Chapter 25: Date ~

1 0 0
                                    


Jundale Bocitas on the multimedia :>

Chapter 25: Date ~

[ Den Santos POV ]

"Den nasa baba na si Jundale." sabi ni Zhaila ng pumasok siya sa  kwarto ko.

"Pakisabi bababa na ako." sabi ko at inayos na ang dress ko. Si Zhaila naman bumaba na. And yeah okay na kami ng mga girls kaso si Brace hindi pa din kami okay.

"Ganda naman ng kadate ko." bungad sa akin ni Jundale ng makababa na ako.

"Potek! Nambola pa." sabi ko naman

"Umalis na nga kayo. Nilalanggam na dito." pagbibiro naman ni Arcie.

"Osya na. Bye bye girls." sabi ko naman dun sa tatlo. Yes. Bumalik na si Janelle dito sa bahay.

"Bibeh saan tayo pupunta?" tanong ko nang nasa biyahe na kami ni Jundale.

"Sa mall magdedate tayo." nakangiti niya namang sagot.

"Para kang timang diyan. Ngiti ka ng ngiti." sabi ko naman

"Hindi ko kasi mapigilang hindi ngumiti kapag kasama kita." kinilig naman ako dahil sa sinabi niya. Nakakamiss yung kilig na to.

"Hay. Si bibeh ko kinikilig na naman." pagbibiro niya. Hinampas ko nga sa braso. Mang-aasar pa e.

"Bibeh wag mo akong paluin baka maaksidente tayo. Magpapakasal pa tayo e." sabi pa niya. Natahimik naman ako ng maraning ko yung word na magpapakasal. As far as I know, hanggang ngayon engage naman kami diba? Pero papakasalan niya pa nga ba ako?

"Oh bakit ka natahimik diyan?" tanong niya.

"Ah wala." tipid kong sagot

Huminto naman ang kotse niya sa isang Mall. And to be specific sa StarMall Alabang.

(Author's Note xx StarMall Alabang. Lugar na kung saan unang nagkita ang Junden 💘)

"Saan una mong gustong pumunta?" tanong niya.

"Kain tayo." sabi ko naman. Gutom na ako e.

Pumunta naman kami sa Giligans at doon kumain.

"Hm bibeh wait lang ha. Cr lang ako." paalam ko sa kanya.

Agad naman akong pumunta sa Cr at pumasok sa isang cubicle. Palabas na sana ako ng biglang may nadinig akong dalawang babaeng nag-uusap.

"Omg. Girl nakita mo ba yung boy na nasa left side natin. Gosh. Ang gwapo niya."

"Yes. I saw him. Alam mo naman ako mabilis ang mga mata sa gwapo."

"So what will you do?"

"Simple lang. I will seduce that boy."

"Do you think gagana yun kay kuyang nakablue?"

Wait?! Nasa bandang left side at kuya na naka blue? Potek! Si Jundale ba tinutukoy ng mga to!!

When Your Past Love Haunts YouWhere stories live. Discover now