Chapter 30: Changes ~

2 0 0
                                    


Chapter 30: Changes ~

[ Zhaila Esguerra POV ]

"Class! 3 days from now ay magaganap na ang last event before your graduation. And that is your Graduation Ball. Hollywood Style ang theme ng party. Hope to see ya all there and give the best shot of yourselves." sabi ng prof namin sa P.E bago siya lumabas ng room. Lahat naman naghiyawan ng dahil sa announcement. Even me, Im so excited na din kasi ilang months nalang gagraduate na kami.

Inayos ko naman yung bag ko tsaka na tumuloy sa department nina Jamil. Sakto naman kadating ko dun palabas na siya ng room nila.

"Hi dhie!" bati ko sa kanya tsaka siya niyakap. Medyo nagulat naman ako kasi kaagad siyang lumayo sa akin.


"Hmm dhie nasabi na ba sa inyo yung about sa Graduation Ball?" tanong ko sa kanya habang naglalakad kami papuntang cafeteria, nandun kasi mga kasama namin e.

"Oo sinabi kanina ng prof namin bago niya kami pinalabas." sagot niya medyo naweweirduhan lang ako kasi hindi naman ganito ito kapag nag-uusap kami. Hay, siguro pagod lang siya. Sa isang araw na pa naman ng anniversary namin tapos ganito siya.

Pagkadating namin sa cafeteria sina Den, Janelle, Brace and Joaquin lang ang nandun? Aba himala wala sina Nash at Arcie.

"Nasaan yung dalawa?" tanong ni Jamil.

"Si Nash hindi pumasok nilalagnat kase. Si Arcie naman umalis na may pupuntahan daw siya." sagot ni Joaquin na umiinom ng frappe.

"Ako na magoorder." sabi ko kay Jamil tsaka na pumunta sa counter. Nag-order nalang ako ng meal for 2 para mas tipid. May bibilhin kasi ako for Jamil para sa anniversary namin kaya poor muna ate nyo ngayon HAHAHA!

Bumalik na ako sa table namin kabigay ng order namin.

"Thanks." sabi lang ni Jamil. Ano ba yan wala man lang mhie?

Yung mga kasama naman namin ayun nagkukwentuhan. Samantalang kami ni Jamil hindi gaanong nagpapansinan. Aish!!

"Dhie may problema ba?!" hindi na ako nakatiis kaya naman tinanong ko na siya.

"Wala naman." sagot niya lang. Napatingin naman siya sa phone niya ng magvibrate ito.

"Sino yun?" tanong ko.

"Emergency sa bahay. Sige mhie I need to go!" sasama sana ako kaso kaagad na siyang umalis.

"Problema nun? Bakit umalis?" tanong ni Den.

"May emergency daw sa bahay nila." sagot ko naman.

"Oh bakit malungkot ka diyan?" tanong ni Janelle.

"Wala naman. May napapansin lang ako kay Jamil." sabi ko naman

"Ano naman yun?" tanong ni Brace.

"Ah wala naman. Nagooverthink lang siguro ako." sagot ko naman

"Ano nambababae ba siya?" nasamid naman ako dahik sa sinabi ni Joaquin. Inabutan naman ako ng tubig ni Den.

When Your Past Love Haunts YouWhere stories live. Discover now