Chapter 21

4.6K 244 16
                                    


Nagtago si Miguel at ang mga kasama nito ng magbigay si Zandro ng statement sa mga pulis. Hindi ito ikinatuwa ni Janice. Pinalayas ito ng daddy ni Zandro kasabay ng paglabas ng warrant of arrest kay Miguel.

"Wala bang clue kung nasaan si Miguel? Wala bang sinasabi ang libro mo?" Jake is pacing up and down inside his unit.
"Wala eh. Ang tagal na nga hindi nag-uupdate. Buhat ng lumabas ng hospital si Zandro." I replied.
"Baka iyon na ang ending." Sabi nito.
Umiling ako. "Meron pang ilang page na bakante. Saka walang nakalagay na THE END."

"Hindi ako komportable na umuwi na si Z sa kanila." Sabi ni Jake.
"Ako din naman. Kaya lang wala naman tayo magagawa. Wala naman na sa bahay nila si Janice." I replied.

Natigil kung ano man ang sasabihin ni Jake ng bumukas ang pintuan at pumasok si Zandro.
My heart skip when I saw his face. Pero nakakunot na naman ang noo nito.

"Am I interrupting something?" Tanong nito.
"Wala. Nag-uusap lang kami ni Carol." Sagot ni Jake.
"Kailan pa kayo naging close?" tanong ni Zandro.
"Buhat ng nahospital ka." Sarcastic na sagot ni Jake.

Hindi kumibo si Zandro. Ang awkward.

"Balik na ako sa kwarto ko." Kinuha ko ang bag ko saka tumayo.
"Kadadating ko lang, aalis ka na agad." Sabi ni Zandro. Nahinto ako sa paghakbang.
"Anong problema mo tol? Ang sungit mo ah." Puna ni Jake.
Umiling si Zandro.
"Sige Caroline..." Tumango ito sa akin.
"Sige... Sige Jake... Text-text na lang." I said and went back to my room.


Hindi naman ako mapakali sa kwarto ko so I decided to go to National Library and talk to Ms. Rose. Nag-aayos ako ng sarili ko ng makarinig ako ng sigawan sa kabilang kwarto.

Nag-aaway ba si Jake at Zandro?

Kinuha ko ang bag ko, susi ni Wanda at nagsuot ng sapatos. Lumabas ako ng kwato at nilock ang pintuan ng bumukas ang pintuan ng kwarto ni Jake at lumabas si Zandro.

Nagulat ako dahil binalibag nito pasarado ang pintuan.

"Saan ka pupunta?" tanong nito na mataas pa rin ang boses.
Nataas ko ang dalawang kamay ko. "Hindi ako kalaban."
Napapikit ito at huminga ng malalim. "Sorry..."
Ano ba ang nangyayari sa magkaibigan na ito?

"Saan ka pupunta?" tanong ulit ni Zandro ng mas mahinahon.
"Sa National Library...sana" I replied slowly.
Huminga ulit si Zandro ng malalim...
"Samahan na kita."
"Ay...hindi na. Okay lang ako." Tanggi ko.
"Gusto mong isama si Jake?"
"Hindi ah...shit...Bahala ka nga. Sumama ka kung gusto mo." Nauna akong maglakad papunta sa elevator.

Hindi kami nagkibuan hanggang sa makarating kami sa Parking. Nilahad nito ang kamay sa akin.
"Susi?"
I rolled my eyes and gave her my car keys.

Habang nasa daan kami, tumunog ang cellphone ko at pangalan ni Jake ang nag-appear.

"Umm... Jake bakit?" bungad ko sa phone. Napapreno si Zandro bigla. Napahawak ako sa dashboard.
"Kasama mo ba si Zandro?" tanong nito. Tiningnan ko si Zandro na nakakunot ang noo sa daan.
"Oo.. Gusto mo bang kausapin?"
"Hindi. Tinanong ko lang. Pakainin mo ng mawala ang init ng ulo." Sabi nito saka pinatay ang phone.

"Ang weird nyong dalawa." I murmured.
"Ano kailangan nya?" Tanong ni Z.
"Pakainin daw kita para mawala ang init ng ulo mo." I replied.
Zandro smirked but didn't say anything.

"Nag-away ba kayo?" Tanong ko. 

"Hindi." Sagot nito.

"So nagkukwentuhan lang kayo ng malakas kanina? Dinig sa kwarto ko ang sigawan nyo." 

Hindi na naman sumagot si Zandro.

"Ah... ang weird nyo talaga ngayon." Sumandal ako sa upuan at hindi na ulit nagtanong pa.

Saka lang nagsink in sa utak ko. Shit...kasama ko si Zandro... Alone sa loob ng kotse...Sana traffic papuntang National Library.

"Bakit ka nangingiti?"
I clear my throat before I speak.
"May naalala lang ako."

"Care to share?"
Umiling ako... "Wala lang. Magdrive ka lang diyan."

Nakarating kami sa National Library ng sobrang bagal dahil sa traffic. Hindi na namin naabutan si Ms. Rose kaya pumunta na lang kami sa mall para kumain. After that, nag-aya na din siyang ihatid ako sa condo.

"Caroline, pwede bang makitext?" Zandro said while he is driving me home.
"Sure..." Nilabas ko ang phone ko galing sa bag.
"Ikaw na magtext sabihin mo... K"
"K... As in letter K?"
Tumango si Zandro.
"Ano ang number?" Tanong ko.
He recited the number and I send the message.

"Lock your door Caroline." Paalala ni Zandro bago ako umakyat sa floor ko. Iniwan ko siya sa parking level.

Nagbabaka sakali akong may update ang libro kaya binuklat koi to at nanghinayang ng wala man lang bagong nakasulat. Gusto kong maintindihan ang nangyari kanina. Bakit nagkasigawan si Jake at Zandro?

Maaga pa pero nakahiga na ako sa kama. Nakatitig sa kisame at binabalikan ang mga oras na kasama si Zandro ng makareceive ako ng text message.


Nasa bahay na ako. Lock your door.
-Sent by Zandro

Napanganga ako ng mabasa ko ang message. It's the same number that I texted earlier for him.
I type a reply...

Did you just ask me to msg your number just to know my number?
-Sent by Caroline


Goodnight Caroline. Lock your door.
-Sent by Zandro


Isang impit na tili ang kumawala sa akin. Sa lahat ng nangyaring masama ng nagdaang araw... I deserve this kind of feeling. Damn... that was a smooth move.


The Book Keeper (Completed)Where stories live. Discover now