Chapter 12: Acquiantance Party ( Part 1 )

2 0 0
                                    


Chapter 12: Acquiantance Party ( Part 1 )

[ Den Santos POV ]

Today is the day para sa one week na pinagpaguran namin. Dahil ngayon na ang acquiantance party namin. Kaya heto ako ngayon nag-aayos na. Exact 7pm kasi mag-uumpisa yung party. Eh 6pm na thats why nagmemake up na ako. Blush on here, eyebrows there, lipstick here, eyeliner there. And tadahh! Dyosa na ang kinalabasan lol.

After that kinuha ko na yung gown ko na blue. Syempre pareho kaming nakablue ni Brace :> By the way yung mga boys nga pala hindi kami susunduin. Hindi kasi kami nagpasundo e. Gusto kasi namin masurprise sila sa kagandahan namin. Mwhehehe.


Pagkatapos kong nag-ayos ay bumaba na ako. At nakita ko yung tatlo sa sala na hinihintay ako.

"Finally Den natapos ka din." sabi ni Janelle na nagreretouch.

"Retouch agad? Hindi pa nga tayo nakakaalis e." pang-aasar ko.

"Ikaw ba namang 30 minutes kaming naghintay dito. Tignan ko lang kung hindi sira make up mo!" asar na sabi naman nito.

"Asar mo'to!" sabi naman ni Arcie.

"Let's go na guys. Baka malate pa tayo. It's already 6:30." sabi naman ni Zhai at nauna ng lumabas.

Zhaila was wearing white cocktail dress, si Arcie naman white and red gown, while si Janelle naman ay black cocktail dress.

Paglabas namin sumalubong sa amin ang isang limousine na siyang maghahatid sa amin sa venue. Syempre kailangan bongga! Dyosa ata kame no. Kaya dapat limousine mga te! Yung tatlo naman ayun, tutok na tutok sa phone nila. For sure katext mga bf nila. Si Brace naman din nagtext kanina kaso hindi ko na nireplyan. Okay na yun magkikita din naman kami e. Ayaw ko namang sa lahat ng ginagawa ko sa buhay siya lagi kasama ko. Ayaw kong masanay na lagi siyang nandiyan. Baka dahil pag nasanay na ako dun naman kami magkasawaan. Tsaka mas maganda na din na namimiss namin ang isa't-isa para hindi agad magsawa. Diba?!

Pagdating namin sa venue ay agad na naming sinuot ang mga mask namin. Remember masquerade ang theme namin.

"Wow! You look all so perfect." bungad ni Joaquin sa amin, syempre we know their voice kahit na nakamask pa sila.

"Hi to my beautiful bee." bati pa nito kay Janelle at hinalikan ito sa cheeks.

Pinuntahan namin yung mga boys na kasama si Princes. Nasa iisang table lang kasi kami. Nung nagpaplan kasi kami we decided na maghanda ng vip seat para sa amin. Sayang pagod no! Kaya dapat sulitin na. Pagdating naman namin sa table namin yung tatlong boys nakanganga.

"Dhie isara mo nga yan. Baka pasukan ng lamok." pagbibiro ni Zhai kay Jamil.

"Whoa mhie. Ang ganda ganda mo talaga." sabi naman ni Jamil.

"I know Dhie." sabi naman ni Zhaila.

"Arcie popcola. You're the best. At dahil dyan selfie tayo." sabi naman ni Nash at ayun nagpicture na nga sila. Sa mga couples kasi sila yung para bang 'happy go lucky' nagbibiruan man sila madalas pero totoo yung relationship nila. Gets ba? Ah basta ganun intindihin nyo nalang.

"Whoa Den! Bagay sayo yang suot mo. At bagay talaga tayo." sabi naman ni Brace at tinuro pa ang suot. Eh kasi nga pareho kaming nakablue diba.

"Ganda mo Den Den." dagdag pa nito.

"Don't state the obvious Mr. Arquiza." sabi ko naman at umupo na sa tabi niya.

"Ah guys. I'll go ahead. Kailangan na ako sa stage e." sabi ni Princes at umalis na. Siya kasi yung emcee together nung isang lalaki na hindi ko alam kung sino basta transferee ata? Im not sure e.

When Your Past Love Haunts YouNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ