Chapter 3: Friends ~

7 0 0
                                    


Chapter 3: Friends ~

[ Den Santos POV ]


"Simple lang, kasi ayaw kong may nakikitang umiiyak na babae." para namang nabingi ako dun sa sinabi niya. Lalaki ba talaga itong kausap ko?

"Sana si Jundale ganyan din. Para hindi niya na ako iniwan." at ayun nang bigkasin ko palang ang pangalang Jundale, umiyak na naman ako. Tss such a cryin' baby.

"Shhh. Tahan na." sabi nung Brace at niyakap ako. I dont know pero hindi ko siya tinulak. Para bang I feel safe ng yakapin niya ako.

"Chansing ka lang e." natawa naman siya sa sinabi ko.

Bumitaw naman siya sa yakap at pinunasan ang luha ko gamit ang kamay niya.

"Please wag ka ng umiyak. Weakness ko kasi talaga pag may babae akong nakikitang umiiyak." sabi niya

"Sorry." sabi ko at pinilit ng wag umiyak.

"Ano bang nangyari sa inyo ng Ex boyfriend mo?" tanong niya

"Fiance." pagcocorrect ko sa kanya.

"Graduation namin ng highschool ng magpropose siya sa akin, masaya naman kami. Kaso one day bigla nalang siyang hindi nagparamdam without saying anything. At hanggang ngayon hindi na siya nagpakita pa." sabi ko. Ewan ko ba kung bakit din ako nagkukwento sa lalaking ito.

"May reason ang lahat kung bakit nangyari yan sayo. Its either may personal reason siya kaya ka niya iniwan or pwede ring hindi talaga kayo ang para sa isa't-isa." sabi niya naman

"Pero diba sana man lang nagpaalam siya para hindi ako nagmukhang tanga." sabi ko

"Malay mo ayaw ka lang niyang masaktan." sabi niya

"Eh nasaktan niya na ako e. Siguro kahit masasaktan ako sa dahilan niya mas matatanggap ko kasi sinabi niya sa akin. Hindi yung nawala nalang siya na parang bula." sabi ko

"Nasasabi mo lang yan ngayon kasi yun ang nangyari." sabi niya naman

"Ang unfair kasi ng life e. Sana nga character nalang si Jundale sa Pokemon Go eh, para naman kahit papaano mahanap ko na siya." sabi ko

"#Hugot101." natawa naman ako sa sinabi niya.

"Buti naman tumawa ka na." sabi niya

"Hahaha. Nakakatawa ka kasi e." sabi ko naman

"Ginawa mo pa akong clown." sabi niya

"Pero thank you Brace. Kasi kahit papaano gumaan yung pakiramdam ko." sabi ko at niyakap siya.

"Anytime Miss?" Ay, oo nga pala kanina pa kami nag-uusap pero hindi niya pa alam ang pangalan ko.

"By the way, Im Denise Santos. Den for short." pagpapakilala ko.

"Nice name. Bagay sa napakaganda mong mukha." sabi niya

"Hindi ko alam na bolero ka pala." natawa naman siya sa sinabi ko.

"So I think time na para sa second subject natin? Tara na?" sabi niya.

"Huh? What do you mean?" tanong ko.

"Classmate kita sa history. Nakita ko sa list yung name mo kanina. Kaya tara na." sabi niya at bumaba na kami sa rooftop habang hawak niya ang kamay ko. Opo. HHWW kami. ( Holding Hands While Walking )

When Your Past Love Haunts YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon