Chapter 15

4.6K 187 4
                                    


Naging routine ko na ang sundan ang bawat nangyayari sa buhay ni Zandro thru this book.

I asked Ms. Rose once if I can share the burden of this secret with Jake. Halos mapaalis kami ng lola ni Ms. Rose sa library dahil sa lakas ng pagtanggi nito. The secret should remain secret according to her. Paano ko ililigtas si Zandro? Kakayanin ko ba talaga?

Nagawan ng paraan ni Ma'am Mel na mabigyan ako ng pass sa UST. Pinalabas niya na pamangkin niya ako. So now I have a permit to enter UST every now and then.

Wala pang drastic na nagaganap sa buhay ni Zandro. Although pinapabalik na siya ng daddy niya sa bahay, ayaw niya naman bumalik dahil nandoon na nakatira si Miguel.

"Hoy archer, ano ginagawa mo dito?" Nagulat ako ng magsalita si Jake sa likod ko. Nagbabasa ako ng libro sa UST library. Hinihintay kung ano ang maisusulat sa libro dahil wala pa namang update maghapon. Natingin si Ma'am Mel sa amin.

Umupo sa tabi ko si Jake at tiningnan kung ano ang binabasa ko. Wala siyang makita kahit ano.

"Ano ang ginagawa mo dito?" ulit na tanong nito sa akin.
"Nagbabasa lang." sagot ko.
"Wala naman nakasulat sa libro." Turo nito sa hawak ko. "Nagpapacute ka na naman kay Z." Nanunuksong sabi nito.
"Tumigil ka nga." Binalik ko ang mata ko sa libro.
"Wala si Z dito. Kung gusto mo siyang makita, wag ka dito sa library."
"Tumigil ka Jake." Naasar na saway ko sa kanya. Buking na ako. Halatain ba.
Natatawa ito umiling.
"Carol..." tawag nito.
"Tumigil ka na Jake. Ibabato ko sayo ang libro na ito."
Tumawa na naman ito.
"Minsan naiisip ko if you are stalking him." Tiningnan ko si Jake ng masama. Nakakaoffend ang loko. "But then again, you always in the exact place when Miguel will cause trouble. And you kinda save Z every time."
"May kilala ka ba sa FEU para manmanan si Miguel?" seryosong tanong nito.
"Seryoso ka ba sa tanong mo Jake?"
"Hindi ka ba stalker?" nakangising tanong nito.

Buwisit...

Hindi ko sinagot ang mga pang-aasar ni Jake.

"Umiilaw yang libro mo." Nguso ni Jake sa librong hawak ko.
Napanganga ako ng makita nya ang liwanag galing sa mga page. Senyales na meron ng update sa libro.
Unti unting lumiwanag ang mga nakasulat.


Sa kabila ng hindi pagkakaintindihan ng mag-ama, unti-unti naman silang nakakapag-usap na dalawa.

Napatingin ako kay Jake na nakatingin sa binabasa ko.
"May nababasa ka ba?" tanong ko.
"Wala nga eh. Kaya nga nagtataka ako kung bakit parang may nababasa ka." Sagot nito.

Hindi ito nagustuhan ng madrasta ni Zandro at ng anak nitong si Miguel. Nagpasya ang mag-ina na simulant na ang balak na matagal na nilang nakaplano.

"Shit..." bulong ko.

Nang hapon na yun, maagang lumabas si Zandro ng UST at nagpunta sa puntod ng ina.

"Saan nakalibing ang mama ni Zandro?" tanong ko kay Jake. Nagulat ito sa tanong ko ngunit sumagot naman.
"Sa Manila North."

Alam ng madrasta nito na magpupunta si Zandro sa sementeryo dahil kaarawan ngayon ng mama niya. Hindi alam ni Zandro ang panganib na nakaabang sa kanya.

"Jake..." nanginginig ang kamay ko.
Nasaan ang susunod?! Ano ang sususnod?
"Bakit ba Carol?" nagtatakang tanong ni Jake.

Nag-aabang sa kanya si Miguel sa sementeryo.

"Jake, inaabangan ni Miguel si Zandro sa sementeryo."

"Ha?"

"Tara... May masamang mangyayari sa kanya." Kinuha ko ang libro at ang bag ko at nagmamadaling tumakbo papuntang parking area. Sinundan ako ni Jake sa pagtakbo.

"Marunong kang magdrive?" tanong ko sa kanya.
"Oo."

Inabot ko sa kanya ang susi ni Wanda at umupo ako s apassenger seat.

"You better explain to me what is going on." Sabi nito habang ini-start ang kotse.
"Later... Please make it hurry."
"Saan?"
"Sa sementeryo. Sa puntod ng mama ni Zandro." Natatarantang sagot ko.


Kasama ni Miguel ang mga kaibigan niya at ka-frat ng magpunta sila sa Manila North Cemetery.

"Jake, bilis. May kasama si Miguel." Natataranta ako. Ano ang gagawin namin.
"Tawagan mo si Z." Utos ni Jake. Binusinahan nito ang jeep na nasa gitna ng kalsada at nagbababa ng pasahero.
"Wala akong number ni Zandro."
"Puta... tumabi kayo." Sigaw ni Jake sa jeepney driver.

Inabot nito ang cellphone niya at sinabi ang password. Hinanap ko ang pangalan ni Zandro and I dialled it.

Ring...ring...ring...ring...

"Come on." Bulong ko habang pinapakinggan ang ring sa kabilang linya hanggang sa marinig ko ang the subscriber can not be reach...
"Hindi sumasagot." I told Jake. Napamura si Jake ng makitang traffic sa dadaanan namin. Lumiko siya sa isang kanto at nare-route para iwasan ang mga nagkalat na mga bata na nagpapatraffic lalo sa makipot na mga daan ng Manila.

"Malapit na tayo. Saang banda sa sementeryo? Sa mismong puntod ng mama nya?"

Binasa ko ulit ang mga nakasulat. Binasa ko ng malakas.

Naabutan ni Miguel at ng mga kaibigan niya si Zandro na nakaupo sa punto ng ina.
"Ano Z? Wala ng mga kaibigan moa ng makakapagligtas sayo." Ang sabi ni Miguel sabay tawa.
"Ano ang kailangan mo Miguel? Huwag dito sa puntod ng mama ko." Ang sabi ni Zandro.
"Wala akong pakialam kahit ikaw pa ang nakalibing diyan." Dinuraan ni Miguel ang lapida.
Dito nagalit si Zandro at sinuntok si Miguel sa panga.


Hinarang kami ng guwardiya ng sementeryo.
"Boss saan kayo?" tanong nito.
"Boss nakalimutan ko kung anong lot, pero malapit po sa puntod ni Ramon Magsaysay." Sagot ni Jake.
"Sige po, deretso lang po kayo. Pero hanggang parking area lang po. Kailangan nyo pong maglakad kasi ginagawa ang daan banda sa dulo."
"Okay po. Salamat." Pagpapasalamat ni Jake.

"Manong, sandali po. May nakita po ba kayong mga student ng FEU na pumasok dito?" tanong ko sa guwardiya.
"Meron akong nakitang isang grupo ng mga kabataan na pumasok. Hindi ko alam kung taga FEU pero mga nakajacket ng berde." Sagot nito. Nagkatinginan kami ni Jake.
Sila na yun. Nandito sila.
"Thank you po." Sagot ko at nagmamadaling pinaandar ni Jake ang kotse papunta sa puntod ng mama ni Zandro.

The Book Keeper (Completed)Where stories live. Discover now