Chapter 31 : Sweet Lies

2 0 0
                                    


Chapter 31 : Sweet Lies

[ Zhaila Esguerra POV ]

Isang araw din akong nagstay sa amin, at ngayong umaga maaga akong nagising para umuwi sa bahay naming mga girls. Balak ko kasing magpatulong sa kanila para sa suprise ko kay Jamil. 4th year anniversary na kasi namin. And I want to fix this problem. Hindi kami matatapos ni Jam dahil lang dito. Ipaglalaban ko kung ano man ang meron kami.

Pagkadating ko dun nadatnan ko naman si Arcie na umiinom ng gatas habang nanunuod sa sala.

"Nasaan yung dalawa?" tanong ko.

"Natutulog pa. Umalis kasi sila kagabi." sagot ni Arcie.

"Ohh! Si Nash kamusta na?" tanong ko naman

"Okay lang naman siya. Napano ba siya?" nagulat naman ako sa sagot niya.

"Hindi mo ba alam na kaya hindi siya pumasok nung isang araw kasi nilalagnat siya." sabi ko naman

"Ah yun ba. Oo alam ko, okay na siya ngayon." medyo weird. What's happening? May problem din ba sila.

"Oh Zhaila nandito ka na!" sabi ng bagong gising na si Janelle tsaka niya ako niyakap.

"Dun! Magtoothbrush ka nga muna!" pang-aasar ko.

"Duh! Nagtoothbrush na ako no!" sabi naman nito at inamoy pa ang hininga niya. Eww! Gross talaga to minsan!

"Guys alis muna ako ha. Puntahan ko lang si Nash." paalam ni Arcie.

"Hindi mo ako tutulungan sa surprise for Jam?" I asked.

"Sorry may lakad kami ni Nash e." sabi pa niya

"Ah sige. I understand. Enjoy sa date!" sabi ko pa bago lumabas ng bahay si Arcie. Buti pa sila agad okay. Hay kami kaya ni Jamil?

"Uy anniversary nyo ni Jamil ngayon ha! Anong plano?" tanong ni Den na kagigising lang.

"I will ask him to marry me." sagot ko naman. Naibugha naman ni Janelle yung ininom niyang gatas.

"Are you insane?!" tanong ni Den.

"Shet Zhaila!! Iba ka din e. Lakas ng tama mo sa ulo!" sabi naman ni Janelle

"Girls. Im serious. Besides, four years na kami and then gagraduate na din tayo. Kasal nalang kulang sa amin e. Yun nalang." sabi ko naman. Pinag-isipan ko ito ng mabuti. At buo na ang desisyon ko.

"Kailan mo balak gawin yan?" tanong ni Den.

"Bukas sa graduation ball." sagot ko.

"Gender equality lang ang peg Zhaila. Hay nako, basta ako support nalang sa gusto mo." sabi naman ni Janelle.

"Thank you." sabi ko naman

"Hay nako uunahan mo pa ata akong ikasal." pagbibiro naman ni Den.

After that kumain na kami ng almusal. Pagkatapos naming kumain nagpaalam muna ako sa kanila para bumili ng gown na isusuot ko bukas ng gabi. At para na din bumili ng gift for Jamil.

Pumunta naman ako sa isang sikat na boutique dito sa Mall. Pinili ko naman yung silver na long gown na backless. After nun pumunta ako sa isang jewelry shop atsaka pumili ng isang kwintas for Jamil. Pero since wala akong magustuhan I decided na magpapersonalize nalang. Medyo mahal nga lang. Pero keri lang basta para kay Jamil.

"Ahh miss pasulat nalang po dito sa book kung ano yung design and your fullname." sabi nung sales lady sa akin. Nagulat naman ako ng buksan ko yung book kung saan isusulat yung design.

Jamil Arquiza

Design for personalize necklace: Heart with letter A inside.

Date: January 22,2018

Ngayon lang to ha?! So galing siya dito para magpagawa din ng necklace? But ....

Para kanino yun!! Sino si A? Is that for Gwen Abesamis?

Oh f*ck NO!!

"Ah miss kanina pa ba pumunta itong nagpapersonalize para dito?" tanong ko dun sa sales lady tsaka tinuro yung name ni Jamil.

"Ah mam kakaalis lang po nyan." sagot nito. Agad naman akong lumabas sa jewelry shop at nagbakasakali na makita ko pa siya dito.

Hindi naman sa kalayuan nakita ko siya.

I saw Jamil together with another girl :<

Medyo hindi ko napansin yung itsura nung babae kasi nakatalikod ito at nakajacket pa na may hoodie.

Gusto kong magwala! Gusto ko siyang lapitan para sabunutan yung babae niya!! Gusto ko siyang lapitan para sampalin!!

Pero heto ako ngayon, pinapanuod siyang palayo sa akin kasama ang babae niya!!

HINDI!! HINDI!! SH*T JAMIL!! BAKIT ??

Kaagad naman akong lumabas sa Mall tsaka na pumara ng taxi. Nagpahatid naman ako sa bahay nila. Pagkadating ko dun nakita ko ang kotse ni Jamil. So it means nandito na siya?

Pinagbuksan naman ako ng gate ni Ate Risa atsaka pinapasok sa loob. Iniwanan niya ako sa may sala atsaka tinawag si Jamil. Ilang seconds lang naman bumaba na din si Jamil.

"Oh bakit ka nandito?" medyo shock niya pang tanong ng makita ako. Nilapitan niya naman ako tsaka hinalikan sa noo.

"Sino yung kasama mo sa mall kanina?!" sigaw ko sa kanya.

"Si Ate. May binili lang kami. Nandun ka pala!" tanong nito.

"Anong ginawa nyo dun!?" tanong ko pa.

"Nagpapersonalize siya ng necklace para sa boyfriend niya." oh sh*t!! Mali pala hinala ko!

"Ano bang nangyayari sayo?" tanong niya. Umiling lang naman ako.

"Wala akala ko may iba ka na!" natawa naman siya sa sinabi ko. Pero teka?!

"Wala ka bang naaalala ngayong araw?" tanong ko sa kanya.

"Wala e. Ano bang meron?" hindi ko alam kung niloloko niya lang ako o ano. But I admit, nasaktan ako.

Inilapag ko naman sa table yung cake na may note tsaka na lumabas ng bahay nila. Im waiting for him na habulin ako pero hindi man lang siya lumabas ng bahay nila. Sh*t Jamil!! Ano ba ang totoo?! Bakit mo ba ito ginagawa sa akin!!















[ Jamil Arquiza POV ]

Gusto ko siyang habulin pero hindi ko magawa. Gusto ko siyang sundan pero hindi ko alam bakit hindi man lang ako gumalaw. Isinisigaw lang ba ito ng isip ko at hindi ng puso ko? Kaya kahit anong pilit ko ay hindi ko magawa.

Tinignan ko naman yung cake na nasa harapan ko. I opened it, Happy 4 years dhie! Yan ang nakalagay sa cake. Tumagal kami ng 4 years. And f*ck! Paano ko nakalimutan itong araw na ito? Dahil ba malapit ng matapos kaya nakakalimutan ko na? Aish!!

Kinuha ko naman yung phone ko tsaka na siya tinext.

To: Mhie.

Uy umalis ka naman agad. Hindi ka mabiro, hindi ko tuloy naibigay yung gift ko. Happy 4 years mhie. I love u!

Sweet lies will definitely end.

Vote and Comment :}

When Your Past Love Haunts YouWhere stories live. Discover now