Chapter 29

4.3K 201 2
                                    


Binasa ko ang huling apat na page. Kinuwento ni Zandro sa daddy niya ang tungkol sa akin. Masaya silang dalawa hanggang maka-receive ng tawag ang daddy niya na merong problema sa site. Umuwi silang mag-ama. Nasa SLEX sila ng banggain ng itim na kotse at barilin si Zandro sa dibdib. Tanging si Zandro lang ang binaril ni Miguel.

Bumaba si Jake ng bus ng makitang sinasakay sa ambulance si Zandro at ang daddy nya.

"Wala ka ng magagawa." Sabi ni lola sa akin.
Hindi nakakibo kahit si Ms. Rose.

Dinala si Zandro sa pinakamalapit na hospital. Habang nasa gitna ng operasyon para tanggalin ang bala na tumama sa dibdib niya, binawian ng buhay si Zandro.

THE END

"No..." Parang wala ako sa sarili na sumisigaw. Binuksan ko ang bag ko at kinuha ang ballpen... Binura ko ang mga salitang THE END sa huling pahina...
"Hindi mo mabubura yan..." tuwang tuwa si lola sa mga nakikita niya.

Kusang nawawala ang mga tinta ng ballpen ko. Lumilinaw ang THE END.
"Tanging buhay ang makakabura sa mga salita na Ada." Humahalakhak na sabi ni lola.

Kung nakakamatay lang ang sama ng loob, baka namatay na ang matandang to. Tumayo ako at naghanap ng panulat. Kung buhay ang gusto ng Ada, buhay ang ibibigay ko sa kanya.

"Ms. Rose, kailangan ko ng panulat." Sambit ko.

Luminga linga si Ms. Rose at naghanap ng panulat. Lumapit si Ms. Rose sa mga naka display na mga sinaunang pluma. She gave me one, much to her grandmother's dismay.

Umupo ulit ako sa sahig, inabot ang cutter sa bag at hiniwa ang kaliwang braso ko, ang malapit sa pulso, para umagos ang dugo.

Napasinghap si Ms. Rose.

Sinawsaw ko ang pluma sa dugo na umaagos sa aking kamay at nagsimula akong magsulat. Sinulatan ko ng NOT ang unahan ng THE END.

NOT THE END.

"Hindi mo maaaring gawin yan." Sigaw ni lola.
"Huwag kang makialam lola." Pinigilan ni Ms. Rose ang matanda na makalapit sa akin.

Sa likuran ng cover ako nagsulat. Pinilit kong mag-isip sa kabila ng nagsisimula na akong mahilo.

Nasagip ng mga doctor sa kamatayan si Zandro. Unti-unti siyang nagkaroon ng pulso. Naalis ang bala sa kanyang dibdib at himalang walang maselang ugat na tinamaan. Mabubuhay siya. Mabubuhay siya ng matagl na matagal.

Madadakip si Miguel at si Janice. Mahahatulan sila ng pinakamabigat na parusa na kayang ipataw sa kanila.

Nahihilo na ako. Napalalim yata ang pagkakahiwa ko. Pinagpatuloy ko ang pagsusulat.

Babalik sa normal ang buhay ni Zandro.

Mabubuhay siya ng masaya. Makakagradute at magkakapamilya. Mabubuhay sila ni Caroline ng masaya... Tatanda silang magkasama. Kahit anong mangyayari, mamabuhay si Zandro, at magkakatuluyan sila ni Caroline. Kahit anong hadlang ang mangyari.

THE END.

Narinig kong tinawag ni Ms. Rose ang pangalan ko bago ako tuluyang nawalan ng malay.

Nagising ako sa boses ni daddy at mommy... Teka, nasaan ba ako? I tried to open my eyes. They are heavy but I must see them. Their voices hurting my head.

"Dad... Mom?" Garalgal ang boses ko at tuyong-tuyo.
"Carol..." Nag-aalalang si mommy.
"Bakit kayo nandito?"
"Naglaslas ka ng pulso mo. Ano ba ang iniisip mo?" Galit na tanong ni daddy.

Bumalik sa ala-ala ko ang mga nangyari. Pilit akong bumangon.

"Nasaan ang phone ko?" I asked.
"Magpahinga ka muna." Pilit akong hinihiga ni mommy.
"Kailangan kong tawagan ang kaibigan ko."
"Hindi. Magpahinga ka." Sagot ni daddy.

"Merong isang babae na dumadalaw dito. Kaibigan mo daw. Rose ang pangalan. Babalik na lang daw siya bukas ulit." My mom said. Sinusuklay niya ng kamay ang buhok ko.
"You were unconscious for 4 days, Carol. Natakot kami ng makareceive kami ng tawag galing kay Rose."

Four days akong walang malay?!... Ano na ang nagyari kay Zandro?

"And you will come with me as soon as the doctor discharges you in here." My dad retorted.
Napatingin ako sa daddy ko.
"I will not come with you. Hindi ko kasundo ang asawa mo." I told him. I look at my mom for help.
"Linda left me... So tayong dalawa na lang sa bahay." Napabuntong hininga si daddy.
"But..." I am trying to reason out. Pinigilan ako ni mommy.
"Carol... Hindi namin alam ang sitwasyon mo dito. Bumalik ka na sa daddy mo.

No... Zandro needs me... Nagsisimula pa lang kami. But I didn't say it out loud. My tears started to fall and I asked my parents to leave me for a while.

Hindi ko pa alam kung ano na ang nangyari kay Zandro... Ano ba kasalanan namin bakit pinaghihiwalay ninyo kami?!

The Book Keeper (Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt