Chapter 12

4.8K 237 8
                                    


Umuwi akong lutang ang isip...

Hindi ko napansin si Jake na nasa pintuan ng unit nya ng madaanan koi to.

"Carol... uy, okay ka lang?" nagulat pa ako ng madinig ko ang boses niya.
"Ay Jake... Sorry hindi kita napansin. Madami lang ako iniisip." Pilit kong ngumiti.
"Isosoli ko lang sana yung electric pot mo." Inabot nito ang hawak hawak niyang electric pot. "Thank you." Sabi pa nito.
"Welcome." Kinuha ko ito. "Sige pasok na ako."
"Sure kang okay ka lang. Mukha kang, ewan ko, maputla."

Kung alam mo lang Jake...

"Okay lang ako. Nasobrahan yata ako sa jogging. Sige, see you around." Pumasok agad ako sa condo ko at dahan dahan nilapag ang bag ko sa study table.

What the hell had just happen to me? Am I dreaming or having a nightmare?!

Binuksan ko ang bag na nilapag ko sa table at kinuha ang libro. May bago ng Chapter na nakasulat.

Nagising si Zandro ng maaga. Iniisip niya kung bakit wala siyang nananaginipan ng gabing iyon. Lingid sa kaalaman niya na makikita niya sa Mcdonalds si Miguel at kasama nito ang mga kaibigan.

Mag-isang kumakain si Zandro ng lapitin ito ni Miguel at ng mga kaibigan nito. Merong masamang balak ang mga ito para kay Zandro.... At walang kamalay malay si Zandro sa sasapitin niya.

Pinagtulungan ng magkakaibigan si Zandro hanggang sa makalabas sila ng McDo. Hindi umawat ang mga kumakain sa away ng mga ito. Duguang gumagapang si Zandro ng matapos bugbuging ni Miguel at ng mga kaibigan nito.

Shit... Dali dali kong nilagay sa bag ang libro at nagmamadaling lumabas ng condo.  Naabutan ko sa elevator si Jake.

"Nagmamadali ka..." puna nito ng pindutin ko ng paulit ulit ang ground level.
"Saan ang McDo dito?" tanong ko sa kanya.
"Meron sa tapat ng UST, meron din bago doon bago mag-foot bridge." Sagot naman dito.
"Tara samahan mo ako. Bilisan natin." Nagtatakbo ako pagbukas ng elevator.
Si Jake, manghang naglakad ng mabagal.
"Bilisan mo Jake. Gutom na ako." Sigaw ko dito. Letche bilisan mo, baka macorner na si Zandro.

Hindi ko alam kung saang McDo ako pupunta. Sa kanan o sa kaliwa? Alin dito?!

"Kung gutom ka na, dito sa foot bridge ang malapit na McDo. Madami nga lang taga FEU." Turo ni Jake. Natanaw ko ang logo ng McDo. FEU, taga doon si Miguel. Doon tayo.
"Tara." Hinila ko ang braso ni Jake.

Nilinga linga ko ang paningin ko, hinahanap ko kung nandito si Zandro... Shit... sa dami ng tao hindi ko siya matanaw. Baka nasa kabilang McDo ito.

"Walang space." Sabi ni Jake. "Saka nandito si Miguel, umalis na tayo."
"Dito na lang nagugutom na talaga ako." Pagpupumilit ko. Kung nandito si Miguel, malamang tama ang sinasabi ng libro na nandito si Zandro.

"Teka baka merong space sa taas. Sige oorder na ako, hanap kang space." Hinanap ko ng tingin kung sino ang Miguel. Isang matangkad na lalaki na naka jacket ng FEU ang natanaw ko. Medyo mayabang ang aura nito. Nilagpasan ni Jake si Miguel at pumanik sa taas. Hindi napansin ni Miguel si Jake.

Umorder ako ng breakfast meal para sa amin ni Jake habang tinitingnan ang mga taga FEU sa gilid ng mata ko.

Narinig ko ang isang taga FEU bago ako umakyat ng hagdanan. "Pre, nasa taas si Zandro."

Nagmamadali akong umakyat at hinanap sila Zandro at Jake.

"Carol, dito." Kaway ni Jake. Napalingon si Zandro at kumunot ang noo. Nilapag ko ang tray sa harap ni Jake. Tapos ng kumain si Zandro.
"Hinayaan mong si Caroline ang umorder?" tanong ni Zandro.
"Siya yung gutom na gutom eh." Sagot ni Jake.

Umupo ako sa tabi ni Jake. Pabilog ang mesa so nasa gitna nila ako at nakaharap sa hagdanan.

"Kulang na lang tumalon sa elevator kanina. Kawawa nga ang ground level button kakapindot niya eh." Dugtong pa nito. Hindi naman ako makakain. Kinakabahan ako baka may gawin si Miguel.

"Kumain ka na. Kala ko ba gutom ka." Inusog ni Jake ang tray sa harap ko. Nakakunot ang noo ni Zandro kaya napilitan akong sumubo kahit dry na dry ang lalamunan ko.

Naaninang kong merong umakyat... mga taga FEU. Isa-isa silang pumunta sa tablenamin kasama si Miguel.

"May kasama ka yata ngayon." Nakangising sabi ni Miguel.
"Hindi yata kita kilala." Miguel told me directly.
"Okay lang hindi din naman kita kilala." Sagot ko.
I hear Zandro and Jake chuckled. Nawala ang ngiti ni Miguel.
"Player ako ng FEU... Hindi mo ako kilala?!" sarcastic na tanong nito.
"Hindi kasi ako nanonood ng UAAP." Simpleng sagot ko. Napainom ako ng orangejuice ng wala sa oras.
Kailangan pala kilala ko siya... Feeling naman nitong unggoy na ito.

"Bakit nga pala nakapalibot kayo sa table namin? Parang highschool musical angdatingan nyo." walang preno ang bibig ko na naman. Mapapahamak lalo si Zandronito. "Ano meron?"
Nataas ang isang kilay ni Miguel. Pinipigilan ni Jake na tumawa. Si Zandromalapit ng umuga ang balikat kakatawa.
"Kakamustahin ko sana si Zandro." Sagot nito.
"Ahh... Close kayo? Sige join us... Kaso maliit ang table." I tried to add a smilepara hindi halatang ginagago ko siya. Kunwari inusog ko ang bangko ko paramagkasya siya.

"Hindi na. I'll see you around Zandro." Nagmwestra pa ito na nakamasaid langsiya.

Nakahinga ako ng maluwag ng umalis ito.Nakatingin sa amin lahat ng mgakumakain.

"Loko ka Carol. Buti hindi ka pinatulan nun. Kung ano-ano sinabi mo." Tawa ngtawa si Jake.
"Gutom naman kasi ako. Tapos para silang poste na nagtayuan sa paligid. Hindiako makasubo ng pancake." Kunwari hindi ko ala mang mga nangyayari... Pero satotoo lang ngayon ko naramdaman ang gutom ng umalis na si Miguel.

Kaya ko nga siguro... Kaya kong iligtas si Zandro.

The Book Keeper (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon