Chapter 127

9.4K 162 10
                                    

Chapter 127

Maxzine Lunzaga

Naiinggit ako sa asawa ni Doc ang sweet kasi niya saka kitang kita yung pagmamahal niya sa asawa niya,  nung nakita ko siya sa unang pag dating nila siya agad ang napansin ko at sinundan ko siya,  naghahanap siya ng signal at sobrang inggit ko,  kaya nga mas ginusto ko ang magpahuli sa check up para naman mapansin niya ako pero hindi niya ako natandaan,  nagpagupit pa nga ako para sa kanya, 

Ngayun nakatalikod siya at may inaayos kaya itinaas ko na ang malaking T-shirt kong sout saka ko nakita ang tiyan ko. Hindi naman ako nagsisi na nag bunga to dahil ibinigay siya ng diyos sakin kaya tatanggapin ko.

Humarap na siya sakin at may inilagay sa tiyan ko at sobrang ginaw saka gumalaw ang baby ko.

Sinimulan na niyang inilagay sa tiyan ko yung kulay puti na di ko alam saka ito tumunog

"Heartbeat ng baby mo" sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Okay lang naman" agad niya ito inilayo saka pinunasan ang tiyan ko saka dahan dahan akong umupo.

"Ito ang vitamins mo" tinaggap ko naman ito.

"Salamat doc" tumango lang siya kaya tumayo na ako ng bigla akong matapilok at naagapan ako ni doc sa pagsalo sakin.

"Mag ingat ka" pag alalang sabi niya.

"Buntis ka" kinilig naman ako ng inayos niya ako ng tayo.

"Mag ingat ka sa susunod" tumango ako at umupo sa harap ng mesa niya

"Doc matagal na kayong kasal ng asawa mo?" Tumingin siya sakin.

"Oo, 7 years na kasi kaming magkasintahan at dahil ayoko ng pakawalan pa siya pinakasalan ko na siya" medyo na saktan naman ako sa sinabi niya,  mga gaya niya kasing lalaki ang gusto ko,  yung responsabli saka doctor.

"Ang tagal na pala" ngumiti lang siya kaya tinignan ko siya,  ang gwapo niya kasi,  mahaba ang pilik mata niya mapupula na manipis na labi at may bigote siya pero mas lalo siyang gwapo dahil dito,  may perpekto din siyang ngipin at yung katawan niya may masel na alam kong malaki talaga siyang tao at lalo na pag ngumiti siya nabibihag niya ako.

"May kailangan ka pa? " tanong niya saka tumingin sa cellphone niya.

"Ah may ipapakausap sana po ako" tumango siya sakin.

"Gusto ko po kasi sanang kumain ng mangga pero hindi ako pwedeng umakyat sa puno" napatango siya at napahawak sa baba niya.

"At? " tanong niya ulit.

"Pwede niyo po ba akong kunan? " napangiti siya at napahawak sa buhok niya.

"Pasensya ka na gusto man kitang tulungan pero pinaglilihian kasi ako ng asawa ko saka masama daw kasi yun pag may ibang buntis akong pagbibigyan sa gusto nila" biglang pumasok yung isang doctor kaya napatingin siya dito.

"Siya nalang,  ah danny kuhaan mo siya ng mangga naglilihi yata siya sa prutas na yun alam mo namang pinaglilihian ako ng asawa ko" napataas kilay yung isang doctor sa sinabi niya.

"Bakit bawal ba yun?" Sagot nito sa kanya kaya nag palit palit ang tingin ko sa kanila.

"Danny buntis ang asawa ko first baby pa namin ayokong mag tampo yung lil champ ko" napangiti yung isang doctor.

"Sige na nga oh tara maam nasaan ba? " napangiti nalang ako,  gusto ko sana siya pero wala akong magagawa dahil may asawa na ang nagustuhan ko,  gusto ko siyang kunin sa babaeng asawa niya,  mayaman naman yung babaeng asawa niya kaya okay lang ang akitin si doc.

"Pasensya na kung ganun si doc,  sadyang ganyan na yan loyal talaga sa asawa alam mo bang bago kami pumunta dito nag iyakan pa ang mag asawa bago bumitaw,  para talaga kaming nanunuod ng telenovela dahil sa drama nilang asawa,  paulit ulit niya yatang hinalikan yung misis niya at ang tiyan nito" ngumiti nalang ako.

"Saka ilang beses na ring may umaakit kay doc pero dedma yun sa kanya focus siya sa mag ina niya,  saka alam mo ba last kong narinig nung may umakit kay sir sinampahan ng kaso ng mga magulang ni maam maxine yung babaeng yun dahil naaksidente si maam sa ginawa nung babae kaya grabe nalang ang pagsisi ni doc,  saka yung dahilan niya sa pagiging doctor ng mga buntis ay para sa asawa niya,  pumayag nga lang siya sumama dito sa mission namin dahil kailangan talaga,  pero surgeon talaga yang si doc, siya yung doctor na binubuksan ang katawan ng tao para sa kabutihan" mas lalo akong namangha sa kinuwento nito pero natakot din.

"Kaya kung may balak kang akitin si doc wag mo ng ituloy" bigla akong napatigil at ngumiti siyang humarap sakin.

"Kanina pa kita nakikitang nakatitig kay doc, yung maghahatid sana ng pag kain namin ay yung nutritionist ni doc pero pinigilan mo dahil gusto mong ikaw ang mag bigay,  kaya sana wag mo ng balaking akitin yun dahil masasaktan ka lang sa sasabihin ni doc,  devoted husband yun sa asawa saka maraming bantay si doc pag may nakakita at nakaalam na inaakit mo siya isang tawag lang malalaman na yun ng asawa niya,  diba sabi naman ni doc pinaglilihian siya ng asawa niya kaya baka magulat ka nalang may dumating na helicopter at bumababa ang asawa niya" natatawa niyang sabi at tumingin sa tiyan ko.

"Mas mabuti pa sigurong magpaka nanay ka sa anak mong nasa sinapupunan mo,  wag mo ng balaking akitin si doc" nahiya ako sa kanya kaya tumalikod nalang ako sa kanya dahil nahihiya ako. 

"Ano ba yan wala na bang kaubusan yang kahihiyan niyang babaeng yan,  pati sa doctor na may asawa may balak pang agawin,  at talagang ang mas pinakamayan pa talagang doctor, ni hindi mga siya nakakalamang sa asawa nito" rinig kong bulong nung isang buntis.

"Oo nga hindi na ba siya nahiya sa pinagbubuntis niya? Nabuntis siya ng stepfather niya dahil inakit niya kaya nga namatay ang nanay niya dahil sa landi landi niya" tinignan ko sila ng masama

Paki ba nila kung gusto kong anong gusto kong gawin.

"TUMAHIMIK KAYO" sigaw ko sa kanila at umalis nalang at yung doctor kanina ay tumatawang nakatingin sakin at napailing iling pa. 

Nahiya tuloy ako ng mag lumabas si doc saka tumingin sa kanya yung doctor niyang kasama at may sinabi kaya mas lalo akong nahiya ng tumingin si doc gwapo sakin kaya tumakbo ako palayo...


To be continue...

TheMirrorPrincess

The Soulmate (18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon