Chapter 20

4.5K 213 3
                                    


"He needs to tell the police what happened to him."
I remember what Jake said after Janice left the hospital after she sees us.

Hindi ako pumasok ngayon. I give way to Jake na merong exam na kailangang ipasa. Ako lang mag-isa ngayon na nagbabantay kay Zandro. After ng nangyari kahapon, Jake and I made sure na merong kasama si Z sa kwarto 24 hours.

Inaabangan ko na mag-update ang libro pero hanggang ngayon wala. Nakatitig ako sa blangkong pahina.

"Caroline..." I heard Zandro's weak voice.
Binaba ko ang libro sa bakanteng kama at pinuntahan si Zandro.
"Bakit nandito ka?" mahinang tanong nito.
"Binabantayan kita. Teka tawagin ko ang nurse." Iniwan ko saglit si Zandro. Binuksan ko ang pintuan at nagdadalawang isip ako kung pupunta ako sa nurse station o sisigaw na lang ako sa hallway dahil sira ang nurse button nila sa kwarto.

Sakto naman may dumaang nurse sa tapat ko. Tinawag koi to at sinabing gising na si Z. Ayaw kong umalis ng kwarto at iwan siya. Bumalik ako sa tabi ni Zandro. Umupo ako sa upuan sa tabi ng kama niya.

"Bakit ang putla mo?" tanong ni Zandro.
"Stop asking me. Reserve your energy." Bumuntong hininga ako. Visible pa ang mga pasa sa mukha at katawan niya. But he looks much better now than the day we saw him at the cemetery.
He weakly smiles.
"Sorry I made you worried." Sabi nito.
"Worry will not cover what we felt. Please tell me magsasampa ka ng kaso."

Hindi kumibo si Zandro.

"Who did this to you?" I asked him. Umiling si Zandro.
"Ayaw kong madamay ka dito." He said.

Naputol ang sasabihin ko ng pumasok ang nurse kasama ang doctor. They check everything with Zandro. Tinanggal na din nila ang oxygen.

"Ano nararamdaman mo?" Tanong ng doctor sa kanya. He is checking Zandro's eyes.
"Masakit po buong katawan ko." Sagot ni Z.
"We will give you pain relievers later. Ingat lang sa paggalaw. You still have fractured rib although nafix na namin but still sasakit pa rin yan. Call us if you can't handle the pain. Kailangan na din bawasan ang pagpapatulog sayo so your body can start to heal naturally." Binilin ng doctor kay Zandro ang mga dapat niyang gawin. Tumango lang ito.
"You can eat porridge... and soft food. No heavy meal." Tumingin ang doctor sa akin.

"And you tell us kung nahihilo ka. Medyo maputla ka pa. Marami ang kinuha naming dugo sayo." The doctor told me. Tumango lang ako. Nakatingin sa akin si Zandro.

Pinaalala ulit ng doctor na tawagin namin ang nurse kung merong mararamdamang sakit si Z. Tumango ako at iniwan na nila kami.

"You saved me," Zandro said ng kami na lang dalawa.
"Mahirap hanapin ang dugo mo. Nagkataon lang na nasa hospital din ako kaya nagdonate na ako." I replied.
"You were there at the cemetery..." Sabi nito. Hindi ako kumibo.
"You called my name that's why they left. Kung hindi nila nadinig ang boses mo baka wala na ako dito."

Hindi pa rin ako kumibo. Pinipigilan kong huwag umiyak.

"Hindi ka dapat pumunta sa sementeryo na mag-isa." Sabi nito sa akin.
"Kasama ko si Jake," I replied.
"Ayaw kong madamay ka."
"Sinabi mo na yan." I replied. "Ayaw kong mapahamak ka. Kaya kung ayaw mo akong madamay gawan mo ng paraan. Idemanda mo ang gumawa sayo nito." Tumaas ang boses ko. Pinipigilan kong huwag tumulo ang mga luha na nasa likod na ng mga mata ko.
"Huwag mong hayaang gawin nila ulit sayo 'to." Dagdag ko pa.

Hindi kumibo si Zandro.

"Hinihintay ng mga pulis ang statement mo." I told him.
Iniwan ko siya sa kama niya. Umupo ako sa bakanteng kama at hindi na ulit ako nagsalita. Kinakalma ko ang mga luhang gustong gustong kumawala.

"Thank you for saving me." He said after a while. Nakita ko siyang bumuntong hininga.
"Magpahinga ka Caroline. Baka ikaw naman ang salinan ng dugo sa sobrang putla mo."


I smiled secretly. Does he care for me?

The Book Keeper (Completed)Where stories live. Discover now