Chapter 54

10.4K 208 13
                                    

Chapter 54

Phinnaeus Point of view

Nakatulala lang akong nakatingin sa notebook ni Maxine at hawak ko rin ang Hearing Aid niya, madami akong pinagsisihan,  lalo na nung plinano kong maghiganti sa kanya,  Nasaktan ako sa sarili kong gawa,  walang ibang ginawa sakin ang babaeng mahal ko kundi ang mahalin ako nang lubos lubusan pero sakit nang puso ang ibinigay ko sa kanya, 

"Alam mo ba sa tuwing umaalis siya nang bahay laging may ngiti siya sa labi lalo na pag nagluluto siya" biglang bumagsak ang luha ko sa sinabi nang mommy niya.

"Akala ko nga malulungkot siya dahil marami nang nagbago sa kanya,  pero pag nakatingin lang siya sa mga video niyo noon napapangiti na siya" mas lalo lang akong naiyak.

"Hinanap ka niya nung nagising siya,  akala nga niya isang araw lang siyang tulog pero sinabihan namin siya,  ayaw niyang maniwala kaya pumunta kami rito,  unang lapag namin dito sa london gustong gusto ka na niyang makita pero dahil malayo layo kami sayo ay naghanap kami nang malapit lang kaya ayun nagawa niya ang gusto niya" hindi ako sumagot at nakayuko lang.

"magdadasal lang ako sa chapel" paalam nang mommy niya at di ako sumagot at tumingin lang sa pintuan nang operating room,  kanina pa sila sa loob at dahil 12 hours ang operasyon na to ay natatakot ako,  biglang lumabas na nagmamadali ang mga nurse kaya agad akong mapatakbo sa screening room sa taas at nakita kong naging abnormal ang takbo nang vitals ni Maxine. Bigla akong nanghina sa nakikita ko,  halos hindi na ako makahinga at lahat ay natataranta,  nakikita kong ipinasok ni tito ang kamay niya sa loob nang internal organ ni maxine at pinump ang bagong puso nito,  naging mistulang flatline ang monitor kaya mas lalo akong naiyak.

"baby hold me please" pagmamakaawa ko sa kanya,  paulit ulit na pinump ni uncle yun at umabot ang tatlong minuto bago naging normal ang lahat kaya napaupo ako sa sahig.

"poor her" napatingala ako,  si Dawn siya yung babaeng isa sa mga ka fling ko,  doctor siya dito.

"your love life sucks Phinnaeus" hindi ako sumagot sa kanya kaya tumayo ako saka ako tumingin kina uncle na nag wrap up na,  anim na oras ang heart transplant na yun saka ko nakitang naghahanda nanaman sila para sa isang operasyon.

"you know this is the first dual operations in the history phinnaeus,  this can be successful of unsuccessful but you still take the chance" takot niyang sabi,  alam ko namang ito ang unang dual operations pero ayokong mawala ulit sakin si maxine,  dahil gusto kong itama lahat nang mali kong nagawa sa kanya.

"i trust them!" sagot ko nalang at umupo na nakatingin sa kanila,  tumingin sakin ang babaeng mag oopera kay maxine,  tumango siya kaya ganun din ang ginawa ko at nagsimula na sila,  hindi ko nakikita ang ginagawa niya perong kabang kaba na ako.  Napansin ko ring wala na si Dawn kaya napatingin ako sa notebook ni Maxine,  marami siyang sinulat sa notebook na to at gusto kong basahin ito kaya sinimulan ko na itong buklatin.

Things i wishes with you baby P.

sa nabasa ko palang parang dinukot ang puso ko doon,  napahinga ako nang malalim at napahawak sa noo ko,  di ko na mabilang kung ilang ulit ko nang nasabunot ang buhok ko dahil sa pagsisi sa lahat lahat nang nagawa ko kay Maxine,  at ayaw ko sa lahat yung huling gabi namin sa bar,  nang ibinigay ko siya sa kaibigan ko,  ang binigyan siya nang masasamang salita,  kung alam ko lang na ganun ang mangyayari sana nagpakagago ako sa ibang paraan na ako nalang ang nasaktan hindi siya, 

1. I want you to hug me from behind,  unexpectedly.

napakagat labi ako sa nabasa ako.

2. I want you to give me your hoodie when im cold.
3. I want you to hold me and keep me warm.

napangiti ako sa nabasa ko saka ko ito hinaplos.

4. I want you to cuddle with me and watch movie together.
5. I want you to kiss me in the rain.
6. I want you to hold my hand and play with my fingers.
7. I want you to play with my hair.

Tumulo nanaman ang luha ko.

"Sana nagawa ko tong lahat sayo noon"

8. I want you to take amazing photos with me.
9. I want you to come to my house and meet my family.
10. I want you to lay on my bed with me and just hold me.
11. I want you to let me dress you up and make you look silly.
12. I want you to watch sunrise with me.

napangiti ako at pinunasan ang pesnge ko.

13. I want you to give me piggy back ride daily.
14. I want you to kiss my nose.
15. I want you to wipe my tears away.
16. I want you to tell me that you miss me already even if were together five minutes ago.
17. I want you to drop everything and hug me tight.
18. I want you to take me on a picnic.
19. I want you to snuggle with me in the movie theater.
20. I want you to squeeze me as you can when we hug.
21. I want you to smile every single time you see me.
22. I want you to know how much i love you.

Napangiti ako sa mga sinulat niya, kung sana hindi ko siya iniwan,  sana nagawa ko lahat nang to sa kanya,  sana napasaya ko muna siya bago ako umalis,  at sana mas hinabaan ko ang pasensya ko para sa kanya,  kung sana hindi ako naging gago, 

Sana maayos pa siya ngayun at hindi nahihirapan at hindi lumalaban sa buhay niya ngayun. 

"Phinnaeus" napalingon ako kay uncle at pinunasan ko agad ang pesnge ko nang umupo siya sa tabi ko..

"ikaw na yata ang pinaka gagong nakilala ko" napayuko lang ako sa sinabi ni uncle.

"sa araw araw na nakikita kong linalapitan ka ni maxine araw araw mo ring pinapamukha sa kanya na sana nawala nalang siya sa buhay mo" bigla nanaman akong naiyak.

"araw araw mo ring tinatapon ang pagkaing pinaghirapan niya para sayo kahit sa kondisyon niya mahirap nang gawin yun" mas lalo akong napahagulhul.

"sinabihan na kita noon paman Phinnaeus na wag panguhan ang mga ganito pero sa nakikita ko wala kang ginawa para sa kanya kundi ang kamuhian siya at pinapatay sa isipan mo sa loob nang limang taon habang di mo na papansin unting unting nagkakatotoo ang mga hiling mong yun,  alam mo yung gods will phinnaeus,  hiningi mo kasi to kaya ibinigay sayo, di ko talaga kayo maintindihan magkapatid lagi niyo nalang pinapangunahan ang mga babae di na kayo natoto sa daddy niyo, ilang ulit na niya kayong pinagsabihan pero ano? walang nangyari" tinapik tapik ni uncle ang balikat ko.

"Kung sana tinanggap mo siya noon,  nalaman mo sana ang katotohanan bakit bigla siyang nawala,  pano nga naman siya makakapag tawag sayo o text kung bumagsak na ang katawan niya" umiyak lang ako nang umiyak.

"ayokong sabihin sayo na hindi mo kasalanan,  pero ang totoo kasi niyan phinnaeus,  sa unang operasyon palang alam mo na ang mangyayari pero kinalimutan mo kaya ang masasabi ko kasalanan mo talaga ang lahat nangyari kay maxine,  Kasalanan mo dahil lumapit siya sayo noon pero sinunud mo ang sinasabi nang utak mo,  kung sana naging matino ka noon sana masaya kayo at hindi nasayang ang limang taong yun" tumayo si uncle kaya napatingin ako sa kanya.

"ihanda mo ang sarili mo dahil ito ang unang dual operation,  pwedeng ma-successful pero hindi kami makakasigurado,  sa ngayun pag natapos ang operasyon imomonitor namin ang utak niya,  masyado nang na exposed sa mga gamot si maxine kaya medyo bad news ito para sayo,  may chance na mahirap mag conceived si maxine kung pag uusapan ang pagbubuntis" napayuko ako at napakagat labi.

"pero hindi ako siguardo doon,  kaya sana hilingin mo sa diyos ang dapat mong hilingin pero sa ngayun mag bihis ka muna, naliligo ka sa sariling dugo ni maxine" saka na umalis si uncle kaya napahinga ako nang malalim. 


to be continue.....

TheMirrorPrincess

The Soulmate (18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon