Chapter 26: Boracay ~

1 0 0
                                    

Chapter 26: Boracay ~

[ Den Santos POV ]

Isinara ko na ang maletang dadalhin ko for our trip. Ngayon na kasi ang alis namin papuntang Boracay. Sa Boracay kasi gaganapin ang event for the Mr. & Ms. AU.

"Guys tara na." sigaw ni Janelle kaya naman bumaba na ako. Yeah kasama namin silang aalis ni Brace. Syempre kailangan namin ng support. Sayang nga lang kasi si Jd hindi makakasama.

Paglabas namin nandun na ang van na magsusundo sa amin papuntang airport. Complete din ang barkada ngayon. Ang saya din kase naging complete kami ngayon. Kaso may gap pa din sa amin ni Brace dahil hindi pa rin kami nagkakaayos.

At yung mga bwisit nang-asar pa talaga. Paano ba naman pinagtabi kami ni Brace sa van. Kaya ayun lahat sila masayang nagkukwentuhan habang itong katabi ko busy din. Busy sa pagtulog. Tulog nga ba o nagtutulog-tulugan lang? Aish.

"Kausapin mo na. Hindi naman tulog yan." bulong ni Jam na nasa likod namin nakaupo.

"Pag gusto niya nalang. Mahirap kausapin ang taong ayaw kang kausap. Dahil kahit anong sabihin mo, hindi ka niya pakikinggan." sabi ko naman sa kanya. Kinuha ko nalang yung earphones ko at nakinig ng music.

Pagdating namin sa airport ay kaagad na naming kinuha yung ticket at nagbayad ng terminal fee. After nun dumiretso na kami sa waiting area kung saan kami maghihintay ng flight namin.

"Hmm Brace gusto mo sandwich?" pag-aalok ko sa kanya. Nagbaon kasi akong sandwich baka kasi madelay ang flight namin. You know. Ayaw kong magutom 😂

"Ayaw ko. Thank you nalang." sagot nito ng hindi man lang ako tinitignan. Busy kasi siya sa kanyang phone.

"Okay." sabi ko nalang. Nakakapagod na. Nakakapagod pilitin ang isang tao para lang kausapin ka. I know may kasalanan ako. Pero paano ko naman maitatama yun kung ayaw niya akong kausapin.

"Kakausapin ka din niyan." sabi ni Nash sa akin. I just smiled at him.

Maya maya lang naman ay tinawag na din ang flight number namin.

--BORACAY

"Guys were here! Were here!" sigaw ni Joaquin ng makadating na kami sa Bora.

"Sana makagala tayo." sabi naman ni Zhaila

"Oo naman after the pageant maglilibot tayo." sabi ni Brace, sa wakas nagsalita na siya. Akala ko sa two days namin dito hindi siya magsasalita.

"Guys groufie!" sigaw ni Arcie at naggroufie nga kami.

After nagpicture picture kinuha na namin ang mga gamit namin at hinanap ang van na susundo sa amin.

"Guys ayan na ata yung sundo natin." sabi ni Nash at itinuro ang van na papalapit sa amin.

Mula sa van bumaba ang isang babae na medyo may kaputian at sakto lang ang height.

"Im sorry natagalan." sabi nung girl. Nashock naman si Nash ng makita niya yung girl.

"Sharlene!" sabi ni Nash at niyakap ito

When Your Past Love Haunts YouWhere stories live. Discover now