Chapter 9

6.1K 270 3
                                    


Natingin ako sa table ni Ms. Rose but she's not there... Saan kaya siya ang punta?

"Sure... About what?" Tinago ko sa bulsa ng blazer ko ang nanginginig kong mga kamay.
"Stuff." He replied. Tumango siya para ituro ang pinakamalayong table sa library.

Pinauna niya akong umupo bago siya sumunod. Nakakunot pa rin ang noo nito.

"In-born ba sayo ang nakakunot ang noo?" walang prenong tanong ko. Natakip ko ang kamay ko sa bibig ko. This is too embarrassing. Umiling si Zandro.
"Have we met before?" tanong nito. It's my time to shake my head.
"No... I'm not from UST." Sagot ko.
"Parang nakita na kita somewhere. Hindi ko lang maalala kung saan." He said.

Bigla akong kinabahan. This twisted fate is making fun of me.

I laugh nervously. "Baka nagawi ka sa La Salle. O kaya sa UAAP?!"
Hindi naman ako nanonood ng UAAP.
"Sa La Salle ka pala." Napasandal ito sa upuan saka nagbuntong hininga.

"Thank you nga pala kahapon. You saved us from hunger." Ngumiti ito, and oh Lord, nakalimutan ko yatang huminga.
"You're welcome," I replied.

Sobrang tahimik... Nadidinig niya kaya ang tibok ng puso ko? Nabibingi ako sa sobrang lakas nito.

"Caroline... ummm, gusto mong kumain? Hindi pa ako nag-aalmusal eh."

Hindi maaring maging parte ka ng buhay niya.
Parang tukso na paulit-ulit naglalaro sa isip ko ang boses ng matanda.

Napatingin ako sa relo ko. Past 9 o'clock.

"Tara, hindi pa rin ako kumakain. Saan mo gusto?" Tumayo ako at pinagpagan kunwari ang pantalon ko kahit wala naming dumi.

Ano ba mangyayari kung magiging parte ako ng buhay niya? Hindi naman tapos ang kwento sa libro... Pwede pang baguhin ang mga susunod na chapter. I am a firm believer that my destiny is in my hands.
Magalit ba si lola, hindi ako susunod sa kanya.

Tumayo na rin si Zandro. Ang tangkad pala talaga niya. Hanggang balikat lang ako.

"Carol, aalis ka na?" tanong ni Ms. Rose ng madaan ako sa lugar niya. Ngumiti ito ng makita si Zandro.
"Yes Ms. Rose. Balik na lang ako sa susunod na araw." I replied.
Inabutan ako ng calling card ni Ms. Rose.
"My mobile phone is in there. Send me your number. Update kita kung merong... bago na mga libro." She said to me but I know she didn't mean the novels I usually read.
"Thank you, Ms. Rose." I smiled at her. Feeling ko kakampi ko si Ms. Rose.
"Sige po." paalam ni Zandro.
"Bye Zandro." Wala sa loob na sagot ni Ms. Rose.

Napahinto si Zandro.
"Kilala nyo po ako?" Nagtatakang tanong nito.
"Ah... nabanggit ka lang ni Carol kanina." Nakangiting sagot ni Ms. Rose.
Tumango si Zandro at inaya na akong lumabas ng library.

Kala ko mabubuko na kami ni Ms. Rose. Ano kaya iisipin ni Zandro, pinagchichismisan namin siya. Kakahiya.

"Nandun kotse ko." Tinuro ko ang parking area. Sumunod naman sa akin si Zandro. Tahimik lang ito. Paano ko ba ito kakausapin? Hahaha... shit, I'm lacking of social skills.

"Crowded ba ang LRT kanina?" tanong ko kay Zandro.
"Bakit mo alam na nag LRT ako?" balik tanong nito.
Napahinto ako... Shit... Shit...
"Wild guess lang. Nagjeep ka ba?"
"Hindi." Simpleng sagot nito pero kumunot ang noo.

Nagmamadali akong pumunta sa parking. Nagmukhang pagong ang kotse ko sa tangkad ni Zandro.

"Ang liit ng kotse mo." Puna nito ng maiadjust niya ang upuan sa passenger seat. Parang naging crowded sa loob.
"Maliit lang naman akong tao." I replied. "Saan tayo?"
"Mall of Asia." Sagot nito. "If you don't mind."
"Okay sure." Sagot ko.

Zandro is looking at Manila Bay while we were passing the Baywalk. Ano kaya ang iniisip nito?

"Ano course mo?" Tanong ko kay Zandro. As if hindi ko alam.
"Archi. Ikaw?"
"BA. Lit" I replied.
"So you really like books." He commented.
Nangiti ako. "Yup. Lagi lang ako nasa Library."
"Madali ka pa lang hanapin." He joked. Shit, nakangiti na naman siya. Mababangga tayo sinasabi ko sayo.

Nakarating kami sa Pancake House. Tinanong ako ni Zandro kung ano ang gusto ko at siya na ang pumila.

"No Caroline, sagot ko na. Ikaw na ang nagdrive papunta dito eh." Tanggi nito ng iabot ko ang ambag ko para sa food. "And besides, it's my turn to feed you. Upo ka na lang."

Hala... Caroline... Shit, why I am so kilig.

Ang lawak ng ngiti ko ng umupo ako sa table na napili ko. Nakatanaw ako sa counter habang umoorder si Zandro.


"Carol? OMG... lumalabas ka pala ng library!" Napatingin ako sa nagsalita. It wasRio. Bakit sa laki ng MOA nagkita pa talaga kami.
"Hi, Rio," I replied. Umalis ka na... Huwag mong sirain ang araw ko.
"Bakit ka kumakaing mag-isa dito? Sa bagay, wala ka nga palang family dito saPhilippines." May panglalait ang pagkakatanong niya.

Hindi ko napansin si Zandro na nakalapit na pala sa table. Binaba niya ang trayna hawk niya saka umupo sa tabi upuan sa tabi ko.

"She is not alone. Actually, she's with me." Sagot ni Zandro na napatulalang siRio.
I rolled my eyes on her. Topic na naman ako nito sa klase.
"Z Consunji?" Hindi makapaniwala si Rio kung sino ang kasama ko.
"Yeah. Sorry, would you mind if you find another table? May pag-uusapan kasi kami ni Caroline. Thank you." Pagdidismiss ni Zandro kay Rio. Tumango si Rio at naglakad palabas ng Pancake house. Nakakunot ang noo nitong nakatingin sa akin hanggang sa makaalis ito.

Hindi ko napigilan mabungisngis pagkaalis ni Rio.

"Isa sa mean girls?" Tanong niya sa akin.
"Yup. Nakakapagtaka lang na kilala ka niya." Hiniwa ko ang pancake saka sumubo.
"Ikaw lang ang hindi nakakakilala sa akin sa totoo lang." He replied.

I rolled my eyes on him. Damn, but he is really adorable.

The Book Keeper (Completed)Where stories live. Discover now