Chapter 32: Graduation Ball

5 0 0
                                    

Chapter 32: Graduation Ball

[ Zhaila Esguerra POV ]


Tinignan ko ang sarili ko sa salamin ng matapos ko ng isuot yung long gown na binili ko sa mall. Today is our Grad. Ball. I don't know kung dapat ba akong maexcite o ano. It's our last event before our graduation yet Im not happy? Dahil ba magtatapos na kami and may possibility na magkakahiwa-hiwalay na kami ng mga kaibigan ko? Pero yung mga kaibigan ko lang ba ang magkakahiwalay? O baka pati na din kami ni Jamil? Hays, ewan ko ba hanggang ngayon nagdududa pa din ako sa sinabi niya na Ate niya daw nagpagawa dun sa necklace sa Mall.


Pero kung sa Ate niya talaga yun bakit sa kanya nakapangalan? Shet Zhai!! Bakit ngayon mo lang naisip to?!


No! No! Nagooverthink na naman ako e.


Napatingin naman ako ng magvibrate yung phone ko.


----
1 message received

From: Dhie

See u sa grad ball mhie. Ingat ka!

----



One thing na alam kong may nagbabago na sa relationship namin. Wala ng 'I love you' sa mga text message. Hinayaan ko nalang yun at hindi na muna din siya nireplyan.

Kinuha ko naman yung maliit na box na nasa side table ko, na kung saan nandun yung ring na binili ko for Jamil. Napag-isipan ko kasi na ring nalang wag na necklace. Isa pa, para magamit ko na din sa propasal.

Yes, ako na magpopropose sa kanya. I know pangit tignan kase ako ang babae. But the hell I care! May gender equality na ngayon. Tsaka kung mahal mo talaga ang isang tao gagawin mo ang lahat para sa kanya. That's why Im doing this, kase mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya. And I can't live without him, because he's my life. He's my life.


Napatingin naman ako sa pinto ng kwarto ko ng bumukas ito.


"Zhai let's go! Ikaw nalang hinihintay sa baba." sabi ni Janelle na naka pink kong gown. Kaya naman kinuha ko na yung silver bag ko din tsaka na bumaba.


"Wow Zhai. Ikaw na naka silver! Pak!" pang-aasar naman ni Den na naka red long gown naman. Si Arcie naman nginitian niya ako, she's wearing a black backless long gown.

"Let's go girls!" sabi ni Arcie kaya naman lumabas na kami at sumakay sa Van. Nagdrive naman yung family driver nina Den. Syempre mga princess muna kami ngayon kaya dapat may driver. Yung mga boys naman nasa venue na dun nalang daw kami magkikita kita.


Pagkadating namin sa venue which is sa Arquiza Elite Hotel din kung saan ginanap nun yung Acquiantance party namin, at kung saan dito bumalik si Gab at nangyari ang unang paghihiwalay namin ni Jamil. Napailing nalang ako ng maalala yun.

"Are you okay?" tanong ni Arcie. Tumango lang naman ako.

Bumaba na kami sa van atsaka na lumakad sa napakahabang red carpet. Flash ng camera lahat nalang ang nakita ko. After picture taking bumukas na yung napakalaking pinto. Medyo nakakahiya lang kasi ang dami ng tao sa loob tapos halos nagtinginan sila sa amin ng pumasok kami.

"Ganda talaga natin. Tulala na naman sila." bulong naman ni Janelle.

"Don't state the obvious bebe." sabi ko naman sa kanya.

Kumaway naman si Brace kaya naman pumunta na kami kung nasaang table sila. Complete na dim silang apat. And I must say, masyado nilang pinaghandaan itong Grad Ball because they all look so handsome.

When Your Past Love Haunts YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon