Chapter 15: Hanggang dito nalang ~

2 0 0
                                    


Jamil Arquiza on the multimedia :>

Chapter 15: Hanggang dito nalang ~

[ Jamil Arquiza POV ]


Uwian na. Papunta na ako ng gymnasium dahil may practice ulit kami ngayon nang biglang si Den lumapit sa akin habang hinihingal.

"Oh napano ka?" tanong ko dito.

"Pumasok ba si Zhai sa class nyo?" tanong nito.

"Hindi. Bakit?" tanong ko dito. Hindi naman kasi pumasok si Zhai ngayon e. Napano kaya yun?

"Magmula kagabi hindi pa siya umuuwi sa house namin. Tumawag din ako sa bahay nila at wala rin siya dun. Hindi rin siya sumipot sa practice namin ng cheerdance. Nag-aalala na ako sa kanya Jam." nag-aalalang sabi ni Den.

"Tara na hanapin na natin si Zhaila." agad naman kaming pumunta ni Den sa gymnasium dahil nandun ang mga kasama namin.

"Ano nahanap nyo na ba?" tanong ni Arcie.

"Hindi parin e." sagot ni Den.

"Let's go. Hanapin na natin siya." sabi ko naman.

"Wait. Si Zhaila ayan na." sabi ni Joaquin at itinuro ang babaeng papasok sa gymnasium. She's wearing all black. Even her lipstick color black. No. What happened Zhai?

"So. Hinahanap niyo daw ako." sabi nito.

"Ghad. Zhai san ka ba pumunta?!" nag-aalalang tanong ni Janelle.

"Nagattend lang ako ng party. Im sorry guys, pinagalala ko pa kayo." sabi nito tsaka umupo sa bench.

"Zhai let's talk." sabi ko sa kanya ngunit dinedma niya lang ako.

"Den tara na practice na tayo." sabi nito tsaka na pumunta sa stage sinundan naman siya nina Arcie and Janelle.

"Look what have you done Jam! Dahil sa pakikipagbreak mo sa kanya binago niya ang sarili niya. Ang selfish mo Jam! Sarili mo lang ang iniisip mo!" galit na sabi sa akin ni Den.

"Den. Siya ang may kasalanan. Hindi niya sinabi sa akin ang totoo." pagdedepensa ko. Yeah I know may kasalanan ako, pero pati naman si Zhaila e. Pareho lang kami!

"Pero hindi mo siya pinakinggan! She choose you over Gab! Nung acquiantance party na yun na nasa cr siya whole time umiiyak lang siya dahil nga bumalik na si Gab. But then you know what, si Zhai gagawin ang lahat wag lang masira ang relasyon niyo. Thats why siguro that night pumayag siyang isayaw siya ni Gab so they can talk about that matter. Pero anong ginawa mo? Agad break! Ang kitid kasi ng utak mo e. She's explaining kasi ayaw ka niyang mawala sa kanya but then hindi mo siya pinakinggan. Oo jam nasaktan ka. Pero mas nasaktan si Zhaila sa nangyari sa inyo. Kung alam mo lang gabi gabi ka niyang iniiyakan! Kaso she doesn't deserve you. Besides may iba ka na diba! Agad agad may iba ka na!" sigaw ni Den sa akin.

"Hindi lang ako ang may iba pati siya Den. I saw her with Gab sa soccer field and they were kissing. Ngayon Den! Masisisi mo ba ako kung bakit hindi ko magawa na balikan siya?! She cheated on me Den. She CHEATED ON ME!" sinampal naman ako ni Den ng dahil sa sinabi ko.

"Den stop." awat ni Brace sa kanya.

"No Brace. Kailangan itong marinig ni Jam para matauhan siya." sabi niya at muli akong hinarap.

"Alam mong hindi kayang gawin yan ni Zhaila sayo. And that kiss? Gab insisted that. Gustong makipagbalikan ni Gab sa kanya but Zhaila refused it at mas pinili ka parin niya kahit na sinaktan mo na siya." sabi pa nito.

When Your Past Love Haunts YouWhere stories live. Discover now