Chapter 22: Confirmed ~

3 0 0
                                    


Chapter 22: Confirmed ~

[ Den Santos POV ]

--December 23,2017

December 23 na. At two days nalang pasko na. Kaya naman ramdam na ramdam mo na ang lamig ng panahon. Nandito kami sa bahay namin ngayon at kasalukuyang nagdedecorate ng bahay. Dito na din kasi namin napagpasyahan na magchristmas. Sa akin okay lang naman since busy naman lagi ang tatay ko. At ganun din sina Zhaila and Arcie.


"Guys." napatingin naman kami ni Zhaila kay Arcie.


"Oh napano ka? Magpapasko na ang lungkot mo pa." sabi ko naman.


"Namimiss ko lang si Janelle." at dahil sa sinabi niya nalungkot na din kami ni Zhaila.


"Nasaan na kaya siya? Okay lang kaya siya." sabi naman ni Zhaila. Since umalis kasi si Janelle nawalan na din kami ng contact sa kanya. Even sa fb niya hindi na kami nirereplyan. I don't know kung nasaan na siya. Pero sana naman okay lang siya.


"Nakakamiss yung maingay na yun." sabi ko naman. Tumango naman yung dalawa.


"Magluluto na ako ng lunch natin." sabi ko naman at tumuloy na sa kitchen. Ayaw ko na kasi silang mas lumungkot pa. Ang drama na e. And I know Janelle will come back. Sana nga lang.


Nagluto naman ako ng adobo for our lunch. After ko magluto tinawag ko na yung dalawa at kumain na kami.


"So what's your plan sa christmas?" tanong ni Zhaila. Christmas eve kasi dun kami magkakasama.



"Kami siguro ni Nash aalis e." sagot naman ni Arcie.


"Eh ikaw ba Zhaila?" tanong ko kay Zhai.



"Baka magkikita din kami ni Jamil e. Ikaw ba Den?" sabi naman ni Zhai.



"Dito lang ako." sagot ko naman. Wala naman din kasi akong balak umalis.



"Hindi ba kayo aalis ni Brace?" tanong ni Arcie.



"Hindi e. For sure may lakad yun kasama ang pamilya niya. Ayoko naman makigulo no." sabi ko naman.



Nagpatuloy lang kami sa pagkain ngmagvibrate yung phone ko.



---
Email:
No response for my first email? Well bibeh, uuwi ako diyan sa christmas. Im so excited to see you. I love u bibeh 😍💕 -jundale
---



Nabitawan ko ang hawak kong kutsara dahil sa nabasa kong email. Aish! Kailan ba ako titigilan ng nagpaprank na to!



"Den. Are you okay?" napatigil ako sa pag-iisip ng tanungin ako ni Arcie. Tumango lang naman ako.


"Are you sure? Mukha ka kasing nakatanggap ng death threat. Sino ba kasi nagmessage sayo?" tanong naman ni Zhai.


"Yeah Im okay. Wala lang yun. 8080 lang yun. Nabigla lang ako wala na pala akong load." pagsisinungaling ko. I don't know kase if sasabihin ko na ba sa kanila na nakakatanggap ako ng mga email like this. Aish. Siguro pag sure na akong si Jundale to. Doon ko nalang sasabihin sa kanila.


When Your Past Love Haunts YouWhere stories live. Discover now