Chapter 6

6K 282 15
                                    


Kinabukasan, wala pa ring pasok ang mga student pero humupa na ang tubig. Tiningnan ko ang libro ni Zandro ngunit walang nakasulat na susunod na chapter.

Naglakas loob akong lumabas ng condo. Pinipigilan ko ang sarili kong katukin si Jake at Zandro ng madaan ako sa kwarto nila. Dala ang libro na nasa bag pack ko, tinungo ko ang mall kung saan ko iniwan si Wanda, ang kotse ko.

Balik sa dati ang lansangan... Maingay, magulo, madaming tao. Habang naghihintay ako ng Go signal mula sa traffic light, bumalik ang isip ko sa nakakunot noong si Zandro.

Bakit ganun na lang ang tingin nya sa akin? Alam niya bang alam ko ang story niya?

Napadukmo ako sa manibela... Hindi naman ako sigurado kung siya nga ang nasa mahiwagang libro ni Ms. Rose. Ano ba ang napasukan kong gulo?

Napaangat ang mukha ko ng madinig ko ang mga busina ng jeepney sa likuran at ang mga malulutong nilang pagmumura... Green light na pala.

"Hoy... kung matutulog ka lang, wag ka ng magmaneho. Perwisyo ka sa daan." Bulyaw pa ng isang driver ng mag-over take ito sa akin.


Halos walang tao sa National Library ng iparada ko si Wanda sa parking area.

"Ang aga mo Ms. Carol." Bati ng guard sa akin.
"Pumasok po ba si Ms. Rose?" tanong ko dito.
"Opo ma'am. Nasa Novel Section po siya." Sagot nito.
Nagpasalamat ako at tinungo ang Novel Section.


"Ms. Rose." Tawag ko dito ng pumasok ako sa section niya.
Napatingin siya sa akin at bumalik sa pagliligpit ng mga libro.

"Ms. Rose." Tawag ko ulit dito ng makalapit ako sa kanya. Mukha siyang pagod na pagod.

"Saglit lang Carol, may hinahanap lang ako." Sagot nito ng hindi lumilingon sa akin. Nakagat ko ang kuko ko sa thumb. Hindi ko alam kung paano sisimulan ang pagsasabi sa kanya ng nalalaman ko. Maniniwala kaya siya? Magagalit dahil nakuha ko ang libro?

"Isasauli ko sana ang mga libro na hiniram ko."
"Pakilapag na lang diyan." Sagot nito ng hindi pa rin lumilingon sa akin.

"Ms. Rose, sorry sa abala. Alam kong ito ang hinahanap mo. Nadala ko kasi ng biglang kumidlat. Nagulat ako kaya naisilid ko din sa bag ko noong isang araw." Nakapikit ako ng itaas ko ang libro ni Zandro.

Napasinghap si Ms. Rose at biglang inabot ang libro. Napamulat ako ng mata. Napaupo siya sa upuan at hawak-hawak ang libro ni Zandro. Para siyang hinang hina habang yakap yakap ito.

"Sorry Ms. Rose. Hindi ko alam na nadala ko. Nakita ko na lang noong nasa bahay na ako. I tried to call your office pero sarado na." Naupo din ako sa upuan sa harapan ng table ni Ms. Rose.

Binuklat niya ang libro pero mukhang wala naman siyang nakita doon.

"Ms. Rose."
"Okay lang Carol. Ang mahalaga, naibalik mo. Akala ko tuluyang nawala na ito." Sagot ni Ms. Rose.

Napalunok ako. Sasabihin ko ba? Magtatanong ba ako?

"Anong klaseng kwento po ba yan Ms. Rose?"
"Wala naman Carol. Hindi mo rin naman maiintindihan ang nakasulat." Nangiting sagot niya.

Naiintindihan ko nga lahat eh. Nasa isip ko na ang buong buhay ni Zandro.

"What do you mean?"
"Nakasulat kasi sa Baybayin ang libro." Sagot ni Ms. Rose. Binuklat niya ang page at pinasilip sa akin. Nakasulat ito sa mga letra na hindi ko maintindihan. I blinked then the letter changed. Naging tagalog naman ito.

"Tagalog naman po ang nakasulat." Sagot ko.
Napatingin si Ms. Rose sa akin. Binuklat ang libro, tumingin siya sa akin tapos tumingin ulit sa pahina ng libro.

"Nakasulat ito sa alibata... Baybayin ang tawag sa alpabeto na ito. Sinaunang alpabeto ng mga ninuno." Sagot ni Ms. Rose.

"Napabasa ko po ang kwento. Nakasulat po ito sa tagalog. Wala naman po akong nakitang ibang language maliban sa tagalog."

Matagal hindi nagsalita si Ms. Rose. Sinarado ang libro ni Zandro at tumitig sa akin.

"Ano ang nabasa mo?" tanong nito.
Napalunok na naman ako.
"Madami akong tanong Ms. Rose," I replied instead.

"Bakit mo nababasa ang Baybayin?" Inabot ni Ms. Rose ang isang papel na may nakasulat na mga symbol. "Nababasa mo ba ito?" tanong nito.

Umiling ako.


"Ganito ang ang pagkakasulat ng itim na libro." Binuklat ulit ni Ms. Rose ang libro ni Zandro. Nakasulat nga ito gaya ng sa symbol na pinakita niya pero na-iiba ang mga pagkakasulat nito. Nagiging tagalog.

"Maniwala man kayo Ms. Rose o hindi, nagigingtagalog talaga ang nasa page..." Tinuro ko ang page na nakabuklat.

Napadukmo si Ms. Rose sa table.

"Ano ang nakasulat?" Tanong ni Ms. Rose.
"Bakit ko nababasa?"Balik na tanong ko sa kanya.
"Bakit hindi tapos ang libro? Bakit totoong tao ang mga nasa libro?"

Napasinghap si Ms. Rose.

"Ano ibig mong sabihin?" balik na tanong ni Ms. Rose.
"Bakit hindi ako kasama sa libro kahit na nakausap ko na ang mga tauhan salibro?" balik na tanong ko kay Ms. Rose.

"Carol? Ano ibig mong sabihin?" tanong ulit ni Ms. Rose.

Naiiyak ako sa nangyayari. Am I in some sort of dream? Is there other life species maliban sa atin?

"I met Zandro Consunji yesterday," I told her.
"This can't be..." sagot ni Ms. Rose na nakapag-pangilabot sa akin.

----------------------

A/N

Opppssss..... unti-unti ko ng nabubuo ang story...
But ang hirap palang gumawa ng fantasy na story.

How is it so far?


The Book Keeper (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon