Chapter 19

4.4K 224 7
                                    


"What is this book?" Jake asked.
"Libro ng Ada," I replied. Nakatitig si Jake sa akin. Waiting for me to elaborate.
"It's a book of life. Written by a Goddess... It's Zandro's life. On-going life actually dahil hindi pa nakasulat ang ending."

Kinuha ni Jake ang libro at binuklat.

"Walang nakasulat sa libro Carol." Binalik niya ang libro sa harapan ko.
"Hindi mo nakikita pero merong nakasulat." Nabuntong hininga ako ng hindi kumibo si Jake.
"Nakita mo di bang luminag nung isang araw yung libro?"
Tumango ito.

"Wala namang normal na libro na lumiliwanag eh." Naihilamos ko ang kamay ko sa mukha.
"I really don't know what's going on, Jake. All I know is I can read this book and I need to... save Zandro."

"Remember the time when I drag you to McDo?" I asked him.
Tumango si Jake.
"Miguel supposed to beat him at that time. Kaya nagmamadali akong bumaba noon. I need to interfere." Pagkukwento ko sa kanya.
"Jake I know it's kinda twisted... That in this modern world merong ganitong nangyayari. Merong ganitong aklat... But I can't save him alone. I need your help."

Hindi pa rin kumikibo si Jake.

"Teka lang Carol... Let me absorb all." Napabuga ng hangin si Jake.
"Ibig mong sabihin tuwing susulpot ka may mangyayaring hindi maganda kay Zandro?" Tanong nito.
"I am trying not to bring him harm," I replied.

"What will be the ending? Bakit kailangan mo siyang iligtas kung destiny nya ang mga mangyayari?"Tanong ulit ni Jake.
"Don't get me wrong Carol... I will save Zandro anytime. Pero bakit kailangan mo laging pigilan ang mangyayari?"

I felt my tears at the back of my eyes.

"He will die, Jake," I whispered but Jake heard it.
Napatulala siya.

"I need to save him. I want to save him that's why I always interfere. Ako lang ang nakakbasa ng libro maliban sa mga taga-bantay..." I desperately told him.

Nasapo ni Jake ang ulo niya.

"Bakit hindi mo sabihin kay Zandro lahat ng mga sinabi mo sa akin? Mas madali siguro kung alam nya ang mga nangyayari..." May halong galit ang pagkakabitaw ni Jake.
Umilign ako.
"Hindi niya pwedeng malaman ang tungkol sa libro. He will die if he knew... at hindi ko siya maliligtas doon." I replied.

Natahimik kaming dalawa ni Jake. Alam kong mahirap intindihin ang mga sinabi ko. Pero umaasa akong tutulungan nya ako.


"Lumiliwanag ang libro mo." Jake said after a while.
Binuklat ko ang libro kung saan lumulutang ang mga bagong update ng libro.

Hindi nagustuhan ni Janice na umalis si Robert ng opisina at pumunta ng ospital.
Sinisisi nito ang anak na si Miguel kung bakit hindi nila nailigpit si Zandro.


"Ano ang sabi?" tanong ni Jake sa akin. Tumabi ito sa akin para makita kung ano ang nakasulat sa libro kahit wala siyang nakikita sa mga pahina.

"Sinisisi ni Janice si Miguel kung bakit buhay pa si Zandro. Gusto talaga nilang...mawala si Z." I whispered to him.

Naisipan ni Janice na puntahan si Zandro sa ospital. Itataon niyang wala na si Robert at mag-isa si Zandro sa silid.

"Pupunta daw dito si Janice. Hihintayin niyang makauwi si Tito Robert at mag-isa si Zandro sa kwarto." I told him.
"Tara bumalik na tayo sa kwarto ni Z." Yaya ni Jake.

Nagmamadali kaming bumalik sa hospital. Hindi na namin naabutan si Tito Robert sa kwarto. Mag-isa si Z ng makarating kami sa kwarto niya.

Naupo ako sa bed na bakante sa tabi ni Zandro. Si Jake naman umupo sa upuan sa tabi ng kama ni Z.

Hinintay ni Janice na makasakay ng kotse si Robert bago siya lumabas ng sariling kotse.

"Nasa baba siya." I told Jake while reading the book. Tumango siya at umupo ng maayos.

Dumaan si Janice sa fire exit para hindi siya makita ng mga tao at makaligtas sa mga CCTV.

"Sa fire exit dumaan si Janice para hindi makita ng CCTV." I told Jake. Nagtagis ang bagang nito.

Bumukas ang pintuan at ang likuran ni Janice ang una naming nakita. Nakatingin ito sa labas at patagilid pumasok sa kwarto ni Zandro. Naka jeans ito at cap. Tago ang mukha nito. Nagulat pa siya ng makita kami ni Jake na nakatingin sa kanya.

"Ah...eh... nandito pala kayo." Sabi nito.
"Wala po kaming pasok kaya binabantayan namin si Z." sagot ni Jake.
"Wala ba si Robert?" tanong ulit nito.
"Kakaalis lang po. hindi niyo po ba nakasalubong sa lift?" I asked back.
Alanganin itong ngumiti. "Sige mauna na ako."

Nagmamadali itong lumabas ng kwarto ni Z.
Nagkatinginan kami ni Jake. Pareho ang nasa isip namin pero hindi kami nagsalita.

This is really getting bad.

The Book Keeper (Completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن