gusto ko lang siguraduhin na ligtas ang taong to.

"He..he... 'wag na lang. nakakahiya nakalimutan ko pera ko sa taas." Pagpapalusot ko.
"Ako na magbabayad Caroline."
"Ayun naman pala. Si Z na ang magbabayad. Manang, eto po ang sakin... saka eto pa." Namili na si Jake ng ipapaluto sa tindera.
Nakatingin sa akin si Z kaya medyo kinakabahan ako. Baka nakakahalata na ito sa akin.

"Akala ko ba gusto mo ng isaw?!" tanong nito.
Nag-iisip pa ako ng idadahilan ng lumapit sa amin si Miguel.

"Naghihirap ka na ba Z, at sa isawan ka na lang kumakain ngayon?" Nagtawanan ang mga kaibigan ni Miguel sa sinabi nito.
"Miss, sa akin ka na lang sumama. Walang pera yang si Zandro. Mahirap pa sa daga yang si Zandro." Panglalait ni Miguel. HIdi kumibo si Zandro.
"Maginaw ba?" wala sa sarili kong naitanong.
Natigil sa pagtawa ang mga kaibigan ni Miguel. Nadinig ko si Jake na nagpipigil ng tawa nya.
"Baka nga ako lang ang naiinitan." Bawi ko sabay talikod sa kanila.
"Maginaw kasi sa FEU." Sagot ni Miguel.
"Ah...kaya. Baka maraming nagyayabang kaya maginaw." I replied to my head.

Pero nagtawanan ang mga nakapaligid sa amin pati si Zandro tawa ng tawa.

Nasabi ko pala ng malakas. Oh my Lord... I will be dead because of my stupid mouth.


The Book Keeper (Completed)Where stories live. Discover now