Chapter 27: Mr & Ms AU ~

1 0 0
                                    


Chapter 27: Mr & Ms AU ~

[ Brace Arquiza POV ]

Nang dahil sa sinabi niya magdamag akong hindi nakatulog.

"Hindi ito huminto... para mahalin siya."

"Hindi ito huminto... para mahalin siya."

"Hindi ito huminto... para mahalin siya."

Aish! Ang swerte naman ni Jundale. Dahil mahal siya ng mahal ko. Mahal siya ni Den.

Ang sakit sakit pa din. At sa sobrang sakit hanggang ngayon hindi ko parin matanggap ang lahat.

Hindi ko matanggap na wala na sa akin si Den.

Ang hirap pala talaga.

Ang hirap mahalin ng taong hindi pa tapos magmahal ng iba. Dahil kahit anong gawin mo. Hindi mo mapalitan yung nauna sayo.

How I wish na mas nauna nalang akong dumating sa buhay niya.

---

"Hoy. Insan gising ka na. Kakain na tayo." badtrip na Jam. Ang aga-aga nambubulabog!

"Aish! Maya na ako kakain." sabi ko at pinatong ang unan sa mukha ko.

"Hindi kami kakain ng wala ka. Kaya pwede ba tumayo kana diyan para makakain na tayo. Sa taba mong yan para kang lantang gulay!" pang-aasar niya. Binato ko nga ng unan.

"Hindi ako mataba! Gwapo ako! GWAPO!" sigaw ko sa kanya.

"Aish. Tara na!" sabi niya tsaka niya ako hinila palabas ng kwarto. Lahat nga sila nandun na at hinihintay ako.

"Buti naman nagising ka na! Gutom na kami e. Lalo na ako!" reklamo ni Joaquin.

"PG!" pang-aasar ko. Siya naman binalewala lang ako.

"Oy Brace. Ang lusog ng eyebags mo ha! Natutulog ka pa ba?" tanong ni Nash

"Inaalagaan ko talaga yan. Wag kang ano dyan!" sagot ko naman.

"Alagaan mo nga sarili mo Brace." sermon naman ni Arcie.

"Oo nga Brace. Nangangayayat ka na e." sabi naman ni Zhaila. Si Den? Ayun tahimik lang habang kumakain.

"Okay lang ako. Ang OA nyo naman. Hindi ba pweding nagdiet lang ako para sa pageant?" pagbibiro ko. Ganito naman mga tao diba? Pag may problema daanin nalang sa biro ng makalimutan kung ano man ang problemang meron ka. Aish!

Kasalukuyan kaming kumakain ng may biglang kumatok sa pintuan.

"Ako na magbubukas." sabi ni Nash tsaka na siya tumayo at binuksan ang pinto.

"Oh Shar!" dinig ko pang sabi ni Nash then I saw Sharlene beside him.

"Hello guys." sabi ni Shar sa amin tsaka niya kami nilapitan.

"What brings you here?" mataray na tanong ni Arcie. Sus. Selos ang popcola ni Nashie. 😂

"Arcie." saway sa kanya ni Den.

"May naghahanap kasi sa inyo. Sinamahan ko lang siya dito." sabi ni Shar.

"Sino yung naghahanap sa amin?" tanong ko. Kasabay naman nito ang pagpasok ng isang lalaki.

"Jundale!" gulat na sabi ni Den. Oh! Si Jundale niya pala. Tsk!

"Hello bibeh." sabi ni Jundale tsaka niya nilapitan si Den at niyakap ito.

When Your Past Love Haunts YouOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz