Chapter 27

4.5K 219 3
                                    


Nauna akong lumabas ng UST campus kay Jake. May dadaanan pa daw siya kaya naghiwalay kami paglabas namin ng library. Kumaway ako sa guard palabas ng gate at dumeretso papunta sa condo. Mas mabuti sigurong hindi muna ako pumasok total meron naman akong medical certificate galing sa clinic. Gusto ko munang magpahinga. Mag-regroup kung baga.

Kakaunti na lang ang nakatambay sa reception area ng condo. Halos wala na nga tao dahil nagsipasok na ang mga student. Naisipan kong dumaan sa mailbox ko. Malapit iyon sa reception area pero halos hindi nila tanaw dahil palabas iyon sa parking.

Walang tao sa parking maliban sa kotse ko at sa isang kotse na itim na nakapark. Hindi ko pinansin ang taong papalabas ng kotse. Binuksan ko ang mailbox ko at sinilip kung meron akong bills na kailangan bayaran...
Tumalikod ako pagkasara ng mailbox. Halos malapit na ako sa reception area ng meron sumakal sa akin galing sa likuran.

Nagpupumiglas ako pero malakas ang nakasakal sa akin. Mas matangkad...


"Hindi ko alam kung ano ang meron ka pero lagi kang hadlang sa mga plano ko." Bulong ng taong balak akong patayin... Nanayo ang balahibo ko sa leeg. Si Miguel... Nagdidilim na ang paningin ko. Hindi ako makahinga. Nakarinig ako ng pito... At biglang nawala ang brasong nakasakal sa akin.

Nanlalambot akong napaupo. Hinahabol ang paghinga.

"Ma'am... okay lang kayo?" Tanong ni Manong Guard. Hindi ako makapagsalita.
Pinaypayan ako ni Manong... Hindi ko alam kung makakatulong ang pagpaypay niya. Nilapit din ako ng Receptionist. Tinulungan akong tumayo at inakay papunta sa isang upuan.

Naabutan ako ni Jake at Zandro na pinapaypayan ni Manong.

"Caroline...Ano nangyari?" Nag-aalalang tanong ni Zandro.
"Sir... May tao kaninang sumasakal kay Ma'am. Hindi ko nahabol kasi inalalayan ko si Ma'am. Hindi na makahinga kanina." Sagot ng guard.
"Ha? Di ba dapat secure kami dito..." Nagtaas ng boses si Jake.
Inabot ko ang braso ni Jake. Zandro is making circles at my back...
"Tama na..." I said to Jake. "I'm fine."

Iniwan na kami ng receptionist at bumalik na ito sa pwesto niya.

"Salamat po Manong. Akyat na lang po kami sa unit namin." I smiled weakly.

"Kilala mo ba ang umatake sayo?" Tanong ni Zandro pagpasok namin sa unit ko.
"Si Miguel," I replied. Nagtagis ang mga bagang ni Zandro.
"Bakit ikaw ang sasaktan niya?" Jake asked.
Nagkibit balikat ako. Lahat na lang hadlang... Mula sa ninuno namin, hanggang ngayon, walang happy ending.


"Caroline..."
Tumingin ako sa nag-aalalang mukha ni Zandro.
"Mag-iingat ka." He said. He presses his forehead to mine and I inhale his scent.
"Hello, lovebirds...Nandito ako..." Zandro and I smiled when we heard Jake.
"Kayo na ba?" Usisa ni Jake.
Medyo nanlaki ang mata ko. Nakalimutan ko pansamantala si Miguel.
"Dami mong alam." Sagot ni Zandro.
"Gago ka... Pagkatapos mong magselos sa akin... may pagbabanta ka pang nalalaman ulol... tapos hindi pa rin kayo?"

Nagselos si Zandro kay Jake?

"Mabilis pa ang pagong sayo, Z." Pahabol ni Jake saka lumabas ng unit ko at iniwan kami ni Zandro.

Pinipigilan kong huwag ngumiti habang nakatingin sa pintuan. Pero ang hirap lalo na kapag kilig na kilig ka.

"What was that?" I murmured.
Zandro squat in front of me so we are eye to eye. He inhales deeply...
"This is not the way I imagine I will tell you this... gagong Jake yun binuko ako." He said. Hindi ako kumibo.
"I like you, Caroline... No Scratch that... I fell in love with you... This is new to me. I never felt this way before. And it scares me. But I am sure you are special, that I care for you. That you are everything to me."
Surely... there is no other way to erase those bad things that happened to me earlier than this.
I clear my throat. "Magagalit na naman sa akin si Rio nito." I tried to lighten the mood.
I saw him smile.
"So... Does my feelings will be reciprocated?" Tanong ni Zandro.
"I am not good with words, so..." I nod at him. Kinikilig ako kaya hindi akomakapagsalita...
"For a lady who's always reading a romance novel, you surely know how to answer me..." He kissed my forehead.
"I'm a woman of few words."
He chuckled. "You surely is."
He hugged me. "Love you."
"Love you," I whispered. And I heard him exhale... and hugged me tightly.
"Mag-iingat ka Caroline. I hate this feeling that I can't protect you in your school."
And I hate this feeling that I can't protect your life... I thought.     

The Book Keeper (Completed)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin